Chapter 9

888 Words
Celix POV  "Please Welcome Celix Lee and Herald Dela Rosa!!!" ang sigaw ng host bago kami lumabas sa stage.  Ang briefing ay kailangan namin magpakilala. At sasabihin kung ano ang napuntang role sa amin.  "Hi Im Celix Lee. Ako ang gaganap bilang Sebastian"  Nakita ko ang mga reaction ng mga tao. Ang iba ay kinilig at ang iba naman ay nagulat halo halo ang reaction nila.  Habang akong nakatingin sa mga press people na kumukuha ng nga picture. Di ko namalayan na di pa pala nagsasalita si Herald sa kanya lahat ang focus ng mga tao.  Ano kaya nangyari sa gag* na to? Kanina pa yan sa backstage. Di ko lang pinapansin na kanina pa nakatingin sa akin.  At ngayon ay tulala lang siya ngayon hawak ang mic.  Tanggap ko na si Sebastian ang nakuha kong role. Ok na sana kahapon makukuha ko na ang role ni Lorenzo pero ng kami na ni Jace ang magkaeksena ay sumabit pa ako. Talagang magaling ang loko na yun.  Natatawa ako ng maalala ko ang eksena namin ni Herald kahapon.  _________________________ Pagkatapos ng eksena namin ni Herald ay may break time kami para makapagpahinga.  Ginamot nila ang sugat namin sa labi. Totohanan ang nangyaring sapakan sa amin.  Abala akong nagrereview ng script ng lumapit sa akin si Herald. Naka bath robe lang kaming dalawa dahil sa susunod na eksena ay total nude kami.  "Puwede ba kitang makausap?" ang may galit niyang sabi sa akin "Kinakausap mo na ako" ang ngising sabi ko sakanya Hinila nalang niya ako bigla at dinala sa isang kuwarto. Pabagsak niyang sinara ang pinto. Alam kong naka agaw pansin kami sa mga tao sa labas.  Buti nalang konti lang ang mga tao sa labas kasama na si Kiel doon.  Tumingin ako kay Herald. Ang gag* to lakas maka eksena. Ano bang gusto niya? "Anong katarantaduhan yang ginagawa mo?" ang inis kong sabi sakanya "Ikaw ang gumagawa ng kagag*han! Ano sa tingin mo ang ginawa mo kanina?!!"  "Ginagawa ko lang ang dapat gawin at yun ang nasa script" ang ngising sabi ko sakanya Napiling ito at huminga ng malalim.  "Totohanan ang ginawa mo! Ano gusto mong palabasin. Di ka ba maka acting kung di mo totohanin ang eksena!"  "Di mo ba nagustuhan?"  Aambang susuntukin niya ako ay inunahan ko na siya.  Bigla ko nalang siya hinalikan. Sa una ay tinutulak niya ako pero di naglaon ay sumuko na din siya.  Ang sarap niya talagang halikan kapag nagagalit o nagpupumiglas.  Pa hard to get pa ang loko.  "Oh tama na baka maubusan na tayo ng laway yan!"  "Fvck you!" Ang galit na sabi niya sa akin at tinulak niya ako at lumabas ng kuwarto.  Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil di ko nanaman alam ang mga pinaggagawa ko.  Hay naku!  Palabas na ako ng kuwarto ng lapitan ako ni Peachy.  "Oh anong eksena yun?" "Ano nanaman yan Peachy!' ang inis kong bulong sakanya. Baka kasi may makarinig sa amin.  "Ano tanga tangahan lang Celix" ang taas kilay niyang sabi sa akin. "Ok fine sa bahay nalang natin yan pag-usapan. Im sure gagawa ka nanaman ng kalokohan ngayon. Sig na punta kana doon!"  __________________________ "Ok lets start the press con. Puwede na po kayo magtanong" ang sabi ng host May isang lalaki na taga press ang lumapit sa mic sa harapan.  "May tatlong tanong ako. Una para kay Kiel Santos.  Kiel maraming haka haka na ang Jail Love Story ay based on true to life story. Its is true na ikaw si Sebastian sa totoong buhay?"  Napatingin kaming lahat kay Kiel relax ng itong sumagot sa tanong.  "Matagal ko ng sinagot yan. It was a fiction story yet may halong katotohanan ang Jail Love Story."  Magulo ang sagot niya. Ano yun half Fiction and Half True??  "Pangalawang tanong para kay Kiel ulit. Paano mo napagdesisyunan na si Celix ang magiging Sebastian at si Herald ang magiging Lorenzo?"  "Di ako ang nagdesisyon. Sumailalim sila sa isang audition. Doon nakita ko na bagay sa kanila ang nakuha nilang mga karakter."  "Puwede mo bang sabihin sa amin kung paanong paraan ng audition ang ginawa nila" "Kung sasagutin ko yan tanong mo ibig sabihin di kana muling magtatanong dahil sinabi mo nga may talong tanong ka lang" ang natatawang sabi ni Kiel "Napakatalino mo nga Kiel. Sige wag mo ng sagutin"  Nagtawanan ang buong tao sa loob ng event hall.  Witty din pala itong si Kiel Santos na to. Kala ko seryoso lang at di marunong tumawa. "Hayaan natin magisip ang mga tao kung ano nga ba ang audition na ginawa nila. Bigyan ko kayo ng clue. Hmmm... Mahirap at Masarap. Ngayon palang natatawa ako sa mga nakikita kong mga reaksyon sa mga mukha ninyo."  Nagbulong-bulungan ang mga taga press lalo na ang mga fans. Loko naman tong si Kiel bat pa nagbigay ng clue. "My final question is for you Celix. Handa ka na sa mga maiinit na eksena niyo nila Jace at Herald? Base sa book ay sobra naman napaka init ng mga ganap nila Lorenzo at Sebastian. At ano ang ginagawa mong paghahanda para sa ganun eksena"  "Opo handa na po ako. May work shop naman po mangyayari. Tsaka di naman kami pinapabayan ng V Studio, sila Miss Chin, si Direk at mga co star ko. At araw Araw ay nasa gym ako para naman pagnakita niyo ang katawan ko ay di naman nakakahiya kina Jace at Herald" ang natatawang sabi ko. Nagtawanan din ang mga tao.  Babae naman ang nagtanong isa yata sa mga fans.  "Oh my god!!! Ang gwapo niyo!!!" ang kinikilig na tili niya  "Ehem! Celix handa ka bang ma fall kina Herald o Jace?"  Nabigla ako sa tanong niya. Anong klaseng tanong yun? Ang labo? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD