QUEESZHA's P O V " Wow! Ang dami! Ang ganda talaga rito! " bulalas na wika ni Virgo nang makarating kami sa taas ng bundok no'ng bandang hapon para hindi masakit sa balat ang sinag ng araw. Nasaksihan kasi nila kung gaano karaming pananim sila Poli na inaani araw- araw para dalhin sa palengke at i- benta. Gugulang lamang kasi ang mga gulay at prutas kapag hindi naani agad. " Kaya nga! Green na green ang buong paligid na parang utak mo lang! " pabirong saad naman ni Xiomara kaya inirapan siya no'ng isa Mahina lamang kaming natawa ni Poli. Hindi na nahiya samantalang may kasama kaming lalake. " Ang sarap dito! Ang mga kailangan mong prutas at gulay sa pag luluto ay pipitasin mo na lang! " bulalas pang saad ni Virgo " Oo nga e! Kaya nga kahit malaki ang offer sa amin na bilhin itong

