NATATAWA si Isla habang pinapanood ang mga bata na naghahabulan sa skating rink. Nasa gilid lang si Ari at Josh na magkahawak kamay habang nagske-skate. Si Teo ay tinuturuan din si Margot, may experience na si Teo kaya wala na itong masyadong problema. Ganoon din si Carmi kay Rhea na takot na takot noong una itong tumapak sa sahig na yari sa yelo dahil akala nito ay masisira iyon. She invited them to relax lalo pa at katatapos lang ng midterms at sa dami ng mga nangyari ay needed talaga nila ang araw na iyon. “Ate!” napangiti siya nang makita ang si Rafael, may bitbit itong paperbag na may lamang French macaroons at ibinigay sa kanya. “Para saan ‘to?” she asked since hindi naman niya ito inutusan na bumili. “Inutusan ako ni kuya Caius na b

