UNANG GABI

1468 Words
QUEESZHA'S P O V " Thank you so much! " " Thank you for coming! " " Thank you! Thank you! " Hindi kami magka mayaw ni Shiloh na magpa salamat sa aming mga bisitang nag- attend ng aming kasal. Mga relatives namin at close friends lang naman tsaka aming mga officemates. " Congratulations again! " " Best wishes! " Saad pa rin nila habang nagpapa- alam sa amin isa- isa. Yumakap pa sila at nakipag beso. Mangiyak- ngiyak nga ako dahil ginawa nilang memorable talaga ang aming wedding ni Shiloh. Pati ang aking mga kaibigan ay kung todo ang suporta kahit noong una ay umaayaw pa silang magpa kasal ako sa kanya. Ilang sandali lang ay kami na lamang dalawa ang naiwan sa sa aming wedding reception. Nakipag- usap muna kasi kami Owner ng nasabing venue, pati ang pamilya namin ay umuwi na rin. Dahil sa bahay na namin kami ni Shiloh didiretso nang uwi. Ito ba ang inaayawan nilang asawa ko? Naka bili ng maliit na bahay at lupa? Ang importante kahit maliit ay sarili na namin. Hindi na kami uupa at mamumuhay na agad kaming mag- asawa. " Thank you very much! " saad pa namin sa Owner na hindi naaalis ang naka kintal na ngiti sa aming mga labi nang magpa- alam na kami at nabayaran ang ibang kulang. " You're welcome, Ma'am, Sir! Sana po sa bigyan ng first ninyo ay rito pa rin ang reception. " saad pa nito nang pasakay na kami sa van na pinahiram pa rin nila para madala ang aming mga weddibg gifts. " Sure! Ang ganda kasi ng venue niyo! " mabilis naman saad ni Shiloh kaya naman siniko ko siya sa tagiliran kaya natawa kami ng Owner, ako kasi ang nahiya sa kanyang binanggit " Bakit!? Talaga namang maganda ang venue nila mababait pa ang mga staffs!? " kunot ng noong wika pa ng aking asawa, hindi ko na lamang pinansin dahil joke ko lang naman iyong pagkaka siko ko sa kanya. Tila kasi minasama pa niya. " Thank you, again! " kumaway na lamang ako sa Owner gumanti naman ito at pina andar na ng Driver ng van ang makina kaya si Shiloh na ang nag sara ng pinto ng sasakyan na tila inis na naman hindi lamang maipakita ang sama ng loob dahil nga may ibang tao. " Joke ko lang naman iyon. " bulong ko sa kanya nang malayo na kami sa aming wedding venue " Tsk! " tugon niya at sa bintana ng sasakyan siya naka baling nang tingin, napa kamot na lamang ako sa aking kilay Nakapag palit na rin kami ng aming mga wedding dress kaya magaan na kaming nakaka kilos. Doon na nga kami sa bahay namin na nabili niya uuwi. Maganda kasi roon, walking distance mula sa eskwela, palengke, simbahan, ospital at higit sa lahat ay sa trabaho niya. Iyon nga lamang ay dalawang sakay pa ng tricycle bago kami makarating sa bahay ng aming mga pamilya. Wala na kaming kibuan hanggang sa makarating sa tapat ng aming bahay. Nahihiya rin kasi ako sa Driver na aming kasama. Nilinis na namin iyon no'ng isang araw at namili ng ibang groceries. Kama at sofa pa lamang ang binili namin dahil katwiran namin ay baka maraming mag regalo. Ako na ang nagbukas ng maliit na gate, mabuti at tutulong ang Driver ng van kay Shiloh na mag buhat ng aming mag wedding gift nga. Pagod man pero masaya naman kami, ang tagal kaya namin itong hinintay ang pag- iisang dibdib namin. " Pasensya na ho, hindi pa malamig itong tubig, hindi pa ho kasi kami nakakabili ng ref. " hinging pasensya ko naman sa Driver nang abutan ko sila ni Shiloh ng tig- isang basong tubig, mineral naman iyon. " Ayos lang, hija, mainam iyan at naka bukod agad kayo, walang mangingialam sa inyong pagsasama. " opinyon naman ng Driver " Oo nga ho e! Kaya nga po pinag- ipunan ko itong mabili bago kami ikasal, ayoko pa naman pong pinapakialaman ako. " tugon naman ni Shiloh Marami pang ini- advice ang Driver sa amin bago ito nagpa- alam. " Marami hong salamat at ako'y babalik na sa venue. " " Sige ho, maraming salamat din po. " saad ko naman at dinampot ko na ang basong pinag- inuman nila ng tubig na nilapag nila sa center table sa living area para hugasan sa lababo. Hinatid naman ito ni Shiloh para ma- i- lock na rin ang gate at pinto. " Hayst! Nakakapagod! " buntong hiningang wika ko at pumasok na sa nag- iisang silid na mayroon itong bahay namin. May maliit na space sa pagitan ng gate at pinto, roon naka garahe ang motor niyang ginagamit kapag pumapasok sa trabaho. Sa ngayon siguro ay baka madalang na nita iyong gamitin dahil walking distance lang ang office nila mula rito sa aming bahay. Pag pasok ng sala ay may sofa na isang mahaba at dalawang solohan na may center na yari sa kahoy. Ilang hakbang lang ay kusina na at banyo na wala pang gamit kung hindi ilang pirasong pinggan, baso, kubyertos at galloon ng mineral. Dahil ginamit namin iyon na lalagyan ng aming pagkain nang mag linis nga kami rito no'ng isang araw. Sa pagitan ng sala ay ang pinto ng k'warto na ayos lamang para sa aming dalawa na nag- uumpisa pa lamang. Ngunit kapag lumaki pa ang aming pamilya ay dapat na rin itong palakihan o lagyan ng second floor para hindi masikip. Sa loob ng silid ay kama pa lamang, cabinet at vanity table ko na galing pa sa ginagamit kong k'warto sa bahay ng parenta ko. Regalo kasi iyon ni Shiloh sa akin kaya sabi ko ay hindi na kailangang bumili pa ng para rito. Umupo ako roon at kumuha ng bulak at bote para linisin ang aking mukha na puro make up pa. Iyon pa lamang din ang lamang nitong silid, kaya naman excited na ako para bukas para mamili ng ibang kulang namin na mga appliances. " Hayst! Natapos din! Nakaka pagod pero masaya! " pa bagsak na inihiga ni Shiloh ang katawan sa ibabaw ng kama kaya naman bahagya pa siyang nag- bounce dahil malambot iyon. Kami pang dalawa ang namili niyon sa mall. " Oo nga eh! Ang sakit ng binti ko. " sang- ayon ko naman at tumayo na dahil tapos na akong mag linis ng aking mukha. " Mag- half bath ako, ikaw ba? " masuyong tanong ko naman sa kanya, lumapit kasi ako sa cabinet para kumuha ng damit na pantulog, dinala na rin namin dito ang mga damit namin, nag- iwan na lang ng ilang piraso sa bahay ng aming mga magulang. " Mauna ka na, susunod ako, ipapa hinga ko lang ang mga paa ko. " malumanay naman niyang tugon habang naka patong sa noo ang isang braso, sapantaha ko pa ay baka naka pikit na siya. " Ipapatong ko sa ibabaw ng kama ang damit mo. " wika ko pa bago lumaba ng silid " Sige. " maikling tugon naman niya Hindi na ako sumagot bagkus ay lumabas na nga ako ng silid para mag- half bath sa banyo. Hindi ko na siya hinintay na sumabay sa akin dahil nilalamig na ako at kusa nang pumipikit ang mga mata ko dahil sa antok. Hatinggabi na rin naman. " Babe, ikaw na! Para ma preskuhan ka! " tawag ko pa sa aking asawa nang makapasok ako ng silid Dumiretso naman ako sa bintana para isampay ang towel na ginamit ko. Tsaka sa vanity table para gawin ang aking evening routine, bahagya pa nga akong natawa sa sarili ko. Magha- hlaf bath nga pala ako ay kung bakit nilinis ko pa ng cleanser ang aking mukha kanina. " Babe! " ulit kong tawag sa kanya habang papalapit sa kama, niyugyog ko pa ng bahagya ang balikat niya ngunit ng walang reaksyon ay napag tanto kong naka tulog na siya. " Awst! Sayang ang lingerie! " kunwaring himutok ko na natatawa dahil iyon talaga ang isinuot ko. Na regalo sa akin ng aking mga officemate no'ng aking bridal shower. S'yempre, nag- e- expect din naman ako na may mangyayari sa amin ngayon gabi. Iyon pala ay tutulugan niya lamang ako. Valid naman ang reason niya dahil kahit ako ay pagod na pagod na rin naman. Na- excite lang ako dahil first night nga namin bilang mag- asawa na. Kumbaga ay legal at mas basbasa na kung anuman ang aming gagawin. Inayos ko na lamang siya nang higa para mag kasya rin ako, nasa gitna kasi siya ng kama at mahuhulog ako kapag tumabi pa ako sa kanya. Hinubad ko lamang ang kanyang shoes at pants tsaka na ako tumabi nang higa sa kanya pagka- off ko ng ilaw habang nakayakap at naka unan sa kanyang malapad na dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD