EPISODE 29 MEET AGAIN LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. “AMBROSE, may gusto ka pa bang ipabili sa akin? Nabili ko na ang wings mo.” Kausap ko ngayon ang aking anak sa cellphone at nandito ako sa loob ng mall at bumibili ng mga costumes ni Ambrose. Bukas kasi ang activity nila para sa valentines day at kailangan niyang magsuot ng cupid costume kaya ako bumili ng mga susuotin niya ngayon. Tapos na rin akong gawin ang mga trabaho ko sa opisina at pinayagan din ako ni Angelo na pumunta na muna rito sa mall upang mabili ko ang mga costumes ni Ambrose. “Mommy! Buy me ice cream, please!” wika ni Ambrose sa kabilang linya. Napathawak ako sa aking noo at bumuntong-hininga bago muling kausapin si Ambrose. “Ambrose, palagi ka na lang kumakain ng ice cream. Masisira na iyang mga ngipin mo!” sabi k

