EPISODE 37 THE LETTER LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. “I hope you didn’t get jealous of Rebecca because she was here with Tita Devon.” Napataas ang kilay ko at humarap kay Adler nang sabihin niya iyon. Kauuwi lang nila Tita Devon at ni Rebecca at kasama rin nila pauwi ang doctor na pumunta rito. Nandito na kami sa kwarto ni Adler para makapagpahinga na rin at tapos na rin kaming pumunta sa kwarto ni Ambrose at hintayin siyang makatulog bago kami bumalik dito sa aming kwarto. “Why should I get jealous of her?” I asked him. “Because she was my fiancé?” patanong niyang sagot sa aking tanong. Mahina akong natawa at muling tinignan ng seryoso si Adler at nginitian ko siya. “Adler, I’m fine. Hindi na ako ang Lara na nakilala mo noon—I’m more mature and I know kung kailan ako magseselos

