QUEESZHA'S P O V " Hi, Babe! " masayang bati naman ni Shiloh nang dumating no'ng hapon after office hours nila. Dinala na niya ang duplicate key kaya hindi ko na kailangan lumabas pa para pag buksan siya ng gate. Hindi naman naka- lock ang maindoor pero naka sarado pa rin iyon nang dumating siya. Sa ngayon ay hinayaan na niyan naka- open dahil wala na rin naman ang nga trabahador sa kabilang lote. Tumabi pa sa akin nang upo sa sofa tsaka ako inakbayan sa balikat at hinalikan ako sa pisngi. Busy kasi ako sa panonood ng palabas sa telebisyon. Maaga pa naman para magluto ng pagkain namin para sa hapunan. " Hello! " pilit ang ngiting tugon ko naman " Kumusta ang maghapon mo? " masuyong usisa pa niya habang hinuhubad ang sapatos tsaka polo na uniform kaya nag natirang suot niya ay whit

