Jeremy POV Sobrang nainis ako sa aking nakikita ngayon na tipong handa ng sumabog ang sarili ko. Nakikita ko ang dalawang taong nagkatuwaan at nagsitawanan dahil sa pagbuhat at pag-ikot nito. Ano ba itong nasaksihan ko? Ganito ba ang sinabi ni Afsheen na mahal niya ako. Na makipag landi-an sa iba habang ako na boyfriend niya ay umaasang mahal din ako ng babaeng tanging minamahal ko. Okay naman kami kaninang tanghali ah. Pinuntahan ko pa ang mga magulang niya para lang ipagpaalam siya na yayain ko ng date ang anak nila. Pinahintulutan naman ako ng mga magulang niya. Imbis na makipag-suntokan dun sa lalaking kasama ni Afsheen. Niyaya ko nalang ang mga kaibigan ko ng pumunta sa Toronto Club. Pero sadyang dumikit ang kamalasan dahil sa dinami-dami ng lugar na pweding puntahan pariho pa kam

