Paalala: This story is a work of fiction, may mga information at pangyayari na hindi naaayon sa mga alam natin sa real world, love yah babies!
MARAHAS na napabuntong-hininga si Isla nang mapansin na nakasunod sa kanya sina Margot at Arielle. Inis na napatingin siya sa dalawa para tumigil ito sa pagsunod sa kanya.
“Why are you following me around?”
“Baka mahimatay kayo ulit, Mi.” mabilis na sagot ni Arielle.
“And Mr. Rueda instructed us na bantayan ka po.” Paalala ni Margot sa kanya. Mas lalong nagdugtong ang kanyang kilay sa sinabi nito.
“I’m fine, hindi na ako mahihimatay.” Hindi nga niya maalala kung bakit siya hinimatay. Ang tanging naalala niya ay bumaba siya sa sasakyan ni Caius, hanggang doon lang. Nagising siya sa clinic ng Magnus at nakabantay lang ang lalaki sa kanya. Wala itong sinabi hangga’t hindi siya natanong ng doctor. Wala namang masakit sa kanya and she felt fine after waking up kaso parang si Caius yata ang may sakit sa kanila dahil pinilit lang nito ang doctor na ipadala siya sa hospital.
Nang umalis si Caius ay saka lang sinabi sa kanya ni Doc Olivia na nakipag-away daw si Caius dito at nag-insist na dalhin siya sa hospital. He even questioned Doc Olivia’s capabilities kaya inaway din ito ni Olivia, parang gago lang. Hindi rin siya agad pinaalis ng doctor dahil kailangan pa niyang mag-undergo ng mga tests.
Well-equipped ang mini-hospital na tinayo ng Magnus para sa mga staff and students. May separate building doon para dito at iyon ang tinatawag nil ana clinic kahit na mas malaki iyon keysa sa mga public hospitals na malapit sa university. Pagkatapos makuha ang results at tingnan ang mga previous records niya ay pina-uwi din siya nito. She is pretty sure that she’s perfectly fine and healthy. Si Caius lang ang hindi naniwala kaya inutusan nito ang mga kasama nila sa opisina na bantayan siya at ito na nga ang nangyari.
Inis na kinuha ang cellphone at tinawagan si Caius. Wala ito sa university dahil busy ito sa kompanya. After three rings ay sinagot nito ang kanyang tawag.
“Yes?” Sagot nito.
“Hello to you too.” Asar na sabi niya. “Pwede bang patigilin mo na sina Arielle at Margot sa kakasunod sa akin dahil naaasar na ako.”
“No. Paano kung mahimatay ka uli?” may narinig siyang mga boses sa kabilang linya. Napakunot ang kanyang noo.
“You’ve seen the test results, right?” Of course, alam nito dahil ito mismo ang kumuha sa kanyang results dahil again, duda ito kay Olivia. “Kung hindi mo lang binantaan na sasabihin sa parents ko ang nangyari sa akin sa tingin mo ba ay papayag ako na pasundan mo nitong mga batang ito ng ilang araw?” halata na talaga sa boses niya ang knayang inis.
“You mad?” she rolled her eyes and gritted her teeth when she heard him asks.
“Gusto mong malaman kung gaano ako kagalit ngayon?” tinitigan niya ng masama sina Ari at Margot. “Huwag kang magpapakita ulit sa akin.” Nilagyan niya ng lambing ang kanyang boses pero may halong pagbabanta ang kanyang boses saka pinatay ang tawag. Wala pang dalawang segundo ay nagring naman ang kanyang cellphone pero ni-reject lang niya ang tawag nito and even blocked his number.
Naglakad na siya papasok sa kanilang opisina habang nakabuntot pa rin ang dalawa. Tahimik lang siya dahil iniisip niya kung paano tatakasan ang mga ito. Maghahanap lang siya ng tyempo para gawin iyon. Pupuntahan niya si Giselle sa faculty nito at doon magtatago o kaya naman ay lalabas siya ng university at tatambay sa milk tea shop ni Pepper.
Hindi na niya kinausap ang mga kasama at alam rin ng mga ito na hindi maganda ang kanyang mood. What she hates the most is being followed. Kinausap lang niya ang mga kasama kapag may utos siya, luckily, wala si Teo dahil may class pa ito. Vacant naman nina Arielle at Margot. An hour from now ay si Carmi naman ang bibisita kuno sa kanya hanggang sa makabalik si Teo mula sa klase nito. Minsan ay naisip niya kung ano ang pinakain ni Caiusa sa mga alipores at mas takot pa ang mga ito dito keysa sa kanya.
Pumasok si Arielle sa restroom habang busy naman si Margot sa pag-e-encode ng mga records na inutos habang nakatalikod sa kanya. Removing her shoes, she tiptoed her way out from her office. Hindi niya minsan inisip na darating ang panahon na may tatakas siya ng ganito sa kanyang opisina. Mabuti nalang talaga at naisipan niyang buksan ng malaki ang pintuan at hindi iyon nasirado ng mga kasama.
Nang makalabas ay napangisi siya ng malaki. “Freedom.” She uttered to herself.
“ANONG ginagawa mo dito?” natatawang tanong ni Pepper sa kanya nang makarating siya sa milk tea shop nito. Marami ang mga costumers lalo pa at kakabukas lang din ng shop nito.
“Binibisita ka at magpapalibre na rin.”
“Ang yaman-yaman mo tapos magpapalibre ka? Bawal, malas sa Negosyo.”
Sumimangot siya. “Ang damot talaga nito, cheesecake milk tea please. Ilista mo muna, taghirap ako ngayon. Babawi nalang ako sa inaanak ko.” Napatingin siya sa may kalakihang tiyan nito. Tinawanan lang siya ng kaibigan pero inutusan naman ang mga tauhan na ibigay ang kanyang gusto. “By the way, okay ka lang ba? Hindi ka ba nasusuka o ano?” nag-aalala pa rin siya sa kalagayan ni Pepper lalo pa at nag-iisa lang ito sa apartment nito.
“Nasa second trimester na ako kaya medyo bumaba na rin ang mga morning sickness ko. Very good si baby dahil hindi niya pinapahirapan si Mommy.”
“May bakanteng unit sa condominium na tinitirahan ko bakit hindi ka nalang doon lumipat at least malapit sa akin tapos mapupuntahan din kita doon kapag hindi ako busy.” Sa tingin niya ay mas safe ang kaibigan niya doon.
“Really? Malapit na rin kasi na mag-end ang contract ko sa apartment na tinitirahan ko mag-e-extend sana ako ng contract next week but since may available naman pala sa condo mo lipat nalang ako.”
“Mas malapit din dito at hindi ka na mahihirapan sa biyahe.”
“Sige, sino ang kakausapin ko?”
“Ako na ang bahalang kumausap sa may-ari ng unit, ayusin mo nalang ang mga gamit mo para makalipat ka na rin agad.”
Ngumiti ito sa kanya. “Thanks talaga, Iana.” Lumabi lang siya dito.
“Nakausap mo na ang parents mo?” tumabingi ang ngiti ng kaibigan sa kanyang tanong. Alam na agad niya ang sagot sa kanyang tanong.
“Nakausap ko naman sila pero ayaw nila akong makita hangga’t hindi ko nadadala ang tatay ng anak ko.” Mahina itong tumawa pero ramdam niya ang nararamdaman ng kaibigan. “Paano ko nga madadala kung pati ako ay hindi kilala ang taong iyon.”
“Friend, what if one day ay bigla nalang magpakita sa harap mo ang tatay ng anak mo? Anong gagawin mo?”
“Pretend that I don’t know him gaya ng sinabi niya, malamang kasal na rin iyon ngayon kaya mas mabuting hindi nalang kami magkita uli. Ayokong maging homewrecker. Nagpasalamat nga ako na hindi ako kasing waldas mo ng pera at may savings ako kaya hindi ako nahirapan na itayo ito.”
“Uy, hindi ako ma-waldas ng pera.” Depensa niya sa kanyang sarili. “Well, slight.”
“Sabihin mo iyan sa mga designer bags and shoes mo.”
“Happiness ko kaya ang mga iyon and investment at the same time.” Inirapan lang siya ng kaibigan at kinuha ang order niyang milk tea. “Seryosong usapan Pepper at huwag mong isali dito ang mga babies ko, pwede ka namang lumapit sa amin kung nahihirapan ka na. Hindi sa kinokonsenti ko ang ang nagawa mo nangyari na ang nangyari and you already learned your lessons kaya hindi na kita ibe-blame. Nandito lang kami para tulungan ka, what are friends are for.” Sa wakas ay napangiti na niya ito ng abot sa mata.
“Well, having you girls as friends are my best investments.”
“Right.” Sabay silang nagtawanan sa kanyang naging sagot. “Pero paano kung hindi pala talaga kasal si Zon?”
Nagkibit-balikat ulit ito. “Alam mong may isang salita ako, Iana. Kung hindi pa siya kasal ngayon malamang may iba na siyang babae sa ibabaw ng kanyang kama na may parehong set-up sa amin. You know what, you are not helping. I am trying to move on here but you keep on talking about him.”
“Curious lang talaga ako.”
“You shouldn’t be, he is not worth our time.” She just pursed her lips knowing that Pepper is lying to her. Kilala niya ang akin, alam niya kung kalian ito nagsisinungaling.
“One wintermelon--.”
“Jersey?” gulat na tawag niya sa nag-order.
“Mami!” maging ito ay nagulat din na natawag siya pero lumawak din agad ang ngiti at parang bata na nagtatalon papunta sa kanya at mabilis siyang niyakap. “I miss you.” Ginantihan niya ng yakap ang pinakaunang estudyante na tumawag sa kanya ng Mami.
“Jersey Miranda you are a bad daughter, bakit hindi mo na ako tinatawagan o kaya ay kahit chat man lang?” inis na tanong niya dito.
“Hehe.”
“Huwag mo akong i-hehezone.” Kinurot niya ito sa tagiliran gaya ng ginagawa niya dati noong nag-aaral pa ito sa Magnus. Sa dami ng mga na-close niya na mga students bago pa dito ay ito lang talaga ang naging successful sa pagtawag sa kanya ng Mami, Jersey successfully broke her wall back then.
Tinitigan niya ang pinaka-unang adopted s***h fake daughter niya. Nakasuot ito ng uniform ng University of Geffen Cornell medicine department. Two years ago ay bigla nalang itong Nawala sa Magnus. Ito ang unang working student niya at nag-iwan lang ito ng I’m sorry letter at hindi na nagpakita. Nalaman nalang niya na lumipat na pala ito ng ibang university pero hindi niya alam kung saan dahil nag-deactivate ito ng mga social media accounts at hindi na rin niya ma-contact ang dalaga using her cellphone number. Literal na naglaho ito at nang tanungin niya ang registrar’s office kung saan ito lumipat, naging confidential ang files nito.
“Saan ka bang nagpunta bata ka?”
“Umuwi po ako sa amin. Wala bang sinabi ang mga dating kaibigan ko?”
Kumunot ang kanyang noo sa tanong nito. “I haven’t seen your friends na din sa campus. Hindi ba graduating na sila this year? Hindi mo na rin sila kinausap?” mapakla itong tumawa.
“Sila po ang dahilan ng pag-alis ko sa Magnus.”
“What? Pero bakit?” naguguluhan niyang tanong. Sa pagkakaalala niya ay ahead si Jersey ng one year sa group of friends nito pero dahil mas bata itong nag-college kaya ka-edad lang nito ang mga kasama. Palagi niyang nakikita sa cafeteria na malapit sa North Gate si Jersey with her friends before, nadadaanan kasi ng sasakyan niya ang area na iyon at may parking din sa labas ng open hall cafeteria.
“Medyo long story po, Mami.”
“Make it short then.” Ngumiti lang ito. “At bakit ka nga pala nasa vicinity ng Magnus? Sobrang layo ng UCG dito, ah.”
“Mami, can I still visit you sa office mo? Ayoko na sanang bumalik ng Magnus kaso may exchange program po ang school namin ngayon at Magnus ng one month. Isa ako sa nasali dahil may hinahabol akong grades kaya hindi ako pwedeng mag-refuse.”
Narinig nga niya ang balitang iyon mula kay Olivia noong dalhin siya sa hospital dahil nahimatay siya. Every year ay may one or two months exchange programs ang Magnus sa ibang university sa Medicine Department. Ang main goal ng program ay ma-explore ng mga students ang ibang facilities na iba sa nakasanayan na environment in preparation sa kanilang residency.
“Bakit mo naman naisip na hindi ka na welcome doon? Ikaw ang unang reyna ng Biochemistry Laboratory. Nag-shift ka ng course?”
Umiling si Jersey. “Pre-medicine po ang course ko sa Magnus, Mi.”
“Huh? Really? Akala ko chemistry ang major mo?”
“Sinulot niyo po ako kay Prof. Giselle that time.” Biro nito. Inalala niya ang sinabi ng kausap, totoo ang sinabi nito. Nakita niya ang efficiency nito sa trabaho kapag nakatambay siya sa faculty ng kaibigan at sinulot nga niya ito dito… actually, nanalo siya sa pustahan nila kaya walang nagawa si Giselle kundi pumayag. Hindi rin importante sa kanya kung saang department ito dahil kahit saang bahagi ng Magnus niya ito nakikita at kung sinu-sino rin ang kausap nito. Isa itong social butterfly at hindi nakakapagtaka kung marami itong mga naging kaibigan kaya nga nagtaka siya kung bakit bigla nalang itong nawala.
“May seven-year medicine program ang UCG, Mi. Noong lumipat ako ay credited lahat ng mga subjects na kinuha ko sa Magnus, may ilang subjects lang na kulang ako kaya nagtake ako ng summer classes sa UCG para makapag-exam ng NMAT. Maganda ang medicine program nila doon and very flexible po ang schedule. Kung may gustong i-open na subjects every summer as long as kaya ng budget ng students ay i-o-offer nila at kinuha ko ang opportunity. Every summer ay nag-aaral pa rin ako and now I’m on my sixth year na dahil nag-o-overload din ako ng mga subjects. Next year ay internship ko na, Mi.”
“Allowed ba ang overloading sa UCG?”
“Hindi rin pero wala silang choice dahil nagbabayad naman po ako and mga two subjects per semester lang ang ino-overload ko.” Napatitig si Isla ng husto sa kausap. There’s something about Jersey that she can’t point out. Alam niyang maganda at matalino ito pero hindi niya maintindihan kung bakit nag-iba ang aura na nakapalibot sa dalaga.
“Oh, I know you.” Bulalas ni Pepper. “Jersey Nicole Miranda, you are the only daughter of Thomas Miranda of HappyFoods Incorporated. Kaya pala parang familiar ka.”
Kumunot ang kanyang noo. HappyFoods Incorporated? Kilala ang company na iyon dahil sikat ang mga fastfood chains na under nito.
“You are my favorite stewardess. Hindi na kita nakikita sa mga international flights namin.” What the hell? Ganoon kayaman si Jersey? Iyong estudyanteng naka-scholarship at nagpapart time job sa kanya? Pambihira! Mas mayaman pa ito sa kanya, ka-lebel lang ng pamilya nito si Caius. “You are pregnant!”
“Yeah.” Maikling sagot lang ng kaibigan.
“Mas lalo akong naguluhan, Jersey. Hindi ko maarok ang mga nalaman ko, I mean, you are rich! Really rich.”
“Mami naman, ako pa rin ito si Jersey. Wala namang nagbago sa akin.” Gusto niyang batukan ang dating estudyante.
“Anong wala?” napatingin siya sa nagkukumpulan na mga costumers sa labas at saka napansin ang isang puting Tesla na sasakyan na naka-park doon. Sinundan ni Jersey ang kanyang tingin.
“Magta-transfer ba ako ng parking space, Ms. Stewardess? Parang nakaka-abala yata ang kotse ko sa labas.” Nahihiyang tanong nito kay Pepper.
“No need, friend ka ng friend ko kaya feel free to park and masarap ang milk tea namin dito pwede mong i-spread sa mga kakilala mo sa Cornell.” Nagmamarket na ang kaibigan niya.
“Sure, no problem.”
“Jersey, give me your phone number. Kakausapin kita ng masinsinan.” Seryosong ani niya dito. “I think I also deserve an explanation sa bigla mong pag-alis dati, right?” Napakamot ito ng ulo.
“Yes, Mi. Bibisitahin kita sa office sa Monday dahil first day ng exchange program.”
“Dapat lang.”
“By the way, Mi. Ang isa pala sa reason kung bakit pumayag ako sa exchange program dahil may nalaman ako.” Nginuya ni Isla ang black pearls habang hinihintay ang sasabihin nito. “Girlfriend ka po pala ni Mr. Rueda.” Biglang nag-slide sa lalamunan ni Isla ang mga black pearls dahil sa sinabi nito kaya naubo siya ng wala sa oras. Mabilis na tinulungan siya ng dalawa at binigyan ng tubig.
“What the hell, Jersey? Saan mo naman nakuha ang tsismis na iyan?”
“Kumakalat rin po kaya sa website ng UCG ang love team niyo. Magkakilala po ang mga admins ng official socmeds namin at ng Magnus kaya nagshe-share sila ng information. Hinihintay namin ang mga pictures niyo together and masho-shock ka po sa fans club ninyo sa Cornell.”
“Pambihira talaga iyang tsismis na iyan kahit saan na umaabot, goodness! Pwede bang tigilan niyo na ang Isla-Caius agenda ninyo?”
“Pero bruha, bagay kayo ni Mr. Rueda.” Pepper giggled making her eyes widened.
“Alam mo rin?”
“Bakit hindi ko alam? Baka nakakalimutan mong madaldal si Giselle, dinaldal ka niya sa akin last time kaming magkita. Naka-follow na rin ako sa Magnus socmed para updated ako sa inyong dalawa.”
“Mami, you are really bagay. I want to see you together.” Umismid lang si Isla sa dalawang kausap.
“Huwag ka na palang sumali sa exchange program, dadagdag ka pa sa sakit ng ulo ko.” Reklamo niya dito.
“Oww, don’t be mad na Mi, love pa rin kita. Gusto ko lang makilala ng personal ang future Dadi naming mga babies mo.”
“’Lol, mali kayo ng sini-ship. Magdedemanda na talaga ako sa mga admins na iyan, inuubos na rin nila ang pasensya k---.” Nagvibrate ang cellphone ni Isla at nang tingnan ang tumawag ay ang daddy niya iyon. “Sasagutin ko lang ito.” Excuse niya sa dalawa.
“Yes, daddy?”
Kumunot ang kanyang noo nang wala agad siyang narinig sa kabilang linya. “Isla.” Hala! Bakit parang galit ang tatay niya? “Umuwi ka sa bahay tonight.”
“Bakit Dad?”
“Sinabi sa akin ni Mr. Rueda ang nangyari sa iyo at sinabi ko na rin sa Mama mo. Umuwi ka at mag-uusap tayo, no buts.”
“Dad--.”
“Mag-ingat ka sa pagda-drive. May meeting pa kami.” She really hates it when her dad is mad at her.
“Buwisit ka Caius.” Inis na inunblocked niya ang number nito at sunod-sunod na text ang nabasa niya sa screen.
Unblock me this instance Isla Astrid!
If you won’t unblock me I’ll tell your parents.
Agad na nagtipa ng reply si Isla ng reply dito habang nanggagalaiti sa galit sa lalaki.
HUWAG NA HUWAG MO AKONG KAKAUSAPIN CAUIS RUEDA DAHIL HINDI KO ALAM ANG GAGAWIN KO SA IYO KAPAG NAGKITA TAYO!
Pagkatapos niyang isend iyon ay muli niyang nilagay sa block list ang number nito.
“Anong nangyari sa iyo? Bakit narinig namin ang pangalan ni Mr. Ru--.”
“Don’t!” she immediately stops Pepper from mentioning his name. “Huwag na huwag mong mabanggit ang pangalan ng taong iyon dahil ngayon ang gusto ko lang gawin ay ang sakalin siya at ilibing ng buhay.”
Jersey giggled. “Mi, kinikilig pa rin ako sa inyo. Binuhay niyo ang katawang lupa ko.”
“Gusto mong idamay ko rin sa paglibing sa ilalim ng lupa ang katawan mo? Sabihin mo lang dahil ready akong maghukay.” Inis na banta niya dito.
Mapapatay talaga kita Caius! Sumbungero! Pangit! Naiiyak na siya sa inis na nararamdaman sa lalaki at ang gusto niyang gawin ngayon ay ang manapak… ito ang sasapakin niya. “I’ve never been so mad!” Tili ni Isla sa inis.