THIRD PERSON's P O V Kinabukasan nga ay naging abala sila Poli at Shiloh sa pakikipag- usap sa gagawa ng bahay- kubo ni Queeszha. Sa pagsusukat ng lupa, sa pagbili ng mga materyales ay lagi silang dalawa ang magkasama. Kaya naman nakaka rinig tuloy sila nag tuksuhan sa mga kapitbahay na siguro raw ay bubukod na silang dalawa ng bahay. Na tanging pagtawa lamang ang isinasagot nilang dalawa. Katwiran kasi nila ay pagod na silang mag- explain na magkaibigan lang sila. Hahayaan na lamang nilang makita ng mga ito kung sino lamang ang titira roon. Pati na sa pag bili ni Queeszha sa mga gamit sa bahay ay kasama pa rin ang binatang guro. Pinamigay na kasi ng mga magulang niya ang mga gamit nila sa bahay sa San Felipe. Ang iniuwi lamang ng mga ito sa bahay ay mga damit at laruan ni Queensay. S

