THIRD PERSON P O V " Wala na bang sumpong ang baby na iyan!? " pabirong wika ni Shiloh sa anak pagka uwi niya galing sa trabaho noong hapon. Napa hahikgik lamang ang anak habang nakatayo sa loob ng crib. Busy kasi si Queeszha sa kusina sa pag- prepare ng kanilang hapunan. " Mag palit lang ng bihisan si Daddy, ha! Maglaro tayo later! " magiliw pang saad ni Shiloh sa anak, tumango- tango naman ito sa kanya kaya tuwang- tuwa naman ang ama dahil wala nang sumpong ang anak. " Ano ang ulam natin, babe? " masuyo pa niyang tanong kay Queeszha na nilapitan sa kusina " Seafoods. " maikling tugon naman nito " Hhhmmm! Mapapalaban na naman tayo niyan kainan! . . . Sana sa kama rin mapalaban mamaya! " wika pa ni Shiloh " 'Yang bibig mo! " kunwaring saway pa ni Queeszha sa asawa at hinampas pa

