“PEPPER, your tummy is getting bigger na.” tinusok-tusok ni Giselle ang malaking umbok ng tiyan pagkadating niya sa private room ng isang restaurant kung saan sila magkikita-kita. “Naiinggit na ako, gusto ko na rin na lumaki ang tiyan ko.” Sabay silang napatingin kay Cynthia na nakahawak sa impis na tiyan nito. “Oh my God!” Giselle gasps. “You’re pregnant na?” masayang ngumiti si Cynthia at sunod-sunod na tumango. “Congratulations friend.” “Congratulations, Cynthia. Finally, the long wait is over.” Naiiyak na bati ni Leane. “May makakalaro na rin si Ady soon. Not just one but two.” Turo nito sa kanyang tiyan. “Hindi rin namin expected na makakabuo agad kami ni Fernand, akala namin ay aabutin ng isang taon as what we’ve planned

