Walang kamalay-malay si Afsheen sa isang malaking surprisang nag-aabang sa kanya. “Kaninong party ba kasi ang pupuntahan natin at binulabog mo pa ang pananahimik ng buhay ko sa aking palasyo.” Panay na ang reklamo niya dahil namomroblema na siya sa kanyang susuotin. “Sabi ko naman sa'yo relax ka lang dahil sila mommy na ang bahala sa susuotin mong damit. Why you didn't trust them, kamag-anak ni mommy ang ikakasal. Kaya priority rin niya ang kagandahan ng fiancé ng gwapo niyang anak.” “kwago kamo” “Ikaw talaga love palagi kang against sa kagwapohan ko. I'm sure mga anak natin kamukha ko lahat kasi ako palaging pinaglilihian mo eh.” Eh di wow! Ako ang nagpakahirap tapos pagka kwago mo ang mamanahin. Mi amor naman kasi ang laki-laki na ng tiyan ko tapos maraming bisita na makakakita sa'kin.

