POLI's P O V Pigil- pigil ko ang aking mga luha na h'wag dumaloy sa aking mga pisngi. Dahil kasabihan na kapag umiyak daw ang groom sa araw ng kanyang kasal ay sa hiwalayan mauuwi ang kanilang pag sasama ng kanyang bride o misis. Kaya naman mataman lamang akong naka tingin sa babaeng marahang nag lalakad sa aisle patungo sa akin at unang nagpa t***k ng puso ko. Na kahit may asawa't anak na ay na bihag pa rin ang pihikan kong puso. Kahit anong saway ko naman sa sarili ko na hindi siya maaaring mahalin — pwede pero palihim lamang — ay ang kulit naman. Kaya masaya na ako kapag nakaka sabay ko silang mag- ina sa pag pasok at nakikita ko ang matamis niyang ngiti. Ewan ko ba, kinikilig ako sa simpleng palitan lang namin ng ulam at mas lumalim pa ang pag tingin ko sa kanya ng lubos ko siyang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


