QUEESZHA's P O V " Mommy, umiiyak ka po ba? " malungkot na tanong ni Queensay nang tumabi siya nang higa sa akin " Hindi, anak, bakit? Sad story kasi itong binabasa ko. " pilit ang ngiting alibi ko naman Wala naman talaga akong naiintindihan sa binabasa ko bagkus ay props ko lamang iyon para nga may dahilan ako kapag nag- usisa nga ang aking anak kung bakit ako umiiyak. Yumakap siya sa akin at sumubsob sa aking dibdib sinamantala ko naman iyon para tuyuin ko ang aking mga luha. Madalas kasi ay nahuhuli niya akong umiiyak at naka tulala sa kawalan. Kung ano- anong alibi naman ang isinasagot ko sa kanya, kagaya ngayon. " Wala po, malungkot po kasi ang mukha n'yo. " tugon niya kaya mahina na lamang akong natawa Pinipilit ko pa kasi ang sarili kong kumalma pero hindi talaga ma ampat

