EPISODE 33 REJECTED LOVE LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. “You were busy yesterday. I tried to contact you, but you’re out of coverage.” Napakagat ako sa aking labi at napatingin kay Angelo. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya, kung paano ko sasabihin na sinagot ko na si Adler at nagkabalikan na kaming dalawa. Hindi naman ako tanga para hindi malaman at maramdaman na may pagtingin siya sa akin at biglang kaibigan niya, ayokong masaktan si Angelo. Pero alam ko naman na kahit anong gawin ko ay masasaktan ko pa rin siya. “Y-Yes. May importante kasi akong ginawa kahapon,” sagot ko sa kanya at hindi ko na dinugtungan. Napatango naman si Angelo at ngumiti siya sa akin. “Gusto mo bang sabay tayo kumain mamaya?” tanong niya sa akin. “Ah. A-Ano—” hindi ko naituloy ang aking pagsas

