EPISODE 27 TAMPO LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. “LARA, kumain ka na.” Napakurap ako sa aking mga mata at napatingin kay Angelo nang sabihin niya iyon. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Nagsimula na akong kumain at pinilit kong hindi magpaapekto sa matalim na titig ngayon ni Adler na ramdam na ramdam ko. Bakit kasi hindi pa rin umaalis si Adler at ang kasama niya? Mukhang dito rin ito kakain, eh. Mas lalong hindi ako makakakain nito kahit na sabihin pa ni Angelo na h’wag ko itong pansinin ay hindi ko pa rin maiwasan dahil para akong nila-laser sa kanyang mga titig dahil ramdam na ramdam ko ito. “Lara?” Muli akong nag-angat ng tingin kay Angelo at nakita ko siyang may hawak na tinidor ngayon at may nakatusok na pagkain nito. Ngumiti siya sa akin at parang sinasabi niyang kainin ko an

