QUEESZHA's P O V Hindi ko na alam ang mga sumunod na kaganapan, namalayan ko na lamang na nasa isang cottage na kami kasama ng aking mga kaibigan. At iyong aking bisita na hindi ko inaasahang dito pa mismo sa resort ko makikita. " Okay ka na, Best? " masuyong tanong bi Virgo habang hinahagod ang aking likod at panay painom sa akin ng tubig " M- Medyo! " buga ko panng hangin para mag luwag ang aking dibdib Laking pasasalamat ko rin at nandito ang aking mga kaibigan, sila ang umalalay sa akin mula pa kanina dahil hindi ko nga alam ang akin gagawin pagka kita sa taong naging parte ng aking buhay noon. " Relax! Umiyak ka kung iyan ang makakapag luwag sa dibdib mo! H'wag mo pigilan, Best! Sumigaw ka kung kinakailangan! " bulong pa ni Xiomara Tila iyon lamang ang hinihintay kong hudyat

