EPISODE 20 SURPRISED LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. TULALA ako habang nakatingin sa may pader habang nakahiga pa rin dito sa kama. Hindi ko alam kung ilang oras na akong tulala, maaga akong nagising at hindi na ulit ako nakabalik sa pagtulog dahil ang daming tumatakbo sa aking isipan. Nakapulupot pa rin ang braso ni Adler sa may beywang ko at nakasiksik ang kanyang hubad na katawan sa may leeg ko at ramdam na ramdam ko ang kanyang paghiga habang mahimbing siya na natutulog. Hindi ako makapaniwalang bumigay kaagad ako kay Adler. Oh my God! Hindi naman ako nakainom ng alak kagabi at nag movie marathon lang naman ako pero bakit para akong nalasing bigla? Sh*t. Nababaliw na ata ako. Napasulyap ako kay Adler at nakita ko siyang mahimbing na natutulog at bahagya pang nakaawang ang kanyang b

