EPISODE 35 FAINTED LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. “ADLER, kinakabahan ako,” sabi ko sa kanya at hinawakan ang kanyang braso. Napatingin sa akin si Adler at hinawakan niya ang aking pisngi at hinalikan ang aking noo. “Why? Magiging masaya si Tita Devon kapag malaman niyang nagkabalikan tayo at may anak tayong dalawa,” nakangiting sabi niya sa akin. Bumuntong-hininga ako at walang nagawa kundi ang tumango at sumang-ayon. Wala naman kasi siyang alam sa nangyayari sa pagitan namin ni Tita Devon at isama mo na rin si Rebecca. Hindi niya alam na walang gusto sa akin si Tita Devon para sa kanya dahil wala nang choice noon si Tita kundi ang tanggapin ako dahil asawa ako ni Adler. “Si Tita Devon lang ba ang pupunta rito?” tanong ko kay Adler. Nagluto ng iba’t ibang mga putahi ang mga kasa

