EPISODE 16 TALK “Adler, ano bang gusto mong pag-usapan natin dito? Kanina ka pa hindi nagsasalita diyan,” tanong ko sa kanya. Kanina pa kasi kami tahimik. Nakatingin lang si Adler sa malaki naming wedding picture sa may dingding. Ito iyong pangalawang kasal namin sa Madrid, Spain. Matagal na naming napalitan ang wedding picture namin dito sa kwarto dahil gusto namin na masaya kami sa wedding picture namin. Iyon kasing unang kasal namin ay para kaming nag-attend sa isang patay kaya ang pangit tingnan. Habang tahimik na nakatingin si Adler sa aming wedding picture ay napatingin na rin ako dito at hindi mapigilan na mapangiti. Naalala ko iyong araw ng kasal namin, ang araw na hindi ko alam na ako pala iyong ikakasal. Akala ko nang araw na iyon ay a-attend lang kami sa kasal ng pinsan ni A

