Naging mahirap ang dalawang araw na convention para kay Alejandro. Napakalapit ni Rosaline sa kanya ngunit tila ba mahirap itong abutin. Ilang beses na niya itong tinangkang lapitan at kausapin pero sa tuwina ay sinusupla siya nito. Wala naman siyang magawa kundi ang sundin ang mga gusto nito sa takot na baka mawala ito at tuluyan na niyang hindi makilala ang anak. Anak. Yes, he has a son. Ngayon pa lamang, grabe na ang t***k ng kanyang puso, mas lalo na siguro kapag nagkaharap na sila. Sobrang high ng emotions niya to the point na halos wala na siyang tulog. Natatakot rin siya na baka kapag natulog siya at nagising, eh panaginip lang pala ang lahat. He sighs heavily. Kanina pa nagsasalita sa harapan si Mr. Wong, a multinational distributor ng mga de-kalibreng furniture pero wala roon a

