EPISODE 11 Hindi ako makapaniwala na may mangyayari sa aming dalawa ni Adler. Nandito lang ako sa kanilang headquarters para sabihin ang plan ko, ang maging new investor ng Arison Empire at makasama sa isang business project si Denver Arison. Pero bakit nangyari ‘yon?! Tapos nasundan pa dito sa kanyang kwarto kung saan nakahiga ako ngayon at nakatulala sa may kisame. Tulog na tulog si Adler sa aking tabi at mahigpit ang kanyang pagkakayakap sa akin at nakasiksik din ang kanyang mukha sa may leeg ko. Napatingin ako sa aking suot na relo at nakita kong 7PM na. Sigurado akong hinahanap na ako ng mga anak ko ngayon. Hindi pwedeng magdamag ako rito sa headquarters ni Adler dahil hindi makakatulog ang mga anak ko kapag hindi ko sila pinuntahan sa mga kwarto nila. Napatingin ako sa mahimbi

