EPISODE 1 LARA “Lara Laureen! Oh my God! You’re so good. Nganga talaga ang ibang kalaban sa ‘yo!” Napangiti ako at niyakap ang aking kaibigan na si Joseph nang matapos na ako sa aking unang laro. “Thanks, Joseph! Hindi ko akalain na mauuna ako sa laro ngayon. Ang nasa utak ko na lang habang nagsu-surf ako ay ang hindi ako madala sa alon,” nakangisi kong sabi sa kanya. Inakbayan ako ni Joseph at bahagya niyang ginulo ang aking buhok. “You’re the future of surfing, Lara. Keep it up!” Natuwa ako sa kanyang sinabi at nagpaalam na rin sa kanya na aalis. Bago ako makapunta sa may kotse ko ay may lumapit sa akin upang magpapicture at pumayag naman ako dahil na rin siguro ay good mood ako ngayon. Pagkatapos nilang mag picture sa akin ay dumiretso na ako sa kotse ko at nilagay ko muna sa li

