Tumayo si Ella at mabilis tinungo ang pinto ng kwarto at patakbong lumabas doon. "Ella saan ka pupunta?!" Sigaw ni Girly at nag madali rin lumabas ng kwarto at sinundan si Ella. "Pupunta ako ng laguna. Kailangan ako ni Finyx." Umiiyak na saad ni Ella. Sakto naman bumukas ang pinto ng silid ng ama ni Ella. "Ella, where are you going?" Hindi pinansin ni Ella ang tanong ng kanyang ama, at tuloy-tuloy lang sa paglalakad. "Ella!" Muling tawag ni David sa anak. "Sa laguna po ang punta namin. Si Finyx, na aksidente po." Si Girly ang sumagot. Mag sasalita pa sana si David ngunit umalis na rin si Girly. Nang makalabas si Ella sa mansion ay bigla siyang natigilan sa paghakbang at napahawak sa kanyang tiyan. Sobrang sakit nito na parang pinipiga sa loob. "s**t! Arghh!" Napadaing si Ella d

