"Sino iyon?" Bigla nalang sumulpot si Girly sa likuran ni Ella. "Si Finyx." Tipid na turan ni Ella. "Si Finyx? Paano niya nalaman na naririto ka? Kung sabagay hindi kataka-taka dahil mayaman at marami siyang koneksyon. Hindi ko ma-imagine ang mukha niya ngayon. Nakita ka niya sa ganyang kasuutan, baka inisip nun ay may nangyari sa pagitan niyo ni Orion. Damit ni Fafa Orion ang suot mo, siguro kung kayo pa. Baka nagpupunas na ngayon iyon ng dulo ng shotgun at handa ng patayin si Fafa Orion, dahil sa selos." Litaniya ni Ella. "Pero tiyak ngayon na, opisyal na wala ng kami." Parang may kumurot sa puso ni Ella. "At isa pa bakit naman siya mag seselos? May Aimee na siya, hayaan mo siya mag-isip ng masama tungkol sa'kin. Siguro yung pag-iyak niya kanina, hindi dahil nasaktan siya, kundi sob

