Wala man sa loob ni Eeya na gawin ang kondisyong iyon ay tanging iyon na lang ang naisip niya upang makahinga. Sa loob ng mga nagdaang araw ay nag isip pa ito ng ibang paraan ngunit kahit anong sabihin nito ay tangging sa nakalaan na araw lamang pumapayag si Isagani. Nasa loob ng patapos na klase si Eeya nang silipin niya si Isagani mula sa kayang mga gamit. Tulog ito kahit pa hapon p alamang dahil masyado nitong pinapagod ang sarili. Aniya iyon daw ay paghahanda niya para sa nakalaang araw para sa kanilang dalawa. Bahagyang iminulat ni Isagani ang mga mata nang magbukas ang bag kung saan ito natutulog. “Ngayon na ba ang nakalaang araw?” Napataas na lamang ng kilay si Eeya na biglang nainis dahil wala na itong bukang bibig kundi ang nakatakdang araw. “Ewan ko sa `yo!” Agad niyang isin

