“STOP!” Pigil ni Isla sa anumang sasabihin ng mga ka-faculty niya na nagkukumpulan sa kanyang table. Sa layo-layo ng mall na pinuntahan nila ni Cai ay may nakakuha pa rin ng picture na magkasama silang dalawa. Seriously? May personal paparazzi ba silang dalawa? Nalaman nga lang niya nang makuha ang cellphone.
It was a picture of them together at the parking lot, papasakay na siya sa kotse ni Caius habang bitbit ang binili nitong bag… inutang pala niya. Pagbalik nila sa Magnus ay bigla itong nagpaalam na may emergency meeting sa company at nagmamadaling umalis. Hindi rin niya ito nakita kaninang umaga. Paano niya mababayaran ang bag niya?
“Bakit ba ang tsismosa ninyo? Walang ichi-chismis ang dudumi ng utak ninyo.”
“Uhaw na uhaw na kami sa chismis friend kaya ilatag na ang baraha.” Pinandilatan niya si Mylene na kanina pa nagpapapansin sa kanya.
“Gaga, anong ilalatag ko? Aksidente lang na nagkita kami doon sa mall.” Pagsisinungaling niya. Hindi naman pwedeng sabihin niya na, nilibre siya nito ng steak, sa isang mamahaling resto tapos ay binilhan siya nito ng six digits amount na bag… technically, ito pa ang bumili dahil hindi pa niya iyon nababayaran.
“Pero sabay kayong umalis.” Gracia yelled. Wala sina Felix at Gavin pati na ang kanyang mga assistants dahil may klase ang mga ito. Kaya malaya siyang naha-harass ng mga ka-faculty.
“Nasa dagat na ang barko namin, Iana. Kaunting push nalang at maglalayag na talaga kayo.” Narinig niyang komento ni Rosa.
She rolled her eyes and continue writing her paper. “Huwag niyo akong guluhin dahil busy ako.”
“Ang damot mo sa chismis, love life lang naman ang kailangan namin.” Pangungulit ni Mindy sa kanya.
“Huwag mong pakialaman ang none existent kong love life dahil hindi ko pinapakialam ang magulo mong buhay pag-ibig.” Komento niya.
“Born! Ay, wrong spelling, burn pala hehehehe.” Inis na hinampas ni Mindy ang katabing si Mylene. Binalingan naman niya ang dalawang lalaki na kasama ng mga babaeng nakaupo. “
“Don’t tell me nakiki-tsismis lang din kayo Elvis? David?” Ngumisi ang dalawang adik sa mobile games. “Come on guys, gaano ba ka-dry ang love life ninyo at pinuntahan niyo pa ako?”
“We are all singles, Iana. Nagbabakasakali lang kami na ikaw ang bumasag sa sumpa sa department natin.”
Inirapan niya ang mga kausap. “Nasa utak niyo lang ang mga sumpa-sumpang iyan.”
“Hindi kaya, tingnan mo si Ms. Zhia from the education department. Siya ang unang na-engaged this year, she broke the department’s curse. After her wedding ay sunod-sunod na naging taken ang mga ka-department niya.” She remembered what Dona said.
May joke kasi sa Magnus, karamihan sa mga hired instructors and professors ay singles. Majority sa kanila ay singles, kapag may isang na-engaged sa isang department ay sunod-sunod na nagkakaroon ng boyfriends o kaya naman ay girlfriends iyong mga nasa same department. Kaya ang nangyari, ang unang babasag ng sumpa raw ay nakakareceived ng malaking wedding gift mula sa director ng Magnus. She remembered Zhia’s one month Caribbean cruise honeymoon all expense free.
“Kung kayo ang magkakatuluyan, hindi mo na kailangan ang gift from the director. He is filthy rich.” Sumasang-ayon siya sa sinabi ni Mylene, he is filthy rich and she won’t even deny that.
“Mayaman din ako.” She corrected them.
“But he is another level Iana. Halos araw-araw ay iba-iba ang sasakyan na dina-drive niya, hindi lang basta-basta ordinary car. They are expensive cars, sa tingin nga namin ay nahihiya lang siyang idrive ang mga luxury cars niya.” Now that Rosa mentioned it, sa tingin nga rin niya ay may mga luxury cars nga si Caius.
“Pag-uusapan ba natin ang yaman ni Caius dahil kung Oo pwede naman natin siyang tawagin dito para i-explain kung anu-ano ang assets na meron siya.”
“Ay, first name basis na sila. Umaandar na ang barko natin.” Napakamot nalang ng batok si Isla dahil sa hindi pagbitiw ng mga kausap sa topic tungkol sa kanila ni Caius.
“Pwede ba tigilan na ninyo ang panunukso kay Mr. Rueda sa akin? Seriously, guys. May girlfriend na siya at ayokong makarating sa kanya na tinutukso niyo kami at maging dahilan pa iyon para maghiwalay sila.” Inis na sabi niya sa mga ito.
“You are no fun Iana.”
“Nagsasabi lang ako ng totoo, let’s be professional. Nagkataon lang talaga na nagkita kami sa mall kahapon, he offered a ride since pareho naman kami ng working place. Sige, isipin ninyo itong mabuti dear friends. You knew how powerful Mr. Rueda, right? Paano kapag nalaman niya itong kabaliwan ninyo at paano kapag dumating ito sa girlfriend niya tapos maging dahilan pa kung bakit sila maghihiwalay. Kayang-kaya niya tayong tanggalan ng trabaho.” Nakangiting ani niya sa mga kasama.
Sabay-sabay na natigilan ang mga ito, they are visualizing the posibilities and the thought gives them shivers. They knew better than to go against Caius Rueda kahit na mabuti ang pakikitungo nito sa kanila.
Bumukas ang glass door ng opisina at gusto niyang tumawa ng malakas sa naging ekspresyon ng mga kasama nang pumasok si Caius. Finally, nagkita din sila. Hindi na siya mababaliw sa kakaisip kung paano niya mababayaran ang utang niya dito.
“G-Good morning Mr. Rueda.” Bati ng mga kausap lang.
“May meeting na kayo? Did I disturb you?” Sabay-sabay na umiling ang mga ito making her chuckle.
“They are here because they wanted to—.” Marahas na tinakpan ni Evelyn ang kanyang bibig.
“Nangungumusta lang Mr. Rueda, babalik na pala kami sa faculty room. Bye, Iana.” At parang mga pusang nahuli na nangunguha ng pagkain sa kusina na tumakas ang mga iyon. Naiiling na sinundan ng tingin ni Isla ang mga kasama na kakalabas lang.
“Where have you been? Kanina pa kita hinahanap.” Aniya sa lalaking bagong dating.
“Should I feel special? Hindi ko alam na nagdevelop na pala ang relationship natin?” Nag-init ang kanyang pisngi sa sinabi nito. Mukhang mali yata ang pagkakatanong niya, she sounds like a nagging housewife.
“Idiot, I’m looking for you to ask your bank account number so I can wire my payment.”
“I’m not in a hurry.”
“But I am, ayoko ng may utang.” Tumayo siya sa kanyang mesa at nilapitan ito. “Give it.”
Mariin siya nitong tinitigan at halatang walang balak na gawin ang utos niya. “Caius!—.”
“Uhm, excuse me Mr. Rueda and Doc Iana, kukunin ko lang ang naiwan kong phone. Isipin niyo lang na wala ako dito at continue lang kayo diyan.” Nakangising pumasok si Mylene na mukhang narinig ang kanilang conversation. Parang nasayang lang yata ang pananakot niya sa mga kausap kanina dahil sigurado siyang ikakalat nito ang narinig.
“Ikaw kasi ang tigas ng ulo mo, can’t you just give me your bank account.” Sisi niya sa lalaki.
“What bank account? Marami akong bank accounts, hindi ko memorized ang mga account numbers ko.”
“Mayabang.” She murmured. “Should I give you cash instead?” Iniisip niyang iwithdraw nalang ang ibabayad niya dito.
“Sorry, I don’t accept cash.”
Inis na sinipa niya ang lalaki habang iniisip kung paano niya malalaman ang account number nito. She can ask Leana for assistance but she can’t jeopardize her work for the vital details baka makaisip na naman ng masama ang taong ito.
Habang naglalakad pabalik sa mesa ay bigla niyang naalala ang daddy niya. Nakangising kinuha niya ang cellphone at hinanap ang number ng ama. Anong akala mo? Makakahanap ako ng paraan, Cai. I’m not Isla Astrid Aguirre for nothing.
NAKASIMANGOT si Margot habang nakatingin sa dalawang kaibigan. Nasa cafeteria sila ng mga sandaling iyon. They are taking their lunch when she suddenly opened something about what happened last Friday night. Wala siyang maalala sa nangyari at nagising sa kwarto niya. Her brother told her that she was so drunk and was forced to fetch her from the club. Dahil naging busy na sa kani-kanilang klase kaya hindi na niya naitanong ang nangyari.
“Hoy!” Pukaw niya sa dalawang kasama na hindi sinasalubong ang kanyang mga tingin. “May nangyari bang weird that night? I was so drunk.” Sunod-sunod na umiling sina Ari and Teo.
“Nakatulog ka lang sa kalasingan at hindi mo na naabutan si Mami.” Paliwanag ni Ari.
“Sino ang tumawag kay kuya?”
“Me.” Maiksing sagot ni Teo.
“Eh, so...”
“Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano.” Napansin niyang napapatingin si Ari kay Teo na para bang may alam ito na hindi nila alam. She needs to asks Ari later, hindi ito sasagot kapag kasama nila si Teo.
“Aawww!” Hiyaw ni Margot nang may biglang nambatok sa kanya. Inis na napalingon siya sa lapastangan. “Ganyan mo ba ako batiin Carmi? Gusto mo bang madetached ang ulo sa katawan ko.” Reklamo niya sa kaibigan.
“Kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo ako sinasagot.” Umupo ang kanyang bestfriend sa kanyang tabi. “Hello Teo dear and Arielle, right? Ngayon lang tayo nagkakausap sa personal.”
Ngumiti si Ari sa kanyang bestfriend, madalas nila itong nakaka-videocall kaya hindi na rin ito iba.
“Hindi mo man lang ako sinundo sa airport kahapon.” Dugtong pa nito at basta nalang itinulak sa kanya ang paperbag na may lamang pasalubong. Ngumisi siya nang matingnan ang laman ng paperbag. Binigyan din nito si Teo at si Arielle.
“May report po ako today at may klase ako kahapon. Wait, nagpunta ka sa office?” Natigilan si Carmi at biglang namula ang pisngi pagkatapos ay tumili.
“I saw...” Kumabog ang kanyang dibdib at parang gusto niya itong sabunutan sa pangbibitin sa kanila. “I saw something.”
“What something?” Sabay na tanong nilang tatlo. Inilabas nito ang cellphone at inilapag sa gitna ng mesa ang isang picture. Nanlaki ang kanilang mga mata at dahil ayaw makagawa ng sobrang ingay ay si Carmi ang nahampas niya habang nayakap naman ni Ari si Teo na halatang gigil na gigil na rin at gusto ng tumili.
“I-share mo sa akin iyan.” Utos niya sa kaibigan.
“Sure... hehehehehe... five hundred pesos.”
“Napaka—.” Pinaningkitan niya ng mata ang kaibigan. “Sige na.”
“Business is business.” Inirapan lang niya ito. Kung hindi lang talaga napaka-vital ng picture na iyon ay hindi siya maglalabas ng pera.
“My friends, ladies and gentleman... gays, lesbians, and in-betweens, kung anong gender man meron kayo. As the captain of this ship, I officially declare that it’s already sailing.” Announce niya. The picture won’t deny it.
Hawak ng Mami nila ang cellphone nito habang nakayuko at ilang pulgada lang ang layo kay Mr. Rueda. Nakatitig habang nakanguso lang ang batang propesor sa cellphone nito habang ang lalaking kasama ay nakatitig sa mukha nito habang may maliit na ngiti sa mga labi.
“Now, tell me... is this how a normal guy looks at someone whom he wasn’t attracted to?” Umiling ang mga kasama. “Syet! I hate to admit it pero nakakakilig tumitig si Sir kay Mami.”
“True, ipopost ba natin iyan sa social media ng Magnus?”
“Not yet, nasa stage one pa lang sila. Baka kapag nakita ito ni Mami ay lumayong bigla, kilala niyo naman si Mami parang may trauma yata sa love. I-keep muna natin ito tapos kapag medyo malapit na pier ang layag ay ibenta natin ito kay Mr. Rueda ng milyones para may pabakasyon tayo.” She suggested and she with her bestfriend laugh evilly. Kaya nga sila mag-bestfriend, they are sharing the same braincells.
“Excuse me.” May isa na namang asungot. Masama ang titig na ibinigay ni Josh kay Teo kung saan parang koala na nakayapos si Ari. Speaking of them... pasimple niyang kinuhanan si Teo ng picture as per instruction. Kailangan niyang kunan ng picture si Teo everyday bilang report sa kapatid niya, a picture a day is a thousand pesos on her wallet. May pambayad na siya sa picture ni Mr. Rueda at ng kanilang Mami Iana.
“Hi, Josh.” Sinulyapan lang siya nito dahil parang susuntukin na nito ang kanyang future brother-in-law. Subukan lang nitong pinagasan ang gwapong mukha ni Teo at kakalmutin din niya ito.
“Ari.”
“Josh.” She rolled her eyes. People in love sucks!
“Here.” May ibinigay na naman itong paperbag at sigurado siyang stuff toy na naman ang laman. Halos araw-araw ay may ibinibigay ito sa kaibigan. Kinuha niya ang kanyang tumbler na may lamang tubig.
“You don’t have to give me anything.” Kumalas na si Ari sa yakap kay Teo at saka lang nawala ang pagkakakunot ng noo ng manliligaw ng kaibigan.
“But I want to.”
“You know you can’t easily change my mind because of the gifts you’ve given to me.”
Ngumiti lang ang lalaki, iyong ngiting para kay Arielle lang. “I know but I am not bribingg you or anything. I just want to give it to you.”
“O-okay.”
“See you around.” Tumango lang si Ari habang naghihintay na umalis ang manliligaw nito. Dapat pala ay popcorn ang inorder niya. “Uhm, Josh.” Ang pabebe talaga nitong bruhang ito! Ang sarap kalbuhin. “Congratulations for acing the exams.”
Ngumiti muli ang lalaki na halata ang saya dahil narecognize ang nagawa nito. Pagkatapos magpaalam ay tuluyan ng umalis ang lalaki.
“I need to p**e. Ang landi lang.” Reklamo niya.
“Huwag kang mainggit friend, darating din ang para sa iyo.” Tukso ni Carmi sa kanya. Well, she likes shipping people around her but she can’t even see herself with someone else. Maliban sa mga tao na naka-imprinta sa pera wala na siyang gusto pang mapalapit sa kanya. Muli siyang uminom ng tubig nang biglang may mag-flashback sa kanyang utak.
Sa may banyo ng club... may hinila siya at... nabitawan niya hawak na tumbler habang tumutulo ang tubig sa kanyang bibig.
“Yuck, Margot! Anong nangyari sa iyo? Kadiri ka.”
No!
“Hala, mukhang nasira na yata si Margot.”
“Adhghgaskdhstakk.” Sabi niya.
“Wala na, sira na nga.”
“Sa... sa club! Sa may restroom! Did I kiss someone?”
Nag-iwas ng tingin ng dalawang kausap niya at hindi na kailangan pang itanong uli iyon dahil mukhang tama ang kanyang mga naaalala.
“You did what?” Niyugyog siya ni Carmi. “Shia! Alaiwa! Jinjja? Ai ya? Nawala lang ako ng ilang linggo ay naglandi ka na? How could you do this to my poor heart? Dapat napicture-an ko ang first kiss mo, pera na naging bato pa.” Reklamo ng kaibigan.
Kinuha niya ang tissue na ibinigay ni Carmi. “You were drunk Margot, hindi counted na first kiss iyon since wala ka namang maalala.”
Umiling siya ng maraming beses dahil unti-unting lumilinaw sa kanyang utak ang nangyari. Unti-unti din niyang nakikilala ang lalaking hinila nalang niya basta-basta at hinalikan. Hindi lang basta-bastang tao iyon.
“Oh good Lord.” She hissed to herself.
“Sino ba iyong nahalikan mo? Is he from Magnus? Kailangan niyang panagutan ang first kiss mo friend.”
She heard Teo and Ari laugh at her missery. Such great friends!
“Mukhang hindi na rin naalala ng nabiktima mo Margot iyong ginawa mo. Nang hilahin ka namin ay hindi rin iyon makakilos sa sobrang gulat.”
“Bawal i-broadcast sa nakakarami ang biktima niya, Carm. Baka kuyugin siya ng mga fans at i-bash pa siya.” Nasapo ni Margot ang kanyang mukha gamit ang kanyang palad. Hindi nagkakamali ang kanyang mga alaala.
“Don’t tell me I kissed Alvan from WavE?” Sabay na tumango ang kanyang witness habang si Carmi naman ang tila tinubuan ng sungay sa sobrang gulat. “I’m doomed, right?” Tumango uli ang dalawa. “No! Gusto ko pang mabuhay ng matagal, gusto ko pang maging witness sa love story nina Mami at ni Mr. Rueda! Gusto ko pang makitang ikasal si kuya at si Teo at gusto ko pang makita na nahihirapan si Josh sa kakahabol kay Arielle. I’m—.”
“Gaga, kami lang ang witness. Walang ibang tao doon at wala ding CCTV ng icheck namin ang area, magaling kang manghila, blind spot iyong ginawan mo ng krimen.” Natatawang putol ni Teo sa kanyang pagdadrama.
“Really?”
“Yes. You are safe, unless... puntahan ka ni Alvan dito para panindigan mo iyong panghahalik mo sa kanya.”
Tumawa lang siya sa sinabi ng mga kaibigan. “And that will never happen, I’m safe. Bakit ang tagal niyo namang nag-explain. Isa lang ang magandang strategy niyan, never na akong pupunta sa mga concerts ng WavE at pumunta sa kung saan nandoon sila. He won’t remember me so I’m okay now.” She’s back to regular programming na. Right?