Chapter 6

827 Words
Herald POV  Papunta ako ngayon sa V Studio tumawag sa akin si Ms. Chin kaninang umaga may meeting tungkol sa movie project.  Pagkapasok ko ng pinto ay kumpleto na pala silang lahat.  "Sorry Im late" ang paumanhin ko sakanila Tinignan ko si Celix katabi niya si Kiel at Ms. Naomi nakangisi pa ang gag* sa akin.  Parang walang nangyari ah.  Akala niya siguro magpapaapekto ako sa nangyari tignan lang natin.  "No its ok may hinihintay pa tayo. Kaya magmiryenda ka muna." amg sabi naman ni Ms. Chin "Sino pa ang hihintayin natin. Buong cast ba ang meeting na to" ang tanong ko sakanya "Hindi next meeting pa yun. Hihintayin lang natin si Jace Lewis" ang sabi ni Ms. Chin  "Si Jace? Sinong Jace?" ang tanong naman ni Celix "Oh my god di mo kilala si Jace Lewis. Siya ang kasabayan ni Herald kaso nag ibang bansa na siya dahil gusto daw niya ng tahimik na buhay but not anymore nakumbinsi siya ni Ms. Chin na tanggapin ang movie project na to." ang sabi ni Naomi  "Siya ang gaganap sa role ni Marió" ang singit naman ni Kiel Santos kaya napatingin kami sakanyang lahat.  "Naisip ko na bagay sakanya ang role. Siguro naman nabasa niyo na ang libro siya ang ka love triangel nila Lorenzo at Sebastian" ang patuloy nito Bakit si Jace pa ang napili sa role na yun. Natalo ko na siya noon kaya nga bigla nalang siyang umalis ng Pinas para manirahan sa amerika.  Oo kasabayan ko siya. Kaming dalawa lagi ang pinaglalaban ng mga show. Mapa teleserye o movie o mga commercial pati na din sa concert. Sinabi kong natalo ko na siya dahil umalis at tinalikuran niya ang kasikatan niya. Di ko alam bakit siya umalis. Maraming mga chismis na nagsilabasan sa panahon na yun.  Sabi ng iba nakabuntis daw siya kaya tinakbuhan niya ang babaeng nabuntis niya.  Yung iba naman nasangkot daw siya sa droga.  At ang mas malala ay may sakit daw ito kaya kailangan niya magpagamot sa amerika.  Kala ko nga noong umalis na si Jace Lewis wala na ang sakit ng ulo ko. Masyado siyang mayabang at mapagmalaki kala mo sikat na sikat siya. Kapag nakakasalubong o nagkikita feeling magkaibigan kami pakitang tao lang dahil may mga camera at fans na nakakakita pero sa totoo lang masamang damo siya.  Napabalita nga na nagsuntukan kami sa isang private resort. Totoo yun di ko alam bat lumabas sa media yun na ka muntikan ko ng ikasira dahil kinabukasan lang nagpainterview siya na may pasa kanyang mukha at katawan.  Sinabi niyang naiingit daw ako sakanya. Sa panahon na yun nanahimik lang ako ayoko ng humaba ang issue na yun at di nag laon ay namatay ang issue tungkol sa amin ni Jace Lewis.  "Hello !! Miss me??!!"  Di ako nagkakamali si Jace Lewis yun. Kahit di na ako tumingin. Mayabang talaga siya. Parang si Celix.  "Herald kamusta kana?" ang bati niya sa akin Tumapik tapik pa sa balikat ko. Tumingin akong nakangiti sa kanya.  "Ikaw ang kamusta?" ang ngiti kong sabi sakanya "hahaha. Better than before. And sino naman tong gwapong lalaki na to?" ang baling niya kay Celix "Celix Lee" ang ngising sabi nito "Oh! Mukhang nakikita ko ang sarili ko sayo. Ipagpatuloy mo lang yan. Ikakaunlad mo yan hahaha"  Napailing nalang ako. Kinamusta niya din sila Kiel at Naomi.  "Ok kumpleto na tayo. Lets start the meeting" ang sabi ni Ms. Chin Tumayo si Kiel at pumunta sa gitna. Nagdiscuss siya about gusto niya mangyari sa movie lalo na sa audition namin dalawa ni Celix at ang masaklap pa ay makakasama namin sa audition si Jace.  Sa kwento kasi Jail Love Story ay mahalaga din ang role ni Jace na Mario sa buhay nila Lorenzo at Sebastian.  Sinabi din ni Kiel kung kailan ang audition at bukas nga yun. Paspasan na ang movie project dahil kailan na anounce sa publiko ang gaganap sa Jail Love Story.  At sa sabado na ang press con ng movie.  At masisimula na ang taping sa lunes.  ______________________ Papunta na ako sa park lot dahil tapos na din ang meeting namin. Sumakay ako ng elevator para mabilis ako makababa kahit ayoko maghagdanan papawisan ako at wala ako sa mood.  Gusto ko lang umuwi sa condo at matulog dahil wala ako appointment ngayon araw na to.  Di ako nakatulog kagabi ng maayos. Kakaisip sa nangyari sa amin ni Celix dapat kanina ay sinuntok ko siya pero ano nalang ang sasabihin ko kina Ms. Chin kung bakit ko sinuntok ang gag* na yun.  At alam kong gagawa siya ng eksena kaya minabuti kong kontrolin ang sarili ko.  Sa lalim ng pagiisip ko di ko napansin na may kasama pala ako sa elevator.  Napatingin ako sa katabi ko kaming dalawa lang pala ang nasa loob ng elevator.  At nakahold pa ang elevator.  "Ano sa tingin mong ginagawa mo?" ang inis kong sabi sakanya Ngumisi lang ito sa akin. At unting unti lumalapit sa akin.  "Subukan mo lang lumapit kanina pa ako nagtitimpi sayo"  "Subukan mo din ako suntukin. Alam mo naman siguro kung ano ang kaya kong gawin kapag nakita nilang may pasa ako sa mukha" ang ngising sabi nito Malakas ko nalang siya tinulak palayo.  Ano bang nangyayari sa buhay ko!  Isang malalim na buntong hininga nalang ang pinakawalan ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD