Dean’s Pov:
Naging maayos ang usapan namin ng investor para sa School na gusto naming ipagawa. Nabili kasi naming magka kaibigan yung lupa ng dating School na pinapasukan namin nuong nasa High School palang kami.
Yes sa Public School kame nag aral nang Elementary at High School i dont know why pero yun ang gusto nang mga magulang namin para daw matuto kami sa lahat ng bagay lalo na sa pakikisama sa ibang tao.
Masaya naman kami na dun nag aral dahil marami kaming naging kaibigan yun nga lang iniwasan kami ng mga kaibigan namin na nag aaral noon sa Private School pero hindi naman naging problema sa aming tatlo yun dahil mas masaya kami sa School na pinasukan namin at mas nagkaroon kami ng maraming kaibigan.
Namuhay talaga kami nuon ng simpleng buhay lang nasubukan din naming magcommute nung una mahirap pero nung tumagal na enjoy na din naming tatlo.
"Success,” sigaw ni Blade saka pabagsak na naupo sa swivel chair niya.
"Sa wakas matutupad na din natin yung pangako natin sa School natin nuon,” si Pauline at naupo din sa swivel chair niya.
Nandito na kasi kaming tatlo sa office namin dahil tapos na yung meeting with the investor.
"Nakakamiss yung buhay natin dati doon,” nakangiting sabi ko nung maalala yung naging buhay namin ng ilang taon sa eskwelahan na yun.
"Namiss ko yung kwek-kwek ni nanay Carol,” Nakangusong sabi ni Blade.
"Yung siomai ni ate Brenda,” sabi naman ni Pauline. Nakaramdam ako nang gutom sa mga sinabi nila.
"Nandun pa kaya sila?" tanong ni Pauline kaya nakaisip ako nang idea, bakit hindi namin puntahan para malaman namin kung nandun parin yung paborito naming kaninan nung High School kame.
"Tara,” sabay tayo ko sa swivel chair ko at binulsa yung phone ko saka dinampot yung susi nang kotse mabilis din naman silang tumayong dalawa para kunin yung gamit nila.
"Kkb ha,” seryosong sabi ko habang naglalakad kame palabas ng company, binabati naman kami ng mga empleyado na makasalubong namin.
"Kanya-kanyang baon?” tanong ni Blade kaya natawa ako. Ano naman kayang babaunin namin dun.
"Kanya-kanyang bayad, ”sagot ko kaya siya din yung natawa at napakamot ng ulo. Ganito kaming magbonding na tatlo kung hindi food trip o road trip ang ginagawa namin.
Sa totoo lang mas siga pa sa amin si Pauline pagdating sa kalsada, Reyna nang kalsada tong Mondragon na to eh kung hindi lang sexy manamit to iisipin ko isa siyang lesbian pero hindi eh dahil sa kalsada lang siya siga.
"Wala bang libre?" tanong ni Pauline kaya sabay kaming napatingin sakanya ni Blade.
"Ganito nalang unahan tayong tatlo makarating dun, tapos kung sino yung mahuhuli siya ang magbabayad sa lahat ng kakainin natin.” suggestion ni Pauline pero sabay kameng umiling ni Blade dahil alam naming pareho na siya ang mauuna dun.
"Naku po huwag kame, Pauline Mondragon”, dahil kilala ka namin pagdating sa pagmamaneho ok na ako dun sa KKB ni Deans.” si Blade saka binuksan yung pinto ng kotse niya.
"Ang kukuripot niyo,” mataray na sabi ni Pauline sabay irap sa amin ni Blade kaya sabay kaming tumawa. Alam kasi namin kung gaano kalakas kumain si Pauline talo pa lalaki nito kumain parang hindi nabubusog, sexy naman kaya nakakapagtaka kung san niya nilalagay yung mga kinakain niya.
Magkakasunod din kaming lumabas ng parking at gaya nang inaasahan ko o baka pati si Blade ganun din ang inaasahan na paglabas palang ng parking lot bumarurot na agad si Pauline. See like what i've said reyna nang kalsada yung babaeng yun akala mo mauubusan ng daan o kaya naman talo pa niya yung police patrol na may hinahabol na kriminal. Ilaban ko kaya siya sa car race hahaha.
After thirty minutes nakarating din kame sa gusto naming puntahan magkasunod lang kame ni Blade pero si Pauline mukhang kanina pa dito.
"Kahit kelan talaga ang babagal niyo,” mataray na sabi niya dahilan para mailing nalang kame ni Blade.
"Nanay Carol,” sigaw niya nung makita yung isang matandang babae na nagtitinda ng kwek-kwek. Nagulat pa sa sigaw niya dahil sa lakas, buti nalang hindi pa uwian ng mga estudyante kaya wala pang mga tao dito sa labas ng eskwelahan, napangiti naman ako nung mapalingon ako sa harap ng gate nakakamiss yung maging estudyante.
"Bakit mo ako kilala anak?” tanong ni nanay Carol kaya natawa kami ni Blade paano naman kasi napanguso si Pauline hindi na siya nakilala ni nanay.
Sabagay ilang taon naba kameng hindi nakapunta dito simula nung makatapos kami ng High School dahil sa Private School na kami pinag aral ng parents namin ng College.
"Pongs?" napalingon naman kami sa tumawag kay Pauline. It' s ate Brenda.
"Ate Brenda, i miss you ,” yehey kilala pa niya ako,” parang batang sabi niya saka yumakap kay ate Brenda.
"Teka, ikaw naba yan Pongs?" tanong ni nanay Carol kaya tumango tango si Pauline.
"Nanay Pauline na po dalaga na ako eh,” reklamo ni Pauline kaya natawa si nanay sakanya.
"Teka sila naba sila David at Blade?” tanong niya nung mapansin niya kami ni Blade na nakatayo sa side ng booth niya. David ang tawag niya sakin, siya lang ang tumatawag sakin ng David.
"Yes nay at your service po,” sabay naming sagot ni Blade saka yumakap sakanya.
"Kayo naba talaga yan?" mga bata kayo ang gagawapo at ganda niyo, buti naman naalala niyo pa kami". nakangiting sabi ni nanay Carol kaya inakbayan ko siya.
"Never namin kayong nakalimutan nanay,” sagot ko tuwang tuwa naman siyang makita kame ulit.
"Nanay, bibilhin na po namin lahat yang tinda niyo ha, namiss namin yan ng sobra,” si Pauline saka naupo sa tabi ni ate Brenda, may mga table kasing kainan dito.
"Sigurado kaba Pongs?" marami pa ito. Sabi ni ate Brenda kaya napanguso si Pauline.
"Ate naman eh, Pauline na kasi dalaga na kaya ako oh,” parang batang sabi niya natawa nalang si nanay at ate sakanya.
Habang kumakain kame kwento naman ng kwento si nanay Carol at ate Brenda.
"Pano po nanay, ate aalis na po kame.”
“Babalik nalang po ulit kami pag uumpisahan na yung pag gawa dyan sa School,” Magalang na sabi ko nung tapos na kaming kumain, grabe nabusog ako nang sobra. Namiss ko din kasi talaga yung tinda nila.
"Hoy! Pauline, seryoso ka may pa take out pa,” sigaw ni Blade kay Pauline pero inirapan lang siya ni Pauline kaya natawa ako. Seryoso ba siya may take out pa talaga hindi ba siya nabusog?
"Mind your own business Blade de Leon.” mataray na sabi niya napailing nalang naman si Blade.
"Bye nanay see you next week again, ate Brenda pareserved na ako nang siomai next week ha. Thank you.”
Grabe talaga ito katatapos lang kumain pagkain na naman ulit yung nasa isip niya.
Pagkatapos namin magpaalam kila nanay naglakad na din kami papunta sa parking lot.
"See you tomorrow guys,” huling sinabi ni Pauline bago umalis.
Habang nasa biyahe ako pauwi naalala ko naman yung babaeng nakilala ko kaninang umaga. Honestly simula nung makilala ko siya kanina hindi na siya nawala sa isip ko. Taga saan kaya siya? Makikita ko pa kaya siya ulit?. I hope so na sana makita ko ulit siya. Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko para sakanya, the only thing I know is I want to see her again.