INIPIT ni Isla ang cellphone sa pagitan ng kanyang balikat at teynga habang pinapasok sa loob ng sasakyan ang mga dadalhin papunta sa house warming nina Teo at Margot. Kanina pa pala nandoon ang mga bata at nagkakasiyahan sa swimming pool, even Rhea is there. “I’m bringing my car, Cai.” Sagot niya sa kausap. “I’ll fetch you later.” She rolled her eyes when he still insisted to fetch her. Marami itong ka-meeting today kaya sasaglit lang daw ito sa bahay para ihatid ang housewarming gift nito sa mga bata. “Iiwan ko ang sasakyan ko ganoon?” “Let Teo drive your car tomorrow.” Lumabi lang siya. Lately ay napapansin niya ang pagiging clingy nito, kapag nagkikita sila ay palagi nitong tinatanong kung sino ang mga kasama at nakausap

