"Ate halika nga rito." Sabay hila ni Ella sa nakakatandang kapatid.
Dinala niya si Ecca sa isang sulok ng parti ng opisina.
"Ate, alam ko broken at nasasaktan ka pa rin kay kuya Ellieoth. Pero, my gosh! hindi mo kailangan mag boyfriend ng mas matanda sa'yo e, parang tatay na natin yan. Ganun ka na ba kadispirada makalimutan si kuya Ellieoth."
Napangiwi si Ecca at malakas kinaltukan ang baliw na bunsong kapatid nito.
"Timang! Ano pinag sasabi mo." Bigkas ng ate niya.
"Ate Ecca masakit ha." Pasimpleng kinamot ni Ella ang ulo niya kung saan siya binatukan.
"Sumeryoso si Ecca at deretsong tumingin kay Ella.
"Ella, siya ang tatay natin."
"Halos bumagsak ang panga ni Ella dahil sa pagkaka-nga-nga.
Palipat-lipat ang tingin ni Ella sa ate niya at sa gino'ong ngayon nakatingin sa kanya. Hindi alam ng lalaki kung ngingiti ba siya nag aalangan siyang lapitan si Ella.
"Ah, Ate hindi ba ito joke? Paano naman natin naging tatay ang katulad niyang mayaman. At isa pa kung siya ang tunay nating ama, bakit niya tayo pinabayaan. Bakit hinayaan niyang mamatay si nanay. Bakit ngayon lang siya nag pakita sa'tin? Kung kailan wala na si nanay." Mababakasan ng hinanakit sa boses ni Ella.
"Ella, anak patawarin mo ako. Ilang beses ako pabalik-balik sa bahay n'yo at inalok ng tulong si Anghella pero tinanggihan niya lang ang tulong ko. Nagalit sa'kin ang inyong ina pinag tabuyan niya ako." Paliwanag ng ama.
"Dapat lang na pagtabuyan ka n'ya dahil wala kang kwentang ama! Marami kang pera diba, kung gusto mong tumulong kahit hindi alam ni nanay ay tutulong ka. Ang sabihin mo naduwag kang harapin ang tinalikuran mo noon. Pinabayaan mo kami kaya si nanay sinubsob ang sarili sa pagtatrabaho matustusan lang ang pangangailangan namin ni ate Ecca. At dahil doon nagkasakit at nawala sa amin si nanay! I hate you!" Sigaw ni Ella at mabilis na tumalikod.
"Ella! Pakinggan mo naman ang paliwanag niya." Wika ng kanyang ate Ecca.
"Para saan pa ate Ecca? Wala na rin naman si nanay. Bakit ba kasi nag pakita at bumalik pa yan. Ano natatakot siyang mamatay ng mag-isa kaya ngayon bumabalik siya." Sarkasmong saad ni Ella.
"Ella! Watch your mouth! Respect him he is still our father!" Matigas na turan ng kanyang ate Ecca.
Hindi na umimik si Ella ayaw niyang silang dalawa ng kanyang ate ang magtalo.
Lumabas si Ella ng opisinang iyon sinundan naman siya agad ng kaibigan na si Girly.
"Ella,"
Tawag ng kanyang kaibigan.
"Hoy! Anong drama yan girl? At talagang may pa-walkout ka ha." Saad ni Girly ng maabutan si Ella.
Humahangos na humarap si Ella kay Girly umiiyak ito basang-basa ang pisngi nito.
"Hindi mo ako naiintindihan baks. Sobrang nasaktan ako ng mawala si nanay sa'min ni Ate Ecca. Hindi namin siya napagamot noon dahil kapos kami sa pera. Then now, malalaman ko mayaman at buhay pa pala ang tatay namin. Ang sakit lang kasi e, marami siyang pera pero hindi niya natulungan si nanay. Siguro buhay pa sana si nanay ngayon kung hinanap niya kami."
Niyakap nalang ni Girly ang tumatangis na kaibigan. "So what is your plan?" Aniya ni Girly bahagyang hinahaplos ang likod ni Ella.
"Kakain, nagugutom ako. Hindi pa ako nakakapag almusal mula pa kaninang umaga. Gusto ko din mag pakalasing ngayong araw. Sasamahan mo ba ako?"
"Oo naman, kung saan ka, doon ako. Anong silbi at naging mag bff tayo. Let's go kain muna tayo. Then after that punta tayo sa club mag inom ka hanggang sa maluto iyang atay mo. Pero promise me Ella. Bukas na bukas kakausapin mo ang tatay mo. Hindi mo siya pwedeng iwasan nalang tatay mo parin siya Ella. Nakaka-pangit kapag nag tatanim ng samang ng loob. Maswerte ka dahil kahit nawala si nanay Anghella, may tatay na dumating sa buhay niyo na makakasama niyo ng matagal. Diba noon mo pa pangarap na makilala ang tatay mo. Ngayon nasa harapan mo siya pinag tatabuyan mo naman. Mangako ka sa'kin na kakausapin mo siya."
Ella simply smiled and nodded.
"Fine."
At yun nga ay kumain ang mag kaibigan sa isang fast food chain.
~~~~
Nagmamadaling tinungo ni Finyx ang 'Montenegro Shipping Transportation Company' na pag mamay-ari ng mga magulang ni Finyx siya na ang namamalakad nito dahil sa kanya ipinagkatiwala ng kanyang ama ang kompanya.
'Montenegro Shipping Transportation Company' ang isa sa pinaka may malaking transportation dito sa bansa at hindi lang iyon pati narin sa buong Asia.
Malaki ang problemang kinahaharap ngayon ng kompanya nila dahil na ambush ang ship na nag lalaman ng 20,000 container ship. Ang laman ng bawat container ship ay nag lalaman ng prudukto na bakal. Na plano sana e-export sa bansang Thailand.
Madilim ang awra ng mukha ni Finyx habang nag lalakad sa mahabang pasilyo patungo sa conference room kung saan nag hihintay ang ilang investors at mga kasosyo ng kanilang kompanya. Naroon din ang mga board members.
Nakasunod lang ang butler ni Finyx sa kaniyang likuran at iba pa niyang mga tauhan.
"Mr Montenegro." Salubong sa kanya ng secretary na lalaki.
"Get out of my way!"
Malakas na tinulak ni Finyx ang pinto ng conference room kaya naman nagulat ang ibang taong naroon.
Nakakamatay na tingin ang pinukol ni Finyx sa bawat taong naroon.
Napayoko ang lahat ang ilan ay Nanginginig sa takot. Kilala nila si Finyx kapag nagalit masahol pa ito kay satanas.
Umayos ang pag kaka-upo ang ilang may edad na. Ang iba ay agad napatayo ganoon din ang mga empleyado at sabay-sabay yumoko upang mag bigay galang kay Finyx .
"Now, explain to me why did this happened. This is the first time this has happened in our shipment!" Umalingangaw ang malakas na sigaw ni Finyx sa loob ng conference room.
Halos mapatalon sa gulat ang mga babaeng naroon.
Nahuli ni Finyx ang isang lalaking naka-ngisi. Relax lang itong naka-upo sa swivel chair.
Bigla siyang nairita sa lalaki pero mamaya niya na ito pipinitinsyahan.
Bumaling siya sa isa pang lalaking nakayoko.
"You! " Turo niya sa lalaki. " Diba ikaw nag asikaso ng mga kalakal na ipadala natin sa Thailand?" He said softly but with emphasis on his words.
"Y-yes p-po s-sir. P-pero s-sinugurado ko po na maayos ang kalakal na makakarating sa Thailand. Ni-double check ko rin ang loob ng ship bago ito umalis. W-wala po akong nakita o napansin na kahina-hinala sa loob. Binilang ko rin ang mga tauhan at empleyado na naroon." Kinakabahan na paliwanag ng lalaki.
Mariing napapikit si Finyx at ikinuyom ang dalawang kamao.
"Dapat kasi binantayan mo ang shipment. Tingnan mo ang nangyari nagka-problema pa tuloy tayo. Ikaw ang pinag katiwalaan ng ama mo sa kompanyang ito kaya sana ayusin mo ang pamamalakad ng negosyo natin. Malaki ang ni-invest ko sa kompanyang ito hindi ako nag labas ng malaking halaga ng pera para lang mapunta sa wala! Puro kasi pag no-nobya ang inaatupag at ginagawa mo kaya hindi mo napagtutuunan ng pansin ang negosyo. Kapag hindi ito na ayos ang problemang ito. I would not hesitate to withdraw my investment in your company!" Sigaw din ng isang matanda.
Tumiim ang bagang ni Finyx dahil sa tinuran ng lalaki.
"Hey! Nakalimutan mo na ba kung sino kausap mo!" Saway ng isang ginang kay Mr Velga.
"Do it! Mr Velga. What do you think? Naikababagsak ng kompanya ang pagbawi mo ng lahat ng shares mo. Wala ka pa dito matagal ng matatag ang 'Montenegro Shipping Transportation Company' malaki na ang perang pumasok sa kompanyang ito. So don't brag to me about the money you put into this company. 500 Million? Barya lang yan sa akin!" Nakamamatay na tingin ang binato niya sa lalaking may edad.
"Bakit ba ang yabang mo mag salita malaking pera ang nawala sa kompanya dahil sa kapabayaan mo! Ngayon nanganganib pa negosyo, paano kung umatras ang iba pang investors na mula pa sa Amerika at Japan. Pati ang perang pinamuhunan namin dito sa kompanya ay nalagay sa alanganin!" Segunda pa ni Mr Seron.
Nagdilim ang paningin ni Finyx kaya hinugot niya mula sa kanyang likuran ang baril na nakasuksok sa slacks pants niya.
Malakas niyang nilapag sa black wooden table ang baril.
"I don't care about the f-cking money!" Sigaw ni Finyx.
Ilang beses napalunok ng laway si Mr Seron at Velga.
Katahimikan ang namayani sa loob wala ni isa ang gusto mag salita pa.
"Ang magsalita tataniman ko ng tingga sa ulo!" Babala ni Finyx sa mga tao roon.
"Buti pa ang mga pera niyo, inaalala n'yo. Yung mga tauhan at empleyado natin sa ship na naroroon hindi niyo manlang naisip? Do you know what happened to them? They are all dead, because of the f-cking ambush! One thousand people died inside the ship!"
Napayoko ang iilan sa mga taong naroon maliban kay Velga at Seron at sa isang lalaking naka-ngisi sa dulo ng wooden table.
"Ngayon, kaya ba tapatan ng mga pera niyo ang mga buhay ng mga empleyado? May mga pamilya silang nag hihintay sa pagbabalik nila. Karamihan sa kanila ay may mga asawa at mga anak na na-ulila. You are all too selfish. You all did not think about the lives of the people who died inside the ship. You all only care about money. Ang pera mabilis kitain, kaya kong ibalik sainyo ang lahat ng perang in-invest n'yo sa kompanyang ito. Pero ang buhay ng mga taong namatay,, hindi na natin sila maibabalik pa. Paano natin ito ipapaliwanag sa mga pamilya nilang na ulila."
Finyx is very frustrated now. His father still does not know what happened to the ship. He didn't know how to tell his father.
"Hindi ito mangyayari kung walang daga na pagala-gala sa loob ng kompanyang mo." Baritonong tinig ng isang lalaki. Kakapasok lang nito sa pinto ng conference room.
Lahat ng tao ay napalingon roon. Seryosong mukha ang sumalubong sa kanila.
This is Lance Blake Santimayor. One of the largest shares in 'Montenegro Shipping Transportation Company' Hindi lang ito investor, kasosyo din ito ng mga magulang ni Finyx sa iba pang business nila. Isa pa matalik na kaibigan ng kanyang mommy at daddy ang mga magulang ni Lance.
Mas bata lang ito ng apat na taon kay Finyx.
"Mr. Santimayor may gusto ka bang ipahiwatig? Ibig mo bang sabihin na may traydor sa loob ng kompanya na ito?" Wika ni Mrs. Dela Fiña.
"Isn't it obvious? Ilang taon na nga ba kasosyo ng mga magulang ko ang kompanyang ito. Ngayon lang nag karoon ng problema pagdating sa shipment. At hindi lang iyon marami ang namatay na trabahante sa loob ng ship. Ninakaw rin ang lahat ng kalakal na sana i-export patungo sa Thailand. Hindi simpleng ambush ang nangyari pinag planuhan ito ng maigi at walang ibang gagawa nito kundi ang kalaban natin sa negosyo. May gustong mag pabagsak sa mga Montenegro. And I won't let that happen!" Seryosong wika ni Lance.
Malakas na binagsak ni Lance ang limang itim na folder sa wooden table.
"You need to clean up this company." Saad ni Lance.
Kinuha ni Finyx ang unang folder at binuklat ito.
Sa files ay nakalagay roon ang pangalan ni Mr Velga. Sumunod na files ay ang pangalan ni Mr Seron. Sa ipangatlo na files ay ang pangalan ni Mr. Del Fonso yung lalaking nakangisi kanina. Matagal na siyang nag hihinala dito sa lalaking ito kaya pinasusundan niya ito sa mga tauhan niya. At dalawang files ay pangalan ng dalawang board members.
Nag tagis ang bagang ni Finyx kinuha niya ang baril n'yang nakapatong sa table.
"Because of these traitors many lives were lost. Their life is not enough to pay for their sin!" Matigas na turan ni Finyx nag lakad siya papalapit sa pwesto ni Mr. Del Fonso bitbit ni Finyx ang folder at hinagis sa pagmumukha ng lalaki.
"Explain that." Matigas na sambit ni Finyx.
Ang kaninang pangisi-ngisi na lalaki ay ngayon nangangatog ang katawan sa nerbyosa at takot.
"Mr Montenegro m-mag p-papaliwanag a-ako! P-patawarin mo ako napag utusan lang ako. Tinakot nila akong papatayin ang pamilya ko."
Parang iiyak ang lalaki habang nag sasalita.
"Espiya ka mula sa Cardinal Company. It's too late to apologize. Maraming inosenteng tao ang namatay dahil sa kasakiman niyo!"
"Hahahahaha! Sa palagay mo may pinagkaiba ka sa'min kapag pinatay mo ako? Ang buong angkan niyo ay mga kriminal! Pumapatay kayo ng mga taong walang kalaban-laban! Wala kang pinagkaiba sa pamilya mo isa ka ding kriminal!"
Matapang na bigkas ng lalaki. Humalakhak ng malakas si Finyx at tinutok ang dulo ng baril sa noo ng lalaki.
"Oo kriminal ako. Pero malaki ang pinagkaiba natin dahil alagad ni Lucifer ang pinapatay ko. Yung mga taong walang karapatan mabuhay sa mundong ito katulad mo, halang ang kaluluwa!"
At bigla nalang ito binaril ni Finyx sa ulo. Napasinghap ang lahat tumalsik pa ang dugo nito sa mga suot na tux ng mga board members. Nanginginig na tumayo sa kina-uupuan si Mr Velga.
"I need to go." Wika ng matanda.
Nag mamadaling nag lakad si Mr Velga patungo sa pinto. Ngunit hinarang siya ng mga tauhan ni Finyx.
"Where are you going Mr Velga. We are not done yet." Finyx said at sininyasan ang mga tauhan hawakan si Mr Del Velga.
"Ipanagpalit niyo ang posisyon niyo sa kompanyang ito para lang makipag sabwatan sa mga Cardinal." Tiningnan ni Finyx ang dalawang lalaking board members.
"M-maawa ka Mr Montenegro hindi na ito mauulit pa." Anang ng isang lalaki.
"Talagang hindi na ito mauulit pa dahil mamahinga na kayo."
Sa dibdib binaril ni Finyx ang dalawang lalaki. Napahiyaw ang ilan babaeng nasa loob.
Binalingan ni Finyx si Mr Seron na ngayon ay pinag papawisan ng malapot.
"Mag pasalamat kayo dahil hindi ako pumapatay ng mga mahihinang hukluban." Saad ni Finyx.
"Kaladkarin palabas ng building na ito ang dalawang inutil na hukluban na yan." Utos ni Finyx sa mga tauhan niya.
"Alam niyo ang patakaran ko sa kompanyang ito. Ang mga traydor at taksil ay napapatawan ng parusang kamatayan. Ganiyan ang mangyayari sa'nyo kapag gumawa kayo ng labag sa patakaran ko. Alam niyo naman ang pinaka-ayaw ko sa lahat ang tinatarantado ako!"
Umalis si Finyx sa loob ng conference room. Sumunod naman sa kanya si Lance Blake Santimayor.
Nag pakawala ng malalim na hininga ang mga taon naiwan sa loob ng conference room. Para silang naka-ahon mula sa ilalim ng dagat.
"Hindi ko alam kung dapat ko bang pagsisihan na nag trabaho ako sa kompanya ng mga Montenegro." Takot na wika ng isang empleyadong lalaki habang nag pupunas ng pawis sa noo gamit ang panyo.
"Ano ka ba, mababait ang mga Montenegro at lalo na si sir Finyx. Alam mo yan at nasaksihan mo kung paano nila tayo pakitunguhan at itrato bilang tao at ang iba pang mga empleyado rito. Yun nga lang ay huwag kang gagawa ng isang bagay na hindi nila magustuhan, kung ayaw mo matulad sa limang traydor na iyon." Saad ng babae.
Alas syete ng gabi nagtungo si Finyx sa club na pag mamay-ari niya.
"Dude, kasing lalim na naman ng balon ang iniisip mo." Sita sa kanya ni Race.
Naririto sila sa VIP room kung saan sila madalas nagkikita-kita ng mga kaibigan niya.
"Si Ella kanina ko pa tinatawagan hindi ko ma-contact. Nakapatay ang cellphone niya." Tamad na turan ni Finyx.
"Baka busy lang, alam mo naman ang mga artista." Tugon ni Race at uminom ng alak sa goblet na hawak nito.
"Kanina pang tanghali natapos ang photo shoot niya. Nagtakaka lang ako simula kanina ay hindi ko siya matawagan."
Kanina pa kasi sinusubukan ni Finyx tawagan si Ella pero hindi niya talaga ma-contact ang dalaga. Sirang-sira ang buong araw ngayon ni Finyx at si Ella lang ang tanging makakaalis ng pagka beast mode niya.
"Hoy! Ella tama na yan lasing kana tara umuwi na tayo. Diba sabi mo may thesis ka pang gagawin bukas."
Pilit na inaagaw ni Girly ang bote ng tequila sa kamay ni Ella.
"Ano ba! Ang sabi mo sasamahan mo ako uminom. Ang daya mo hindi ka naman umiinom e, ang kill joy mo. " Sambit ni Ella.
"Ang sabi ko sasamahan kita, pero hindi ko sinabi na iinom ako. Gusto mong majumbak ako ng jowa mo. Sapalagay mo kapag nalasing ako ay mababantayan kita. Paano kung may mga manyak na lumapit sa'yo at hipuan ka. Okay lang sana kung ako ang hihipuan keri lang, like na like ko yun. Pero kung ikaw naku baka mapatay na ako nito ni Fafa Finyx."
"Ahmnp! Bahala ka basta iinom ako." Muling tinunga ni Ella ang alak. Iniwan niya ang kaibigan sa counter bar at nagtungo sa malawak na dance floor.
Maraming tao ang sumasayaw roon kaya nakipag siksikan na si Ella. Kahit gumigiwang na sa paglalakad si Ella ay nagawa pa nitong itulak ang ibang mga babaeng sumasayaw.
Nasa pinakagitna pumwesto si Ella at nag umpisang sumayaw humihiyaw pa ito.
Ilang sandali ay may isang lalaking lumapit kay Ella at nakipag sayaw ito sa kanya. Gwapo ang lalaki pero hindi mapagkatitiwalaan ang mukha nito.
"Hi beautiful." Bigkas ng lalaki.
"Hey... Handsome." Nakangising wika ni Ella at kumapit sa batok ng lalaki at sumayaw sa harapan ng lalaki.
May hawak na goblet ang lalaki may laman itong alak.
"You want?" Alok ng lalaki kay Ella.
Ella nodded and slowly opened her mouth. Pinainom naman sa kanya ng lalaki ang alak.
May lumapit pa na isang lalaki at kinuha ang goblet sa lalaking kasayaw ni Ella.
Nakita ni Girly ang pagtapik ng lalaki sa balikat nito at makahulugang ngumisi. Hindi ito nagustuhan ni Girly.
"Naku nayari na hindi 'to maganda." Turan ni Girly kinuha niya ang cellphone at hinanap sa contact ng phone niya ang number ni Finyx.
Lasing na lasing na si Ella kaya hindi niya na alam kung ano pinag gagawa niya.
Limang minuto ang nakalipas ng maramdaman ni Ella ang pagbigat ng ulo niya. Domoble ang pag kahilo niya ang paningin niya ay umiikot.
~~~~
Nag uusap si Finyx at Race ng tumunog ang cellphone sa suot niyang slacks.
"I'll just answer this for a moment." Paalam ni Finyx kay Race at tumayo bago sagutin ang tawag.
Pagtingin ni Finyx sa screen ng cellphone ay pangalan ni Girly ang bumungad sa kanya.
"Anong kailangan ng bading na ito." Mahinang wika ni Finyx bago sagutin ang cellphone.
"What?" Masungit na tanong ni Finyx.
[ Fafa Finyx, mag madali kang pumunta dito. Dahil si Ella nililingkis na ng ibang lalaki. ]
Turan ni Girly sa kabilang linya tumiim ang bagang ni Finyx.
"What?! where are you and Ella?!"
[ Nandito kami sa Ink club. Yung girlfriend mo hayon nasa dance floor ayaw pa awat lasing na lasing. Bilisan mo fafa Finyx bago pa siya ma-kidnapped ng kasayaw n'ya. ]
"Alright, I'll go there. Keep an eye on Ella."
"Where are you going dude?"
"Going to the ink club." Tipid na sagot ni Finyx sa kaibigan.
"Why are you going there?" Muling tanong ni Race.
Hindi na sumagot si Finyx at nag madaling lumabas ng VIP room.
Mabilis nag maneho si Finyx patungo sa Ink bar ten minutes ay nakarating na siya sa nasabing lugar.
Hindi gaano kalaki ang club na ito kaya mabilis niyang nahanap si Girly.
"Where is she?" Tanong niya ng makalapit kay Girly.
Ngumuso ang bakla sa gitna ng dance floor.
"Anong ginawa niyo ni Ella sa lugar na ito? Bakit siya nag lasing? Akala ko ba mag kikita sila ng ate niya!" Medyo pasigaw na wika ni Finyx dahil lalong lumakas ang music sa loob ng club.
"Problem!" Tanging sagot ni Girly.
Mabilis nag lakad si Finyx papunta sa dance floor.
Mariing napakuyom ang kamo ni Finyx ng mapansin nito ang kamay ng lalaking kasayaw ni Ella ay nakahawak sa pang-upo ng dalaga.
Lalong umalsa ang dugo ni Finyx papunta sa kanyang ulo ng makita niyang hinalikan ng lalaki si Ella sa labi.
Nang makakapit si Finyx ay bigla niyang hinila si braso si Ella papunta sa likuran niya.
Malakas din niyang tinulak sa dibdib ang lalaki.
"Yari trouble 'to." Wika ni Girly kinuha niya ang bag ni Ella sa ibabaw ng counter bar at tumakbo kung nasaan ang kaibigan.
"What's the problem with you?! Galit na sigaw ng lalaki at dinuro si Finyx sa mukha.
"My problem is... don't point your finger at my face!"
Hinawakan ni Finyx ang index finger ng lalaki at binali ito. Kaya naman napahiyaw ito sa sakit. Hindi pa nakuntento si Finyx at makailang sinuntok ang mukha at nguso ng lalaki. Malakas niyang sinipa sa tiyan ang lalaki kaya tumihaya ito sa sahig.
Nag hiyawan ang mga babae nahawi ang tao sa gitna dahil sa nangyari.
Si Ella naman ay parang lantang gulay na nakasandig ang ulo nito sa dibdib ni Girly.
Ang malakas na music ay unti-unting himina.
Hinugot ni Finyx ang baril niyang nakasuksok sa likuran ng slacks niya.
Tinutok niya ito sa lalaki. " O my gosh! He has a gun!" Tili ng isang babae kaya nag layuan ang mga babae at lalaking nakapaligid sa kanila.
Ang lalaking nakatiyaya sa sahig ay nanigas ang buong katawan.
"Hey!" Agaw ng atensiyon ni Finyx ng isang lalaki.
Lilingon pa sana si Finyx pero huli na dahil may sumuntok na sa mukha niya.
Hindi na tinag sa kinatatayuan niya si Finyx pero pumutok ang gilid ng labi niya.
Hindi pa nakakabawi si Finyx ng may malakas na sumipa sa tagiliran niya kaya napaluhod ito.
May apat na lalaki ang nasaharapan niya ngayon ang isa ay may hawak na baseball bat.
"Ang lakas ng loob mong mag amok ng ayaw dito sa loob ng club ko!" Saad ng isang lalaki bago sipain si Finyx sa dibdib.
"Luh, bubugbugin nila si Fafa Finyx. Hoy bruha ano kaya pa? Yung jowa mo pinagtutulungan nila." Anang ni Girly at marahang tinapik ang pisngi ni Ella pero talagang walang malay si Ella.
Pinahawak ni Girly si Ella sa isang lalaki. "Hawak lang, bawal hipo." Wika ni Girly sa lalaki tumango naman ito sa kanya.
Muling sinipa ng lalaki sa tagiliran si Finyx kaya napahiga si Finyx sa sahig at nabitawan ang baril na hawak niya. Tumalsik ito papunta sa paanan ni Girly kaya agad itong pinulot ni Girly.
"Hawakan niyo ang lalaking yan!" Utos ng lalaki na kaninang binugbog ni Finyx.
"Bitawan n'yo siya!" Sigaw ni Girly at tinutok ang baril sa mga lalaki.
"Pssst! Paminta." Baliktad ang pagkakahawak mo ng baril." Saad ng lalaking may hawak kay Ella.
"Ay, oo nga no' bobo lang." Saad ni Girly at inayos ang pagkakahawak nito. Sa kanya kasi nakatutok ang nguso ng baril.
"Bitawan niyo siya!" Seryosong sabi ni Girly. Aakalain mo na straight na lalaki ito dahil sa malalim na tinig nito.
"Aba,, ang lakas ng loob ng baklang 'to." Lumapit ang isang lalaki sa harapan ni Girly.
"Sige iputok mo nga sa akin yan." Paghahamon nito kay Girly at akma sanang aagawin ang baril pero mabilis si Girly kaya nakalabit niya ang gatilyo ng baril. Pumutok ito at tinamaan ang lalaki sa braso.
"Ay! Jusko nakapatay Ako!" Tili ni Girly.
"Argh!" Daing na lalaki at natumba. Nang mapansin ni Finyx na wala sa kanya ang atensiyon ng tatlong lalaki ay mabilis siyang kumilos. Agad niyang napatumba ang mga ito pero hindi niya napansin ang lalaking nasa likuran niya at malakas siyang pinalo ng baseball bat sa likod. Hindi ininda ni Finyx ang malakas na pagpalo ng lalaki nabali pa ang baseball bat.
Pumihit si Finyx paharap sa lalaki at sinakal ito. Malakas niya itong sinuntok sa gilid ng leeg kaya nawalan ito ng malay.
Agad binuhat ni Finyx si Ella. "Let's go!" Yaya ni Finyx kay Girly.
Pinulot ni Girly ang bag ni Ella at nanginginig na sumunod kay Finyx.
"Oh Lord nakapatay ako, nakapatay ako." Paulit-ulit na sambit ni Girly.
Sa entrance ay hinarang sila ng dalawang bouncer. "Sir, pasensya na pero hindi kayo pwedeng lumabas." Ani ng lalaki.
"I'm Finyx Montenegro. Hindi n'yo naman siguro gugustuhin na pasabugin ko ang buong club na ito." Pagbabanta ni Finyx sa dalawa.
"Pare, si Finyx Montenegro nga yan."
Bulong ng lalaki sa kasama nito. "E, ano sino ba yan?" Anang naman ng lalaki.
"Hindi mo ba siya kilala, anak yan ni Kaven Montenegro. Ang buong angkan nila ay kinatatakutan ng mga taong kalaban nila sa negosyo. At bukod doon brutal sila pumatay kahit sa harapan ng maraming tao kaya nila kumitil ng buhay. Mas matakot tayo sa kanya kaysa kay boss." Wika ni ng lalaki.
Pinadaan ng dalawang bouncer si Finyx kaya agad silang nakalabas ng entrance.
Habang nag lalakad sila papunta sa parking lot ay bahagyang umungol si Ella.
"Ummmn! Bakit pakiramdam ko lumulutang ako." Bigkas ni Ella at pilit na iminumulat ang mata.
"Hoy! Ikaw sino ka ha, ibaba mo ako. Saan mo ako dadalhin gusto mo isumbong kita sa boyfriend ko. Lagot ka dun si Finyx Montenegro yun. Magaling yung kumarate parang ganito. Hiyaaa!" Umaaksyon pang sabi ni Ella.
"Tsk! Don't be too naughty, pasaway na babae." Iritableng sabi ni Finyx.
"Oy! Bakit ka-boses mo ang darling ko? Ibaba mo ako! Hindi porket mag katunog kayo ng boses 'e, sasama na ako sa'yo. Bitawan mo ako!"
Nag pupumiglas si Ella kaya walang nagawa si Finyx kundi ilapag siya ng dahan-dahan.
Marahang tinulak ni Ella si Finyx papalayo sa kanya. Agad lumapit si Girly kay Ella upang alalayan ito dahil parang masusubsub ito.
"Babaita, anong nangyari sa'yo ayos ka lang ba. Parang hindi ka naman ganito kanina." Saad ni Girly.
"Oh, Gary nandito ka pa pala akala ko iniwan mo ako sa manyakis na lalaking iyan." Sabay turo ni Ella kay Finyx.
"Ewww! Kainis Girly kasi, not Gary." Pagmamaktol ni Girly.
"Teka." Inaninag ng maayos ni Ella ang mukha ng lalaking nasa harapan n'ya.
"Oh my gesh! Nakikita mo ba ang nakikita ko baks. Kamukha niya si Finyx." Tumatawang wika ni Ella.
"Gaga si Finyx talaga yan." Bulong ni Girly sa tainga ni Ella. Pero hindi ito narinig ni Ella.
"Ikaw lalaki, hindi porket kamukha mo ang jowa ko 'e, mabubudol mo ako. Nakikita mo itong gorgeous body ko. Para lang ito sa boyfriend ko, at ito." Turo ni Ella sa dibdib niya.
"Si Finyx lang pwedeng tumikim nito. Pero dahil mabait ako ipapakita ko nalang sa'yo." Biglang tinaas ni Ella ang suot niyang itim na crop top. Tinanggal ni Ella ang strapless bra niya at hinagis sa mukha ni Finyx.
Ilang beses napulunok si Finyx habang nakatitig sa dibdib ni Ella.
"Ay! Baliw! Ano ba bruha ka bakit mo pinakita ang chocolate hills." Tili ni Girly at nag takip ng mata niya.
"Ano happy ka? Nasilayan mo na." Humagikhik si Ella.
May iilang tao sa parking lot at nakatingin ito ngayon kay Ella karamihan ay lalaki. Agad na nilapitan ni Finyx si Ella at niyakap ang dalaga.
"Pasaway ka talaga!" Turan ni Finyx.
"Hala! Ang agrisibo mo naman pinakita ko lang sa'yo niyakap mo na agad ako. Alis!" Pilit na tinutulak ni Girly si Finyx.
Nag titili si Ella. " Waaaaaah! Tulong! Tulong! May gwapong gustong gumahasa sa akin dito." Hiyaw ni Ella kaya malakas siyang binatukan ni Girly.
"Hoy Babae tumigil ka nga diyan sa kaka-sigaw mo. Hindi mo ba kilala ang nasa harapan mo. Si Fafa Finyx yan yung jowa mong gwapo na hottie." Sambit ni Girly.
Tumigil si Ella kakahiyaw at pinag katitigan si Finyx.
"Weeeh,,, di nga. Boyfriend ko ito? Sige nga nasaan ang ebedensya. Si Finyx kasi may eight pack abs."
Mula sa ilalim ng maroon na polo long sleeve na suot ni Finyx ay pinagapang ni Ella ang kamay niya papasok sa loob ng polo long sleeve ng lalaki. Hinimas-himas niya pa ang matigas na tiyan ni Finyx at binilang ang abs nito.
"Boyfriend ko nga ito. Hi darling i miss you." Saad ni Ella at yumakap sa baywang ni Finyx.
"Ang sabi mo kanina tatawagan mo ako. Now explain me woman. Anong ginagawa mo sa lugar na ito at bakit nag lasing ka?"
"Siya, siya talaga ang may kasalanan siya ang sisihin mo darling." Tinuro ni Ella si Girly.
"Ay,, bakit ako?" Inirapan ni Girly si Ella.
"Kasi niyaya ako ni Girly pumunta dito. Siya pagalitan mo dinala niya ako dito. Sabi ko nga ayoko kasi baka magalit ka." Parang batang nag susumbong si Ella at ngumuso pa.
"Walanghiya, ginawa mo pa akong sangkalan bruha ka." Ani ni Girly.
"Peace yow. I love you baks." Sumisinok na saad ni Ella at bumungis-ngis.
"Hmmnp! Sige na fafa Finyx iuwi mo na yang maldita mong girlfriend baka masabunutan ko pa yan." Wika ni Girly.
"Hindi ka ba sasabay sa'min? Pwede kitang idaan sa bahay niyo."
"Naku fafa Finyx hindi na mag ta-taxi na lang ako. Sige na, mag iingat kayo. Wag mong papagurin yan ha, baka hindi na naman makalakad ng maayos bukas." Biro ni Girly.
Mahinang humalakhak si Finyx at nag salita.
"Sira-ulo 'to."
Inabot ni Girly ang bag ni Ella kay Finyx.
Binuhat ni Finyx si Ella na pang bridal style.
"Bye baks! Kwento ko nalang sa'yo bukas kung anong ganap sa'min ni Finyx mamaya. Para mamatay ka sa inggit." Sigaw ni Ella at kumaway pa.
"Gaga! Baliw ka talaga!" Sigaw pabalik ni Girly.
"I love you baks!" Muling sigaw ni Ella.
"I love you too. Sige na stop shouting na nakakahiya na sa pipol." Turan ni Girly at nag lakad na papalayo.