“ANONG ginagawa mo dito?” Nakakunot ang noo ni Teo habang nakatingin sa nakangising lalaki na may dalang bouquet of flowers at stuffed toy. Nagulat siya sa pagpasok nito sa kanilang opisina, kulang ang salitang gulat sa kanyang naramdaman ng mga sandaling iyon dahil totoong kinabahan siya sa pagsulpot nito sa kanilang opisina. It’s a busy Wednesday, sobrang daming pending na paperworks na kailangan nilang tapusin. They need to help professor Aguirre, napapansin nila na paminsan-minsan ay natutulala ito at napapatingin lang ito sa kisame at natutulala minsan. Hindi rin nila matanong ng maayos dahil bigla nalang itong nawawala. Ppalagi din nila itong nahuhuli na nakatitig sa kalendaryo at hindi lang sila ang nakakapansin sa inaasta nito. Hindi na sila n

