EPISODE 24 RESULT LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. “NAKAUWI ka ba ng maayos sa apartment ninyo, Lara?” Napakurap ako sa aking mga mata nang marinig kong magsalita si Angelo. Sabay kasi kaming kumakain ng lunch namin ngayon. Nagpadala pa rin ng pagkain sa akin si Adler at ito ang kinakain ko ngayon kasama si Angelo sa loob ng aking opisina. Hindi ko mapigilan na maalala ang nangyari kagabi sa may traffic habang naghihintay kaming umusad ang mga sasakyan. Bahagya akong napayuko nang maramdaman ko ang pamumula sa aking pisngi. “Lara?” “H-Huh?” mabilis akong nag-angat ng tingin kay Angelo nang muli itong magsalita. Hindi ko pala nasasagot ang kanyang tanong sa akin. “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko sa ‘yo. Nakauwi ka ba ng maayos kagabi?” tanong niya. Napatango naman ako at pinili

