Umupo si Girly sa bandang likuran ni Ella. Napakunot ang noo n'ya ng mapansin na may iilang pantal si Ella sa likod nito at pati batok. Naka backless pa naman ang dalaga at landad ang likod nito. Hindi ito masasabing pantal o kagat ng isang insikto, masyado itong malapad para itong sinipsip ng isang bampira. Teka sinipsip?
Napatakip ng bibig si Girly at bahagyang inusog ang silyang inuupuan n'ya ngayon at mahinang bumulong sa tainga ni Ella.
"Baks, tadtad ng hickey ang likod at pati batok mo. Ang lakas ng loob mong mag suot ng backless, hindi mo ba napansin?" Mahinang wika ni Girly.
Nawala ang atensiyon ni Ella sa pinag-usapan nila ni Orion at mamang Rosa. Napalingon siya kay Girly. "Anong pinagsasabi mo riyan, anong hickey?"
"Wait? Hickey? As in kissed mark?" Wika niya sa isipan.
Bumaling siya kay Finyx na ngayo'y tahimik lang sa tabi n'ya, nakahalukipkip ito at naka dekwatro pa.
"Mukhang minamarkahan ka ni Fafa Finyx, girl!" Muling bulong ni Girly.
"Tsk! Lakas ng loob ng ulupong na 'to lagyan ako ng hickey, manloloko naman." Sa loob-loob ni Ella.
"May dala ka manlang bang blazer ko diyan?"
"Meron, buti nalang at girls scout ako." Ani ni Girly at inabot kay Ella ang white blazer.
"Boys scout, ambisyosang bading." Pang-aasar ni Ella.
"Hmnp! Epal." Maktol ni Girly.
"Sold out na pala ang ticket ng concert mo Ella, para mamaya. Congratulations to you and good luck on your first concert. I am happy to work with you Ella. You will not regret choosing us. Lalo pa at si Orion na ang bagong manager mo. I know he will take good care of you. Mapagmahal din yan." Nakakalokong ngumisi si Icarus.
"Ehem! Mr Alarcon. Nakalimutan mo yata na naririto si Mr. Montenegro ang nobyo ni Ella!" Nakangiti pero may panggigigil sa boses ni Mamang Rosa.
"What i mean is, mapagmahal sa kanyang mga talents. Ito naman si mamang Rosa, binigyan mo agad ng kahulugan ang sinabi ko." Saad ni Icarus. Inirapan lang siya ng matanda.
After ng meeting ay nag pahatid na si Ella kay Finyx sa mansion ng kanyang ama kasama si Girly.
Nauna ng bumaba ang bading pero si Ella nasa from seat parin nakaupo. Hindi na pinapasok ni Ella ang sasakyan ng lalaki sa pavilion. Naririto sila ngayon sa harapan ng gate ng mansion. Tahimik lang si Ella at nakikiramdam kung may sasabihin si Finyx sa kanya. Gusto sana niyang tanongin ang lalaki, pero naduwag siya. Hindi pa siya handa marinig kung ano ang sasabihin nito. Mahal niya si Finyx, pero hindi siya katulad ng ibang babae na iiyak at mag hahabol sa isang lalaki. Hindi pa siya nasisiraan ng bait para gawin iyon. Mas mataas parin ang pride niya kaysa sa pangarap niya.
"Ella," tawag ni Finyx sa dalaga.
"Hmmn?" Tugon ni Ella ng hindi magawang tumitingin kay Finyx.
"I have--, i have a business trip."
"Where?" Tanong ni Ella.
"In Hong Kong." Sagot ni Finyx.
"Tsk! Hong Kong? Baka sa Paris." Inis na saad ni Ella sa isipan.
"When?" Tipid na tipid ang salitang lumalabas sa bibig ni Ella.
"Mamayang gabi ang alis ko." Turan ni Finyx.
Mariing napapikit si Ella alam naman niya kung saan ang punta nito.
Humarap siya kay Finyx at simpleng ngumiti.
Bahagya siyang umusog upang maabot ang batok ni Finyx. "Mag iingat ka Finyx, I love you." Wika ni Ella at dahan-dahang idinampi ang kanyang labi sa malambot na labi ni Finyx.
Kumirot ang puso ni Ella ng hindi tugunan ni Finyx ang kanyang halik.
Bahagyang lumayo si Ella at pilit pinipigalan ang pagbuhos ng kanyang luha.
"I'm sorry kung hindi ako makakapanood sa first concert mo. I promise babawi ako pagbalik ko." Sambit ni Finyx.
"Ayos lang, mukhang mas importante iyang business trip mo. Mag iingat ka doon, sige bababa na ako. Kailangan ko pang mag pahinga."
Binuksan na ni Ella ang pinto ng passenger seat at ng akma na siyang bababa ay hinawakan siya ni Finyx sa siko niya.
Napalingon si Ella sa lalaki. "Why?"
Hindi sumagot si Finyx hinila niya si Ella at siniil ng halik sa labi. Nang matapos ang mainit na halikan ng dalawa ay tuluyan ng bumaba si Ella.
Habang papasok si Ella sa malaking gate ay nanginginig ang mag kabilang tuhod niya para siyang matutumba. Pakiramdam niya maling hakbang niya lang ay mawawalan siya ng balanse.
"Magandang hapon, ma'am Ella." Bati ng bodyguard sa kanya ng makapasok.
"Magandang hapon mang Rodger." Balik na bati ni Ella.
"This is the last day and time you will see me, Finyx. Because when you come back, you won't see me again! At wala ka narin babalikan pa." Ani ni Ella sa isipan.
Sa loob ng kwarto ni Ella kausap niya sa cellphone ang isang private investigator.
"Natanggap mo ba sa email ang pangalan at larawan na pinasa ko sa'yo? Gusto kong malaman kung totoo ba ang hinala ko." Turan ni Ella.
[ Yes po ma'am Ella, ngayon din ay tutungo ako sa Paris para alamin ang totoo. ]
Wika sa kabilang linya. "Thank you Richard, ayokong makarating pa ito kay papa. Maasahan ba kita na hindi ito makakarating sa aking ama at kapatid?"
[ Makaka-asa po kayo ma'am Ella.]
"Alright, I'll just transfer the money to your bank account."
[ Thank you ma'am Ella.]
Ang kausap ni Ella ay ang isa sa mga tauhan at private investigator ng kanyang ama. Inutusan niya itong tumungo sa Paris upang malaman niya ang totoo at kung tama ba ang kanyang hinala.
Nag bukas si Ella ng whiskey at nag salin sa baso, agad niya itong nilagok.
Halos mangalahati ni Ella ang alak ng whiskey bahagya tuloy siyang nakaramdam ng hilo. Padabog ni Ella nilapag ang baso sa center table buti nalang at hindi nabasag ang table dahil gawa ito sa tempered glass.
Naglakad si Ella patungo sa malaking size ng kama niya at padapang bumagsak roon. "Hayup ka! Finyx! Manloloko ka! Minahal mo ba talaga ako? Or yung katawan ko lang. Tangina libog lang yata ang naramdaman mo sa akin eh! Dahil ba bata pa ako, kaya nagawa mo akong paikot-ikotin. Anong akala mo sa akin tanga! Hindi ako mag hahabol sa'yo Gago!" Pinagsusuntok ni Ella ang kama niya habang umiiyak.
"I hate you Finyx! Sinaktan mo ako, manloloko ka. Hindi kita mapapatawad. Walanghiya ka, pinag praktisan mo lang yata ako. Pagkatapos kong ibigay ang virginity ko sa'yo gagaguhin mo lang ako. Ipag papalit mo lang ako sa malanding Aimee na yun!"
Dahil sa pag-iyak ni Ella ay nakatulog ito.
8:30 ng gabi ay malakas na kinatok ni Girly ang pinto ng kwarto ni Ella. Oo nga pala walang silbi dahil sound proof ang loob ng kwarto ni Ella. Pinakuha nalang ni Girly ang susi ng kwarto ni Ella sa isa sa mga kasambahay nila Ella.
"Ay,,, ang loka-loka tulog na tulog." Anas ni Girly at nilapitan ang mahimbing na natutulog na sa Ella.
Napakunot ang noo ni Girly ng mapansin ang luhang nanuyo sa pisngi ng kaibigan. "May problema ba ang bruhang ito?"
"Hoy! Bakla gumising at bumangon kana riyan. Nakalimutan mo na, may concert ka mamayang alas diyes. Ayaw mo naman sigurong mapagalitan ni Orion at ni mamang Rosa."
"Hmmm! Ano ba, huwag ka ngang maingay natutulog pa ako. Give me five minutes, okay." Reklamo ni Ella at sabay tapik sa kamay ni Girly na nasa hita niya.
"Hoy! Babaita, mag aalas nuwebe na anong petsa ka tatayo riyan. Naku, sabihin mo lang kung ayaw mong ituloy ang concert mo ngayon. Pwede naman i-reschedule. Anong tawagan ko na ba si Fafa Orion. Ihanda mo lang iyang tainga mo sa sermon ng masungit na gwapong iyon."
Biglang napabangon si Ella sabog ang mahabang buhok nito, nag kakamot pa ito sa ulo n'ya.
"Ito na nga maliligo na, sumbongera!"
Padabog na tumayo si Ella at nag martsa patungo sa banyo.
"Tindi rin ng babaeng iyon, halatang uminom pa amoy alak ang hininga." Saad ni Girly.
Habang nag-aayos ng mukha si Ella ay napatitig sa kanya si Girly. Mula sa reflection ng salamin ay matamang pinagmasdan ni Girly ang kaibigan.
"Namumugto iyang mga mata mo, ayos ka lang ba Ella? Kung hindi mo kaya at masama ang pakiramdam mo ay pwede naman i-reschedule ang concert mo. Pwede kong tawagan si Orion or si mamang Rosa."
"No! This is my first concert. I want to avoid disappointing the fans who are waiting for me at Araneta. And besides, I would rather not disappoint Orion and mamang Rosa. Mataas ang expectation nila sa akin, ayoko silang mapahiya ng dahil sa'kin."
"Cheer up! Besh! Kung anuman ang problema at iniisip mo iwan mo muna ngayon dito sa kwarto mo. Siguro naman kaya mong itawid ng maayos ang concert mo ngayong gabi kahit may amats ka." Nakataas na kilay na sabi ni Girly.
"Syempre naman, ako pa ba?" Kumpyansang turan ni Ella.
Dahil gustong manood ni Mr David sa concert ng anak ay sumabay na ito paalis ng mansion kasama ang panganay na anak na si Angelecca.
Sa backstage ay naghihintay ang make-up artist na mag aayos at mag bibihis kay Ella. Ang ama at kapatid niya ay sinamahan ni Girly sa VIP seating, kung saan ang pinakamalapit na upuan, upang malapit nilang mapanood si Ella.
Kapansin-pansin ang pamumugto ng mga mata ni Ella kaya hindi maiwasan mapansin ito ni Orion. Nang matapos ayusan at bihisan si Ella ay nilapitan ito ni Orion at hinila sa medyo madilim na parte ng silid.
Marahang siyang sinandal ng lalaki sa dingding. Bahagyang tumungo si Orion, si Ella naman ay tumingala.
"Namumugto ang mga mata mo. Did you cry?" Malumanay na tanong ni Orion.
"Mahalaga pa ba sa'yo na malaman, kung umiyak ako?" Napapikit si Orion ng malanghap ang mainit na hininga ni Ella. Kahit nag toothbrush na si Ella ay hindi parin nawala ang matapang ng amoy ng whisy na ininom ni Ella.
"Are you drunk?" Parang bulong nalang ang sinabing iyong ni Orion.
"Tsk! Mahalaga pa bang malaman mo na kung naka-inom ako." Inis na saad ni Ella.
"Yes! I'm your manager. Mahalaga sa akin ang nararamdaman mo!"
Natameme si Ella dahil sa salitang narinig mula kay Orion. Matagal nag katitigan ang dalawa, bago unang umiwas si Ella. Hindi niya talaga kayang salubungin ang mga titig ng kanyang manager. Masyado itong intimidating kung tumitig, nahihiya tuloy ang maldita niyang kaluluwa.
"Ahem! Ten minutes nalang mag uumpisa na ang concert mo Ella. Get ready Ella." Wika ng isang event organizer na babae.
"Good luck!" Bulong ni Orion sa tainga ni Ella. Natuod si Ella nang bigla siyang halikan ni Orion sa kanyang pisngi. Pero Hindi sa pisngi tumama ang labi ni Orion kundi sa gilid ng labi niya.
Ilang beses napakurap-kurap si Ella dahil sa pangyayaring iyon, wala na rin sa kanyang harapan si Orion.
Napahawak si Ella sa parteng kung saan dumampi ang malambot na labi ni Orion.
"Hoy! Ano yun? Bakit may pahalik? Naku kung naririto si Fafa Finyx. Tiyak na jumbag aabutin ng romantikong manager mo na iyon." Litaniya ni Girly.
Biglang natauahan si Ella ng marinig ang boses ni Girly, lalo ng bigkasin nito ang pangalan ni Finyx.
Napalinga-linga si Ella sa paligid baka mamaya ay may mga tauhan si Finyx na naririto at binababantayan siya. Pero bakit ba siya nag aalala? Iiwan din naman siya ng lalaking iyon.
Sumama bigla ang mukha ni Ella at inayos ang maiksing leather short na suot niya.
"Bakit biglang sumama ang iyan mukha mo? Hindi mo ba nagustuhan ang matamis na halik ni manager." Panunukso ni Girly sa kanya.
"Tsk! Tumigil ka bakla ha, badtrip ako. Baka mandilim paningin ko at gawin kong kwek-kwek iyang walang silbi mong itlog." Saad ni Ella.
"Aba, ang sungit. Hinalikan ka na nga nag susungit ka pa."
"Iwan ko sayo bakla, diyan kana nga."
Pagtungtong ni Ella sa malawak na stage ay dumagundong ang malakas na sigaw ng mga fans niya sa loob ng araneta. Karamihan sa mga fans niya ang mga dalang banner at nakalagay ang pangalan niya roon.
"Whoooo! Ella! I love you!" Sigaw ng grupo ng mga teenagers na mga babae.
Naagagaw ng kanyang pansin ang isang dalagitang may taglay na kulay asul na mga mata. Dahil nasaunahan ang mga ito malapit sa VIP seat ay rinig-rinig niya ang mga sigaw at pinag-uusapan ng mga ito.
"Totoo ba ang sinabi mo kanina na Girlfriend ng tito Finyx mo iyang si Ella White?" Wika ng isang dalagita.
"Oo nga, hindi ko pa siya na-memeet in person pero sabi ni daddy ay naisama na raw siya ni tito Finyx sa mansion ng lolo ko." Wika ng dalagitang may kulay asul na mga mata.
"Weeeh? Really huh, baka nag i-imagine ka lang diyan, Franzia."
"Totoo nga, mukha ba akong nag sisinungaling?" Nakangusong wika ng dalagita. Nang muling mapatingin sa gawi niya ang mga dalagita ay kinawayan niya ang mga ito. Para naman hindi mapahiya ang pobreng dalagita sa mga kasama nito.
Nag tatalon sa tuwa ang mga ito lalo na yung may kulay asul na mata na katulad ng kay Finyx.
Parang kinikilig ang mga ito ng nag Flying kiss pa siya.
"Hello Araneta!" Sigaw ni Ella sa microphone na hawak niya kaya nag sigawan na naman ang taong naroon.
"Sana magustuhan niyo ang kantang aking aawitin. Para ito sainyong lahat. I love all my pretty fans!" Muling sigaw ni Ella.
Nag umpisang tumugtog ang piano at gitara, sabayan ng marahang pagambol ng drummer.
'You're the light, you're the night
You're the color of my blood
You're the cure, you're the pain
You're the only thing I wanna touch
Never knew that it could mean so much, so much.'
Lyrics na kinakanta ni Ella. Lalong umingay ang loob ng Araneta nag tatalon pa ang iba. Ang mga lalaking nanonood ay nag sisigaw kahit hindi naririnig ni Ella ang mga sinasabi nila ay panay sigaw ng 'I Love You Ella, Mahalin mo ako Please!'
'You're the fear, I don't care
'Cause I've never been so high
Follow me through the dark
Let me take you past our satellites
You can see the world you brought to life, to life '
Habang kumakanta si Ella ay biglang sumagi sa kanyang isipan si Finyx. Muntikan na siyang mawalan sa tono buti nalang at walang nakapansin.
'So love me like you do, lo-lo-love me like you do
Love me like you do, lo-lo-love me like you do
Touch me like you do, to-to-touch me like you do
What are you waiting for?
'Fading in, fading out
On the edge of paradise
Every inch of your skin is a holy grail I've got to find
Only you can set my heart on fire, on fire
Yeah, I'll let you set the pace
'Cause I'm not thinking straight
My head's spinning around I can't see clear no more
What are you waiting for?
Biglang tumalikod si Ella upang pasimpleng punasan ng palad ang luhang tumulo sa kanyang pisngi. Hindi mawala sa kanyang isipan si Finyx, kahit siya bumaling ay nakikita niya ang mukha ng lalaki. Sa gilid ng stage ay naroon si Orion nakatayo katabi si Icarus at mamang Rosa.
Nag thumbs up si Orion at matamis siyang nginitian. Biglang uminit ang pisngi ni Ella ng maalala ang paghalik Orion kanina sa gilid ng labi niya. Muli siyang humarap sa mga tao at ngumiti. Pumikit si Ella at dinama ang bawat pagkanta niya.
'I'll let you set the pace
'Cause I'm not thinking straight
My head's spinning around I can't see clear no more
What are you waiting for?'
Sinabayan ng kaunting sayaw ni Ella ang kanyang pagkanta kaya pati mga nanonood sa kanya ay sinasabayan na rin siyang kumanta.
'Love me like you do, lo-lo-love me like you do (like you do)
Love me like you do, lo-lo-love me like you do (yeah)
Touch me like you do, to-to-touch me like you do
What are you waiting for?'
Alas dose na ng hating-gabi ng matapos ang concert ni Ella. Pagod na pagod siya at feeling niya ay mapapaos siya kinabukasan. Nakawalang kanta siya kaya bugbog ang lalamunan niya.
"Haist good luck sa boses ko bukas." Bulong niya habang nag papahinga sa isang silya.
Nakayuko siya ng biglang may mag abot sa kanyang harapan ng bouquet of red roses.
Nag angat siya ng ulo, napangiti siya ng si Felix Sandoval ang nasa harapan niya. Namiss niya ang kaibigan niyang ito, mahigpit isang buwan na hindi niya ito nakaka-usap dahil busy rin ito sa bandang sinalihan nito. At isa pa ay iniwasan niya din kasi ito dahil kay Finyx.
"Felix..."
"Hi, grabe hindi ko lubos akalain na ganoon ka pala kagaling umawit. Sobrang ganda ng boses mo Ella." Pagpupuri sa sa kanya ni Felix.
"Hindi ka na galit sa'kin?" Tanong ni Ella rito.
Umiling ito at ngumiti. "No, hindi ko naman kayang magalit ng matagal sa babaeng naging parte na ng buhay ko. Totoo na ito, naka move on na ako sa'yo Ella, kahit hindi naging tayo." Bigkas nito at marahang humalakhak.
"Sira 'to. Salamat sa bulaklak ha." Napansin ni Ella na parang may hinahanap si Felix.
"He's not here. May business trip siya ngayon." Wika ni Ella.
"Wow! That's great. Mas mahalaga pa pala sa kanya ang business trip kaysa sa girlfriend n'ya. Dapat nga ay naririto siya para suportahan ka." Ani ni Felix.
"Sus! Ayos lang kahit wala siya, hindi naman big deal sa akin. Nakaraos naman ang concert ko kahit wala siya." Turan ni Ella.
"Ella, sasabay ka ba sa'min ni papa, pauwi ng mansion?" Boses ng kanyang ate Ecca.
"Mauna na kayo ate, doon muna ako sa condo ko tutuloy kasama ko naman si Girly. May pag-uusapan pa kasi kami nila Orion at mamang Rosa."
"O siya sige, tumawag ka sa'kin kapag nasa condo kana, baka kaligtaan mo na naman." Wika ng ate niya.
"Hi ate Ecca!" Nakangising bati ni Felix kay Angelecca.
Hindi siya pinansin ni Angelecca at inirapan lang siya nito bago tumalikod.
"Galit ba ang ate mo sa akin? Bakit inirapan niya ako?" Tanong ni Felix kay Ella. "Wag ka kasing felling close. At saka pag pasensinyahan mo na si ate Ecca, naglilihi kasi kaya masungit."
"Naglilihi? Buntis siya? Sino ang nakabuntis sa kanya?" Usyoso ni Felix.
"Oh, huwag tsimoso. Kalalaking tao mo tsismoso ka." Sabay hampas ni Ella ng bulaklak kay Felix.
"Oy! Huwag mo naman ihampas iyang bulaklak. Mahal kaya ng bili ko niyan, 5k." Saad ni Felix.
"5k to?"
"Oo, anong akala mo sa akin cheap? Bibigyan ka ng mumurahin. Alam mo namang mahalaga ka sa akin." Banat ni Felix.
"Sus! Sana kasi may ugat na rosas nalang binigay mo sa akin, para maitanim ko sa garden namin."
Nang dumating si Orion ay nagpaalam na si Felix na aalis. Kalahating oras din ang inabot ng pag-uusap nila Orion at mamang Rosa kasama si Icarus.
Dahil wala ng masasakyan sila Ella ay si Orion na ang nag alok na ihatid sila.
"Salamat sa paghatid Orion." Nasa tapat sila ng pinto ng unit ni Ella. Si Girly ay nauna ng pumasok dahil inaantok na raw ito.
"My pleasure, Ella." Ani ni Orion.
"Hindi ka muna ba papasok sa loob para makapag kape manlang." Alok ni Ella.
"Maybe next time, gabi narin kasi medyo malayo pa ang uuwian ko."
"Sige, salamat ulit, ingat sa pagmamaneho."
"I will, Sige matulog kana Ella. I know you're tired."
Pumasok na si Ella sa pinto ng maisara niya na ito sumalubong sa kanya ang katahimikan sa loob ng condo. Gusto niya sanang uminom pero wala naman siyang kasama, hindi naman pwedeng gisingin niya si Girly alam niyang pagod rin ito.
Muli niyang binuksan ang pinto ng unit niya at sinilip kung naroon pa ba si Orion. Buti nalang ay nasa hallway pa ito nag lalakad.
"Manager!" Pasigaw na tawag ni Ella sa lalaki. Agad naman lumingon si Orion.
"Yes Ella?"
"Pwede mo ba akong samahan uminom? Dito ka na lang din matulog." Wika ni Ella.
Kumunot ang noo ni Orion, pero pumayag rin ito.
"Okay." Sang-ayon ni Orion.
Alas-tres ng madaling araw ay gising pa si Ella at Orion. Si Ella ay lasing na kung ano-ano na ang pinag sasabi nito. Si Orion naman ay kontrolado ang pag inom nito ng alak.
"Manloloko! Sinungaling! Paasa!" Sigaw ni Ella sabay lagok ng alak sa baso.
"Teka lang manager, kukunin ko lang sa kwarto ko ang laptop ko." Paalam ni Ella.
Nang makaalis na si Ella ay agad tumayo si Orion mula sa pagkaka-upo mula sa bar stool chair. Kinuha niya ang dalawang bote ng whiskey na iniinom ni Ella. Mabilis siyang nagtungo sa kusina dala ang alak at tinapon ang kalahati ng laman nito.
Agad siyang bumalik sa mini counter bar kung saan sila umiinom ni Ella.
Binalik niya sa dating puwesto ang dalawang bote na halos maubos ang laman.
Bumalik si Ella dala ang laptop niya. Naupo siya sa bar stool chair nakatabi lang ni Orion. Nag open siya ng sss niya. Saktong may email si Richard sakanya kaya agad niya itong tiningnan. Isang oras palang ang nakakalipas ng i-send ang mensahe may kasama pa itong limang mga larawan.
Dahil mag katabi ang dalawa ay hindi sinasadyang makita ni Orion ang mga larawan.
Sa unang kuha ng larawan ay mag kayakap si Finyx at Aimee, sa labas ng terrace ng isang magandang bahay. Sa pangalawa ay yung hinalikan ni Finyx sa labi si Aimee, at sa ipangalong larawan ay yung paghalik ni Finyx sa flat na tiyan ni Aimee. Hindi na inabalang tingnan pa ni Ella ang dalawang larawan sapat na ang kanyang nakita, niloko siya ni Finyx. Niloko siya ng lalaking minahal niya at pinagkatiwalaan...
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni Ella ngayon. Galit at sakit!
Pakiramdam niya ay mababaliw siya ng wala sa oras. Masakit pala sampalin ng katotohanan na niloko at ginamit lang siya ni Finyx.
Ano nga ba aasahan niya, simula't sapul ay yun naman talaga ang plano nila ni Finyx. Ang mag panggap bilang mag boyfriend at girlfriend. Para bumalik si Aimee sa piling ni Finyx. Sa kanilang dalawa ni Finyx, siya lang ang umasa. Bakit nga ba hinayaan niyang mahulog ang sarili kay Finyx Montenegro. Una palang ay si Aimee talaga ang mahal ni Finyx at hindi siya. Ano nga ba mapapapala sa kanya ni Finyx, isa lang siyang bata sa paningin ng lalaki na kayang paikot-ikotin. At siya namang tanga, sumabay sa pag-ikot na iyon hanggang sa mahilo siya at mahulog sa patibong ng lalaking minahal niya.
Nanginginig ang mga kamay ni Ella ng hawakan ang laptop at walang ano-ano ay malakas niya itong ibinagsak sa sahig. Nag kahiwalay- hiwalay ang bawat piraso ng laptop.
"Aaaaaaaah!" Sigaw ni Ella.
Agad siyang niyakap ni Orion mula sa likuran niya. "Tama na Ella." Awat ng lalaki.
"Hindi! Bitawan mo ako Orion!" Nagpupumiglas si Ella.
Nang makawala siya mula sa pagkakayapos ni Orion ay sunod niya binasag ay yung mga bote ng alak na walang laman.
Hinablot niya ang isang pang bote ibabato na sana niya ito pero napansin niyang may laman pa ito.
"Teka, may laman pa ito sayang naman." Wika ni Ella at tinungga ang natitirang laman. Buti nalang at naitapon ni Orion ang ibang nito.
Nang maubos ni Ella ay binato n'ya ang bote nag kapera-peraso ito.
"Ella, enough!" Awat ni Orion.
"Huwag mo akong pakialaman Orion, nasasaktan ako ngayon. Finyx...! Mahal na mahal ko si Finyx!" Nag wawala na si Ella kahit matangkad at malaki ang katawan ni Orion ay hindi niya magawang yakapin si Ella dahil nag pupumiglas ito.
Dahil hindi makawala si Ella mula sa bisig ni Finyx ay sinikmuraan niya si Orion, kaya hayon ay nabitawan siya.
Tumakbo si Ella sa kusina at lahat ng plato at baso ay pinaghahagis niya sa sahig. Ang lahat ng pwedeng basahin ay hindi nakaligtas sa paningin ni Ella.
Mabilis na sinundan ni Orion si Ella sa kitchen kung nasaan ito ngayon. Naalarma si Orion ng makita ang hawak ni Ella, isang kitchen knife.
"Hey, Ella. Just calm down. Put the knife down." Mahinahon na wika ni Orion.
"No, mas gusto ko nalang mamatay! Niloko ako ni Finyx at hindi ko iyon matanggap!" Umiiling na saad ni Ella walang tigili ang pagbuhos ng luha nito.
"Ella, suicide is not the answer to your problem! Honey please. Put the knife down, slowly." Nagmamakaawang bigkas ni Orion.
"Ano bang nangyayari dito ba't ang ingay. Bakit ang daming basag ng bote--" Hindi na natapos ni Girly ang sasabihin ng makita niya si Ella na may hawak na kitchen knife.
"Oh my god! Besh bitawan mo ang hawak mong kutsilyo. Bakit ka ba nag kakaganyan ano bang problema mo? Nandito ako bestfriend tayo diba. Pwede mo sa akin sabihin ang problema mo. Anong silbi ko kung hindi kita matulungan sa problema mo." Natatarantang turan ni Girly.
Nag dial si Girly sa kanyang cellphone. "What are you doing?" Matalim na tiningnan ni Ella si Girly.
"Ano pa ba, tatawagan ko si ma'am Ecca." Sagot ni Girly.
"Sige, subukan mo! Itutuloy ko to." Anang ni Ella at tinapat ang talim ng kutsilyo sa palapulsuhan niya.
"Sapalagay mo ba Ella kapag may nangyari sayong masama, hindi maaapektuhan ang ate mo. Ang tatay mo hindi mo ba naisip kung anong mararamdaman niya. Isipin mo naman ang pamilya mo at ng mga taong nagmamahal sa'yo. s**t! Ella ano bang nangyayari sa'yo sa sobrang tapang mo, kikitilin mo ang sarili mong buhay!" Bulyaw ni Girly.
Nang mawala ang atensiyon ni Ella kay Orion, ay mabilis na nilapitan ni Orion si Ella at malakas na tinapik ang hawak nitong kitchen knife. Nahulog ito kaya sinipa ni Orion ang bagay na iyon papalayo. Agad naman dinampot ito ni Girly at pati ang ibang knife na naroon sa ibabaw ng sink ng lababo ay kinuha n'ya.
"Bitawan mo ako Orion! Ano ba!" Sigaw ni Ella.
"Enough, Ella!" Mariing wika ni Orion at mahigpit na niyakap si Ella. Pero sadyang malakas ang babae at muling nakawala sa bisig ni Orion.
Maagap naman siyang nayapos ni Orion mula sa likuran niya.
"Bitawan mo ako Orion, gusto ko nalang mamatay! Wala ng saysay ang buhay ko para mabuhay, niloko ako ni Finyx!" Umiiyak na sigaw ni Ella.
Pinaharap ni Orion si Ella sa kanya at mahigpit na hinawakan sa mag kabilang braso.
"Ella. Tama na! Hindi mo siya kawalan!" Malakas na sigaw ni Orion ang nangingibabaw sa loob ng condo.
Natahimik si Ella at bahagyang kumalma sa kanyang pag huhurumentado. Pero patuloy parin ang pag-agos ng masaganang luha nito.
"I'm here Ella, we're here for you! Hindi na ba mahalaga sayo ang pamilya mo? We need you!" Marahang usal ni Orion.
Nanghina ang tuhod ni Ella bigla siyang lumapiga sa malamig na sahig. Lumuhod si Orion upang mag pantay sila ni Ella.
"Orion, akala ko kaya ko, dahil matapang ako pero,,,, hindi ko pala takaga kaya. Ang sakit, sakit Orion! Hindi ko alam kung paano malalampasan ang sakit na nararamdaman ko. Mahal na mahal ko siya. Hindi ko alam kung paano ko siya kakalimutan. Saan ako mag-uumpisa?" Humahagulgol na saad ni Ella.
"Umpisahan mo sa sarili mo. Mahalin mo muna ang sarili mo, bago ang iba. Iiyak mo lang Ella, hangga't nasasaktan ka iiyak mo lang. Kung iyan ang nagpapagaan ng kalooban mo. I am here, ready to sympathize with you, and I'm willing to wipe your tears." Aniya ni Orion.
Dahil sa pag-iyak ni Ella ay nakatulog na ito sa bisig ni Orion.
Binuhat ni Orion si Ella patungo sa silid nito at pinahiga sa kama.
Si Girly ang naglinis ng lahat ng binasag ni Ella. Samantalang si Orion ang nagpunas ng braso ni Ella at pati hita at binti ni Ella ay pinunasan niya para maging komportable ang tulog nito.
"Finyx! Bakit mo ginawa sa akin to, minahal kita sa maiksing panahon. Pero anong ginawa mo niloko mo ako at sinaktan." Umiiyak na sambit ni Ella habang nakapikit ang mga mata.
Napatigil si Orion sa pagpupunas ng noo ni Ella. Pinunasan niya gamit ng hinlalaki n'ya ang luhang tumulo sa pisngi ni Ella.
"Shhhh... It's okay to cry
Ella." Usal ni Orion pinatakan niya ng halik sa noo si Ella at kinumutan bago hinayon ang pinto at lumabas ng silid.
~~~~••
To be continued..