Chapter 4
Herald POV
Ilang araw na din ang nakalipas ng makapagmeeting kami tungkol sa movie project na Jail Love Story as of now wala pang balita kung kailan ang audition na sinasabi ni Kiel Santos.
Abala ako sa paggawa ng isang commercial. Kahapon lang ay nagpirma ako ng kontrata sa isang sikat na kumpanya sa Pilipinas.
Di ako mahilig sa mga social media pero sa panahon ngayon ay kailangan ko ito. Kakagawa ko lang ng IG at Twitter account.
Nakakatuwa dahil ilan oras palang ay marami na nagfollow sa akin. Nag upload ako ng mga selfie ko at may mga nagcocomment pa na baka poser daw ako.
Sa edad kong 30 nakakatuwa na nakakaaliw palang magsocial media.
Nalalaman ko kung ano ang balita at ano ang trends ngayon. Talk of the town pa din ang #JailLoveStoryTheMOVIE
Maraming haka haka kung sino ang gaganap sa papel nila Lorenzo at Sebastian at ang mga iba pang character sa libro.
Ayon sa Jail Love Story si Sebastian ay 28 years old samantalang si Lorenzo ay 21 years old.
Maraming lumabas na pangalan na gusto nila gumanap o mapasama sa movie project. Isa na ako doon pati na din ang mayabang na Celix.
Nagpapahinga ako ngayon sa loob ng isang tent kung saan nandito kami sa location na kukunan ang eksena ng TV commercial ko.
Kasama ko sa loob ang TEAM H ko. Hair stylist ko ay si Jojo, Stylist ko naman ay si Mira, Make Up artist ko ay si Kath.
Sila ang Team ko kasakasama ko sila kapag may ganito akong appointment lalo na pag movie at teleserye ako.
"Gutom na ako" ang reklamo ko sakanila
"Boss H paparating na daw yung catering na rent nila" ang sabi ni Jojo
"My god ang bagal kumilos ng mga tao dito" ang maarteng sabi naman ni Kath
Napatingin naman ako sakanya "Kath wag ganyan baka makarinig sayo baka may sabihin sa atin na masama"
"Oo nga naman Kath. You are so Maarte you know that di kana nasanay sa trabaho natin. Kung nababagalan ka sakanila edi tumulong ka sakanila hahaha" ang natatawang sabi ni Jojo
Nagpak u sign si Kath kay Jojo
"Gusto mo talaga?" ang pangaasar naman ni Jojo
"Iiiwww! Ang pervert mo ah!" ang sigaw ni Kath
At nagtawanan kaming apat.
"Boss alam mo ba ang kasabihan na the more you hate the more you love" ang singit ni Mira
Nakarinig kami ng mahinang katok at para mukhang mga tanga ang Team ko dahil bigla nalang silang nanahimik.
"Mr. Herald ready na po tayo" ang sabi ng assistant Director
"Ok sige. Salamat" ang ngiting sabi ko sakanya. "Kayo naman mga sira ulo bat kayo natahimik? Tara labas ba tayo para matapos na to"
___________________________
Nakakapagod pero masaya dahil natapos ko din ang tv commercial isasabay na ilalabas ito pag announce sa mga lead role ng Jail Love Story para lalong sumikat ang product nila.
Kakauwi ko lang sa condo ko dahil nilibre ko ang Team H ko at di pa ako nakakabihis ng may nagdoorbell.
Wala naman ako inaasahang bisita ngayon.
Impossible naman na sila Kath ito dahil kilala nila ako kapag nasa bahay na ako ay ayaw ko na magpa istorbo.
Pagkabukas ko ng pinto nakatayo ang di ko inaasahang bisita na si Celix.
Nakangisi itong nakatingin sa akin.
Ano ginagawa nito dito. At paano niya nalaman kung saan nakatira.
"Alam kong di mo inaasahang na makita mo ako dito sa labas ng condo mo." ang ngising sabi nito
Ano kaya ang naisip ng lalaking ito bat pumunta siya dito. Lakas ng trip nito ah!
Di ko namalayan na nakapasok na pala ito at may hawak na baso na may laman na alak.
"Ano pang hinihintay mo dyan?" ang nakangiting sabi nito.
Sinara ko na ang pinto at pinuntahan sa may bar counter.
"Ang kapal din ng mukha mo. Ano ang pakay mo bat ka pumunta dito?" ang mahinahon kong sabi sakanya pero sa loob loob ko gusto ko na siyang palayasin sa condo ko.
"Bat ganyan ka makitungo sa akin. Wala akong ginagawang masama sayo. Dapat nga magpasalamat ka sa akin dahil ako ang lumalapit sayo para magpakaibigan."
"Masyado kang mayabang at mahangin wala ka pa naman nararating. Kapit ka baka isang araw bigla ka nalang mahulog sa putik" ang ngiting sabi ko sakanya at kinuha ko sakanya ang basong may laman na alak at ininom ko ito.
Kita ko sa mukha niya na natamaan siya sa sinabi ko.
Huminga siya ng malalim para mapigilan niya ang inis niya.
"Tama ka doon kaya nga pumunta ako dito para may marating ako. Alam ko pareho natin inaasam ang role ni Lorenzo. Bat di tayo magpractice ngayon" ang ngising sabi nito
Lumapit siya sa akin at di ko inaasahan na bigla nalang niya ako hahalikan. Ramdam ko nailang din siya sa ginawa niya pero sandali lang yun.
Pilit na pinapasok niya ang kanyang dila sa akin. Pero di ko hinayaan na magtagumpay siya.
Pilit ako kumakalas sa kanyang yakap pero hinihigitan niya ang lakas ko.
____________________
"Tsk! Not bad!" ang biglang sabi ni Celix
"Paano mo nagawa yun? Saan ka kumuha ng lakas ng loob?" ang tanong ko sakanya
Di ko akalain na aabot kami sa ganitong sitwasyon. Pareho kaming nakaupo sa sofa na walang ano mang saplot sa katawan. Hingal na hingal kami pareho sa ginawa namin.
Kakatapos lang ng isang maiinit na tagpo sa aming dalawa. Hanggang ngayon di ko alam paano niya ako napapayag sa gusto niyang gawin.
"Simple lang yan. Ginusto mo din ang nangyari. Siguro naman sa audition na papagawa sa atin di na tayo maiilang." ang sabi nito tumayo na ito at nagayos ng kanyang sarili.
"See you soon" ang ngising sabi nito sabay labas ng pinto. Naiwan akong tulala sa loob ng condo ko.