Afsheen pov
Mom, nasaan si kuya Afzal? Tanong ko kay mommy na nasa kusina naghahanda ng meryenda para sa'ming lahat. " Pupunta daw sa bahay Ng kaibigan niya".
Mom, nasaan Yong susi Ng ninja Kawasaki ni kuya? Pwedi ko po bang mahiram, iikot lang po ako ng konti dito sa village. " Oh god Afsheen! Ka babae mo at minor de edad kapa para mag drive".
Mommy naman eh, wala kayong tiwala sa akin. Dalaga na ako at matangkad abot ko na yon. "Basta hindi pwedi, malalagot ako niyan sa mama at papa mo pati na sa daddy mo. At mas lalong magwawala ang kuya Afzal mo Kasi daw baby niya Yan."
Niyapos ko si mommy sa likod nya, nilalambing ko tapos kiss ko siya sa pisngi niya. Kailangang mapapayag ko si mommy dahil gustong-gusto kong subukan ang new Ninja Kawasaki niya. "Mom, sige na po! mga 10 minutes ko lang po hihiramin".
Sinong poncio pilato na Kasi nagturo sayong mag-drive Ng motor? " Mom, Hindi po poncio pilato pangalan niya. Clarence po ang pangalan Ng future-son-in law ninyo. Sabay hagikhik KO Ng tawa."
Ginagawa Ka nang lalaki Ng mamanugangin ko at talagang tinuturuan Ka pang magmaniho Ng motor. "Kong alam mo Lang mommy, Kung anu-ano pa ang MGA Kaya Kong gawin siguro hihimatayin Ka. (Bulong KO sa aking sarili)".
Oh sige kuhanin mo na sa kwarto Ng kuya mo ang susi. At mag-iingat Ka afza, bumalik ka kaagad dito sa bahay para Hindi Tayo malalagot.
"Yes! Yahooooo(sabay suntok ko sa ere) salamat po mom, I love you very much po". Ok! I love you too sweetie and just take care".
Dali dali akong umakyat sa kwarto para kuhanin ang susi Kasi Baka maabutan pa niya ako at Baka ayaw niyang ipahiram sa akin. Nakita KO naman agad ang susi sa drawer na katabi Ng kama ni kuya. At wala na akong sinayang na oras at nagtatatakbo pababa Ng hagdanan.
Pinaandar KO na ang motor at sabay sigaw sa guard namin para buksan ang gate at para ako'y Makalaya na. Uncle Ben pakibuksan Naman po ang gate. Nakita kong namangha Ito dahil siguro Hindi nito inaasahan na marunong na akong magpatakbo Ng motor.
"Marunong kana palang mag drive niyan afza". Opo! maikling sagot ko dahil ayaw Kong dumaldal pa at Baka mapurnada ang pag-iikot KO. " Sige mag-iingat Ka sa pagmamaniho iha. Okay po! Bye po.
Kasalukuyan akong naandito sa isang elegant coffee shop para mag meryenda. Dahil sa pagiging excited ko nakalimutan ko pa lang mag almusal dahil late na rin akong nagising. Habang naghihintay ako sa aking order ay nag-ce-cellphone muna ako.
May mga bagong customer na dumating. They are looks like a gangster base on their tattoos and attire. Nakaupo sila malapit lang sa Mesa na aking kinauupuan.
Pare naandito yata si Afzal Dela Torres ang mortal mong karibal sa puso ni Bea (dinig Kong Sabi nung isang lalaki pero Hindi na ako nag-aabala pang lumingon sa gawi nila).
Paano mo nasabing naandito Siya, Di naman natin Siya nakikita. Ano yon invisible na si dela Torres ngayon?...sabay tawanan nilang lahat. Dali dali kong ini-ON ang recorder ng cellphone ko para ma record ko ang mga pinagsasabi Nila. Malakas Kasi ang kutob ko na si kuya Afzal ang topic nila at ang masaklap may masama silang gagawin sa kuya ko.
Pare tuloy ang plano sa race track mamaya at naka handa na ang lahat. Bukod sa malaki ang premyo na makukuha natin kapag ako ang nanalo. Magiging akin na Rin si Bea dahil napag kasunduan na kapag naipanalo ko ang laban sa akin na si Bea at kapag si Afzal Dela Torres ang mananalo sa kanya na si Bea at hindi ko na sila guguluhin pa.
Doubt ako sa salitang hindi mo na sila guguluhin pa pare.... Sabi naman nung isang lalaki. "Titiyakin kong hindi siya mananalo sa laban. At mukhnag hindi na siya sisikatan ng araw sa gagawin ko". "Pare baka gusto mo ngayon na lulumpuhin natin siya" dinig ko na sabi nung isa pang lalaki.
Kuyom ko ang aking kamao habang nakikinig sa mga usapan nila. Mga lintik may balak pa talagang tutudasin ang kapatid ko.
Hanggang sa dumating na ang aking order at mabilis ko itong nilantakan. Bahala na Kong iisipin ng mga makakita sa'kin na mukha akong patay gutom at buong buwan Hindi kumain.
Pagkatapos Kong kumain gusto ko na rin umalis sa lugar na iyon. Dahil kailangan ko pang makausap nang masinsinan ang kapatid ko tungkol sa mga naririnig ko.
Sinenyasan ko ang waiter para kuhanin ang aking bayad.....keep the change. Tumayo na ako para makaalis, pero ang malas dahil may nakabanggaan ako. Muntik na akong matumba buti nalang at naibalanse ko agad ang aking isang paa. Matamang nakatitig lang sa'kin ang lalaki, pero hindi man lang nag-sorry...bastos nga anas ng isip ko.
Paalis na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang aking braso. "where do you think you are going without permission woman?" Ay bongga spokening dollars ang yawa...sa isip ko.
And why do I need your permission Mr. You are the one who bumped me without even apologizing.
"Aba pare sumasagot, gusto ko ang mga ganyang babae sobrang taray pero sa kama sobrang wild.... roaaaaarrrrrrrrr"....komento ng nasa likod ko at ikinalingon ko sa gawi nila.
Agad ko Namang sinipa ang inuupuan niya at naging sanhi ng pagkabagsak ng kanyang puwet sa malamig na tiles. Dahil hindi ko matanggap kanyang MGA maling patutchada niya. F*cking sh*t....magkasabay na sigaw Ng MGA demonyo. Naalarma ang lahat at nagsitayo-an sa kanilang upuan at galit ang MGA pagmumukhang nakatingin sa akin.
"You have a courage to fight us even you know that you are alone"...komento Ng leader yata nila na siyang pasimuno sa masamang balak para sa kapatid ko. I just smirked and looked at him without any emotion.
Nais na Sana akong sampalin nung isa pero agad ko Namang nailagan ang sampal niya. At binigyan KO siya Ng upper cut punch...ewwww tigas Ng panga mo yawa ka, ngiwi Kong saad.
Agad namang dumating ang guard para awatin ang mga ulopong. "Sir huwag po kayong gumawa Ng gulo dito. At kinakailangan nyo Rin pong bayaran ang MGA na damage...si manong guard". "I can buy this whole restaurant and even your life, asshole"...sigaw na saad ng leader habang dinuduro si manong guard.
Hambog...mahina kong bulong, pero matalas ang pandinig ng ulopong dahil narinig pa talaga niya. Na mas lalo pa talaga niyang ikinagalit. Yong taong nakabangga sa akin, tahimik lang siyang nakamasid sa gilid.
O diba ang cool ng dugyot! Siya ang pasimuno pero Siya pa ang walang imik sa gilid. F na F talaga niya ang pagiging anghel na may sungay....na ikinatawa Ng kaluluwa ko.
Umalis na ako dahil nasusura na ako sa mga pagmumukha nila. Pero sumigaw ang gago "Hoy babae hindi pa tayo tapos". Lumingon naman ako sa gawi niya sabay sabing " Siya ang may pasimuno Ng kaguluhan, sa kanya mo tapusin ang Hindi pa tapos mong sinasabi"... Tinuro ko ang lalaking feeling anghel na demonyo. Then, I wave my hand to them and walked out.