CHAPTER 36

3268 Words
            “WHO IS HE?” Kulang ang gulat sa naramdaman ni Teo nang biglang may humawak sa kanyang braso na naging dahilan kung bakit naudlot ang pagpasok niya sa kanyang apartment. “Teo.”             Nagdugtong ang kanyang kilay kasabay ng malakas na kabog ng kanyang dibdib habang nakatingin sa lalaki na ilang araw na rin niyang iniiwasan.             “Carlou, can you just please leave me alone?”             “Who is that guy?” wala siyang nagawa kund ang harapin ito, pagod na siya at gusto na rin niyang magpahinga. It’s friday and he needs to rest, it’s actually a long weekend dahil walang pasok ng  Monday and Tuesday. Akala pa naman niya ay makakapagpahinga siya pero heto si Carlou at nakatayo sa harap niya.             “What guy?”             “Ang kasama mo sa mall.” Kumunot ang kanyang noo at naalala na nakita nga pala siya nito kasama ang manliligaw ni Ari.             “Why are you asking? And, why is it so important to you?” he asked blandly.             Biglang tumigas ang anyo ni Carlou and as much as he hates it, he is tired, his barriers are all down and he can’t deny how hot his ex-boyfriend looks like now.             “I’m really tired Carlou, pwede ba tigilan mo na ako.” Carlou’s expressions softened when he saw how tired he is. “There’s no need for you to--.” Nagulat si Teo at hindi agad nakakilos nang bigla siyang buhatin ng lalaki at dahil sa bilis ng pangyayari ay natagpuan niya ang sarili niyang naka-upo sa shotgun seat ng dala nitong kotse. “What the hell Carlou?!” sigaw niya. He tried opening his car’s door pero may control ito sa locks ng kotse. “Open this!”             Seryosong pinaandar nito ang kotse kaya mas lalo siyang nakaramdam ng kaba dahil sa ang bilis ng patakbo nito ng sasakyan.             “Carlou, you are driving so fast. Slow down.” Bakas sa kanyang boses ang takot, bahagya naman nitong hininaan ang pagda-drive. Gusto sana niyang magwala pero ngayon na hindi niya mabasa ang laman ng utak nito at hindi siya nito sinasagot ay mas mabuting manahimik nalang siya. He is really tired to think of a way to escape. Kaya siguro hindi na rin niya namamalayan na nakaidlip na rin siya.             Nang magising si Teo ay wala siyang ideya kung nasaan siya, hindi pamilyar sa kanya ang silid na kinaroroonan niya. Mag-isa lang siya sa kwarto, hilo pa rin si Teo nang lalabas sana siya sa balcony pero naka-locked ang glass door. Sumilip siya sa labas, may nakita siyang dagat sa hindi kalayuan at swimming pool sa ibaba.             “Am I in the resort?” takang tanong niya sa kanyang sarili. Kinapa niya ang cellphone sa kanyang bulsa pero wala doon ang kanyang hinahanap. “Carlou!” tawag niya sa kasama pero wala ito sa loob ng silid. Wala doon ang kanyang bag, wala ang kanyang mga gamit. He tried opening every cabinets and drawers in the room but it’s all empty. He even tried opening the door but as expected, naka-lock din iyon. Frustrations hit him real heard.              Masama ang tingin ni Teo sa pintuan na para bang kapag mas tinaasan niya ang intensity ng kanyang titig ay matutunaw iyon. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nakaupo sa ibabaw ng kama at iniisip kung paano palalabasin ang kanyang sarili. Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Teo na may dalang paperbags at ilang plastics na sa tingin niya ay pagkain.             “You are awake.” Inilapag ng lalaki ang mga dala sa ibabaw ng kitchen counter at lumapit sa kanya. Hindi siya kumilos at masamang tiningnan ang lalaki.             “Why am I locked here? Nasaan ako?”             Nagpatuloy lang ito sa paglapit sa kanya at nakulong siya sa pagitan ng kama at ng magkabilang braso nito. Umatras ang kanyang katawan dahil halos magdikit na ang kanilang muksa sa sobrang lapit nito.             “Are you hungry? I bought food.”             “Why aren’t you answering me? Bakit ako nandito? This is k********g!”             “Yeah, I am doing that. I need to do that dahil pagod na rin ako sa pagtakbo mo. I can’t chase you forever Teo.” Hinaplos nito ang kanyang pisngi. “I won’t allow you to run away from me forever.” Tinabig niya ang kamay nitong nakahawak sa kanyang pisngi. “I need to make a move to trap you.”             “Bakit ba ang kulit mo? Ikaw ang umalis huwag kang mag-expect na may babalikan ka pa.”             “I know you still love me, Teo.” Nagdikit ang kanyang kilay sa confidence na naririnig niya sa boses nito.             “The audacity!” he hissed. “Ikaw na ba ngayon ang may hawak sa utak ko?” sarkastikong tanong niya. Inis na tinulak niya si Carlou, mahina lang iyon pero bumagsak ito sa sahig. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapansin na hindi ito gumagalaw. “Ca-Carlou?” tawag niya sa lalaki pero hindi ito sumagot at hindi ito gumagalaw.             “Damn it!” bumangon ang kaba sa kanyang dibdib at dinaluhan ang kasama. “Hey! nag-aalalang tinapik niya ang magkabilang pisngi nito para magising. He checked his pulse and his breathing, they are all normal. Napakagat ng labi si Teo habang nakatitig sa mukha ni Carlou. Wala pa rin na nagbabago sa hitsura nito, he still looks handsome… but tired. Bakas sa mukha nito ang pagod.             Wala siyang nagawa kundi ang alalayan ito hanggang sa makahiga sa kama, nahirapan siya dahil mas mabigat at matangkad ito keysa sa kanya pero nagawa naman niya. He even removed his coat to make him more comfortable and napatingin sa labas at napagtantong papalubog na ang araw.             “How can I go home now?” napahawak din siya sa kanyang sikmura. He’s hungry and he is blaming Carlou for that when he remembered that he brought something. Tiningnan niya iyon and found some take out foods and those were his favorites. “Gago ka talaga, Carlou.” Kinain niya ang pagkain na dala ng lalaki. Itinabi naman niya ang sobrang pagkain para kainin nito pagkagising nito. He also found paperbags and when he looks inside those were clothes.             Pagkatapos kumain ay may narinig siyang kumatok, kumunot ang kanyang noo at napasulyap sa natutulog na lalaki. May hinihintay pa ba si Carlou? Baka naman staff ng kinaroroonan nila. Binuksan ni Teo ang pintuan at biglang nanginig ang mga daliri nang makilala ang magandang babae na nakatayo sa bungad ng pinto. She’s the woman in the picture.             Ngumiti ito sa kanya. “Hi.” Bati ng babae. Is it his cue to leave now? Dinala ba siya ni Carlou dito para ipakilala ang babaeng ito sa kanya to finally end everything? Itinago ni Teo ang mga braso sa likuran upang hindi nito mapansin ang panginginig.             “Uhm, he fainted. You—I mean, pwede mo na siyang bantayan.” Kung paano niya napigilan ang sariling hindi mapaiyak. He’s still hurt but he knows where things should end. “Alis na ako.” Pero bago pa man siya makalabas ay naharang na siya ng babaeng titig na titig sa kanya.             “Wow, it’s really true. You are really beautiful in person, I thought he’s just joking and your pictures were filtered or enhanced. But, those pictures can’t even give justice to how beautiful you are.”             “Po?” napaatras si Teo nang hawakan ng babae ang kanyang magkabilang pisngi.             “Your face is so soft and smooth, what skin care products are you using?” bahagya siyang napaatras saka lang napagtanto ng babae ang nagawa nito. “Oh, sorry. Masyado akong na-overwhelmed noong nakita ka. You really look so great!” he can’t deny it, the woman has a great smile he can’t blame Carlou if he’ll like her. Sinilip nito ang lalaking natutulog sa loob ng kwarto. “Ano nga ang nangyari sa kanya?”             “He fainted, masyado yata siyang pagod.”             Umismid lang ang babae. “It’s his fault din naman.” Hinawakan nito ang kanyang braso at hinila palabas ng silid at sinara iyon. “By the way I’m Glenda Tan.”             “Uhm, Miss. Saan mo po ako dadalhin?”             She just giggled and found himself seated in a fancy coffee shop in the hotel or wherever he is. Miss Glenda even asked what drink and cake he wants. She’s the exact opposite of her, he can’t even match her energy. Magkatulad na magkatulad sila ni Carlou, parang hindi nauubusan ng energy.             “Thank you.” He said to the waiter who served them their orders.             “Even the hotel staffs are fascinated by your beauty Teo.”             “Miss Glenda, if you don’t mind. Paano niyo po ako nakilala?” ngumiti ito sa kanya at naging seryoso na ang mukha.             “Walang bukang bibig si Carlou kundi ang pangalan mo, walang ibang laman ang cellphone gallery niya kundi ang mga pictures mo na galing kay Margot.” Kumunot ang kanyang noo sa ipinagtapat ng babae sa kanya dahil hindi siya mahilig mag-selfie at ang mga social media accounts naman niya ay sceneries o kaya naman ay mga pagkain kaya paanong magkakaroon ng pictures si Carlou sa kanya.             Unless… iyong mga panahon na adik na adik si Margot sa pagkuha ng mga pictures niya ay isi-ne-send nito ang mga larawan kay Carlou.             Hinawakan ni Glenda ang kanyang mga palad. “Teo, I know there’s a misunderstanding between the two of you because of me.”             “Wala naman po, wala naman pong namamagitan sa amin ni Carlou.”             “Wana na, wala pa.” ngumiti uli ito sa kanya. “And we are not together too kung iyan ang iniisip mo. We are bestfriends at hindi ko tipo si Carlou.” Anito na tila ba nandidiri sa ideyang iyon. “Yuck lang.” naguguluhan siya sa sinabi ni Glenda. “He’s not bad looking but as you can see.” Itinaas nito ang mga daliri. “I’m engaged.”             “Gusto ko lang ipaliwanag ang mga nangyari because I owe Carlou a lot. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ako ma-e-engaged sa boyfriend ko. I forced him to act as my boyfriend and date me hindi ko naman kasi alam na may nililigawan pala siya. He is very secretive when it comes to his personal life, he didn’t even refuse when I asked him to keep everything a secret dahil kilala siya ng parents ko and my fiancé. Siya kasi ang pinilit kong magpretend because he is the closest male friend I have.”             Nainom ni Teo ng wala sa oras ang kapeng inorder niya dahil wala rin naman siyang masasabi kaya hinayaan niya si Glenda na ituloy ang kwento nito.             “Carlou might did you wrong before but he really changed, magkaibigan kami since high school pero hindi kami same ng university dahil sa US ako nag-aral. Pagbalik ko ay nagulat nalang ako sa pagbabago niya and he said that he needs to change and better because of a certain someone. He never mentioned your name but he told me your story and what he did, akala ko nga imaginary lover ka lang niya and didn’t take him seriously. Not until weeks ago, nalasing siya dahil nagalit sa kanya si Margot because he cheated on you.”             Bahagyang napangiwi si Glenda na tila ba naalala ang nangyari. “That’s actually when my fiancé confronted us in a bar kung saan siya nagpakalasing. Nagpropose sa akin that time ang now fiancé ko na and he forced Carlou to spill everything.” May inilabas itong cellphone at ipinakita sa kanya ang isang recorded video. Medyo maingay at madilim ang background pero rinig na rinig ang usapan ng mga tao sa record.             “s**t Glenda!” Carlou cursed.             “Hey, you can’t curse at my fiancée.”             “Hindi ko pa nga natatama ang mali ko, I haven’t proven myself to him and now I made another mistake again.” Tinungga ni Carlou ang laman ng hawak na beer. Pulang-pula na ang mukha nito dahil sa kalasingan at kung pagbabasehan ang mga empty bottles sa mesa ay siguradong lasing na nga si Carlou.             “Totoo? Hindi ka nagjo-joke when you said na may nililigawan ka at ito iyong palagi mong bukang bibig?” Glenda asks.             Carlou just stared badly at them. “He exists!”             “Well, sorry. Akala ko kasi ay joke lang siya dahil hindi ko pa siya nakikita.”             “Teo exists.” Pabarang kinuha ng lalaki ang cellphone at ibinigay sa kasama. “0110xx. My phone’s password is his birthday and he is my lockscreen and wallpaper. My gallery is full of his pictures.” At ipinakita ng may hawak ng camera ang lock screen, wallpaper and gallery ng cellphone ni Carlou.             Hindi alam ni Teo kung paano itatago ang pamumula ng kanyang pisngi nang makita ang mga larawan niya sa cellphone nito.             “Isn’t he beautiful?” Carlou didn’t even slurred when he said how beautiful Teo is.             “Weh? Model yata ito, he’s so pretty to make patol you.”             “Glenda.” Tawag ng fiancé nito sa babae.             “Just look at this beautiful creature baby. Kung ikaw ang nasa tamang isip magagawa mo pa bang saktan at iwanan ito?”             “Hindi ako matino dahil aminado akong nasaktan ko si Teo at huli na nang ma-realized ko ang ginawa ko. I thought he’s just a game and never thought that I wanted him to be my end game. Nang hindi ko na siya kasama ay pakiramdam ko nawalan ako ng kamay at paa. When I’m with him I feel complete and contented.”             “And let me continue your speech.” Glenda’s fiancé interrupted. “You got scared?” tumango si Carlou.             “Naging dependent na ako sa kanya at natakot ako sa nararamdaman ko dahil akala ko nga laro lang ang lahat at hindi talaga ako seryoso sa kanya.”             “But everything changed dahil nahuhulog ka na kay Teo?” Glenda said.             “Who wouldn’t? I admit I’m a loser and a coward, I won’t deny it dahil kahit ngayon ay takot pa rin akong harapin siya. I’m afraid that I’ll hurt him again.”             “And you are hurting him now, kung sana ay sinabi mo sa akin sa simula pa lang na seryoso ka talaga sa kanya ay hindi n asana kita sinali sa kalokohan ko. I feel guilty now.”             Umiling si Carlou. “Wala na siyang feelings sa akin at ako lang naman ang nagpipilit sa sarili ko sa kanya. I’m so happy when we met again but I can’t see the same emotions from him and can’t blame him because I did hurt him big time. There’s nothing to ex--.” Napatili si Glenda nang suntukin ito ng fiancé nito.             “Baby! He’s drunk.”             “Ayokong nakakakita ng mga taong nag-se-self pity lalo na kung alam nila na sila ang may kasalanan at hindi pa niya nauubos ang meron siya para ayusin ang kanyang pagkakamali. I am not invalidating your efforts Carlou but do you really think it’s enough? Kung sa tingin mo ay hindi ka na niya mahal tanggapin mo dahil sabi mo nga kasalanan mo naman pero humingi ka pa rin ng tawad. He deserves the sincerity of your apologies. Tell him you love him and it’s up to him if he’ll give you a chance. Huwag pangunahan ang mga desisyon niya and I think he also deserves a proper closure.”             “But he won’t talk to me.”             “Gusto mong kausapin ko si Teo? I also want to see this beautiful angel, I’ll explain everything to him.”             Umiling si Carlou pagkatapos ibaba ang hawak na beer. “I think your fiancé is right. Kulang pa ang effort na ibinigay ko para makausap at maipaliwanag sa kanya ang lahat. Ako ang may mali kaya dapat ako ang umayos ng lahat.” Sabi nito na nahimasmasan na yata sa kalasingan. “I need that punch to clear my mind.”             “Sabihan mo lang kami dahil malaki ang utang na loob namin sa iyo Carlou.” Sabi ng fiancé ni Glenda.             And that ends the recording at pakiramdam ni Teo ay sobrang lakas ng t***k ng puso niya sa narinig na confession mula kay Carlou at mukhang napansin iyon ng kausap.             “Mukhang mali si Carlou nang sabihin niyang wala ka ng feelings sa kanya. You still love him, right? Oh, and you don’t need to answer that Teo dahil hindi ko deserve na marinig iyon. Sabihin mo ang sagot sa taong laman ng puso mo.” Glenda kindly smiled at him. “Wala din akong rights na i-insist sa iyo na bigyan ng chance si Carlou dahil alam kong siya ang may mali. Wala din siyang alam na kinausap kita tinawagan lang niya ako last night na ibo-borrow niya ang unit namin here sa resort kaya alam kong he is doing his moves na rin.”             Nasapo ni Glenda ang pisngi. “Pero hindi ko inaasahan na darating pa sa point na ikikidnap ka niya dito. Nabobobo talaga ang mga matatalinong tao ano?” tumawa lang ito. “If you can’t give him another chance, can you at least talk to him, please?”             Matagal ng hinihingi ni Carlou na mag-usap sila pero palagi siyang umiiwas at palagi siyang tumatakbo dahil natatakot siya. Yes, mahal pa rin niya ito hindi rin niya alam kung paanong hindi nawala sa puso niya ang lalaking iyon. Baka oras na siguro na ayusin na niya ang tungkol sa kanila, not giving him a chance but a closure… at least… right?             Matagal bago natapos ang usapan nil ani Glenda dahil kung hindi pa ito sinundo ng fiance nito ay hindi siya nito pababalikin sa taas. Habang lulan ng elevator ay iniisip din niya kung paano kakausapin si Carlou. The elevator’s door ding and open and was surprised when he was attacked and hugged by someone.             “Ca-Carlou?”             “I thought you left.” He whispered and felt something wet on his neck.             “Are you crying?” Teo asks.             “Don’t scare me like this please.” Mas lalong humigpit ang yakap nito sa kanya.             “Carlou, let’s talk.” He said.               “YES, MAMI.” Patuloy na kinakalkal ni Margot ang mga papel na nililinis mula sa isang lumang file cabinet na nabuksan nila kanina. Matagal na iyon sa loob ng inner laboratory. Ang sabi ni Doc Aguirre ay matagal na iyon sa loob and forgot kung ano ang laman. Akala nilang lahat ay mga laboratory equipment ang naka-store doon pero nang utusan sila na icheck iyon ay nalaman nilang mga lumang files pala ang laman ng steel file cabinet. “Tatapusin ko lang muna ang pagso-sort ng files pero hindi ko itatapon. Hinihintay ko rin sina Arielle kaya mamaya na rin ako uuwi, ihahatid kami ni Joshua.”             “Mag-ingat ka diyan at huwag kang magpapapasok na hindi mo kilala.”             “Yes po, Mi.” Nasa first drawer pa siya at may apat pa na kailangan niyang icheck. “Don’t worry maaga pa naman at saka lilinisan ko rin ang lab dahil nagconduct kami ng tests kanina dito.”             “Be safe.”             “Yes, po. Bye Mi and enjoy your long weekend.” After the call ay ibinalik ni Margot ang pansin sa mga papel na nakasalansan. Mga lumang documents nga ang mga iyon, iyong iba ang inventory ng mga laboratory equipment. Iyong iba naman ay mga puro papers na may print na kung anu-anong amount na hindi niya maintindihan.             Pagkatapos i-arrange ang mga files ay naisipan niyang icheck ang nasa pinaka-tuktok na drawer. Kinailangan pa niya ng stool para makaakyat at habang inaayos ang mga files ay may napansin siyang isang maliit na steel box na kasing laki ng isang short folder and out of curiosity ay kinuha niya ang box at binuksan dahil wala naman iyong lock.             “What’s this?” she asks to herself. Bumaba si Margot at tiningnan ang mga papel na nandoon. “Isla Astrid Nolasco Aguirre, oh, these are Mami’s medical records.” Dahil hindi siya marunong magbasa ng mga naka-print sa papel ay itinabi nalang niya ulit iyon nang may mapansin na maliit picture na naka-ipit sa mga papel na naroon. It’s a picture of young Isla Astrid wearing Magnus’ uniform. May nakaakbay na lalaki sa tabi nito, unfortunately, punit ang kalahati ng litrato kaya hindi niya nakilala ang katabi ng kanilang Mami.             “Mami should see this.” After fixing the papers she placed the box above the professor’s table and leave the office.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD