"WHAT?! Hawak ni Lucas si Apple?" bulalas ni Jordan nang malaman nito ang lahat. "And you did nothing?!" Walang emosyong tiningnan ko siya. "Para ano? Nagsinungaling siya sa akin sa ikalawang pagkakataon, Jordan. Binabalak niya ulit akong patayin." Galit na napatayo si Jordan sa kinauupuan niya. "Hindi mo ba maintindihan na wala siyang maalala?! At kahit sino-kahit ako, kaya kong gawin lahat para sa anak ko! Paano kung anak mo pala ang mga batang iyon? Wala kang gagawin man lang?!" Iniwas ko sa kanya ang tingin "They're not mine. Alam mong wala akong kapasidad na makabuo." "So ganu'n na lang?!" Malalaki ang mga hakbang na lumapit siya sa akin at galit akong kinuwelyuhan. "Kapag may nangyari sa kanila hinding-hindi kita mapapatawad, Beckham!" aniya at walang paalam na lumabas ng opsin

