“ANONG tinitingnan mo diyan?” Takang tanong ni Isla sa kapatid. Papatulog na silang dalawa after two days na nagro-road and food trip lang sila. Ilang reklamo na ang narinig niya kay Aquisha dahil pinapakain niya ito ng marami, her sister’s figure won’t change kung kakain ito ng marami. Naging conscious lang ito dahil sinabihan ito ni Rafael na tumatambok na ang pisngi nito dahil kinain nito ang chocolate stash ng kanilang bunso. “Look ate, Mr. Rueda acquired another successful merger again. He’s really rich.” Sinilip niya ang article na binabasa nito. “And he is an eligible bachelor too.” Tumaas lang ang kanyang kilay sa sinabi ng kapatid. “I don’t think so, may girlfriend si Caius.” Aniya dito. “Weh? Sure?” “Future fiancee

