THIRD PERSON's P O V " Yehey! Babalik na po ba tayo sa Sta. Ignacia!? " tuwang- tuwa na tanong ni Queensay sa Mommy niya habang kumakain sila ng almusal kinabukasan. Nang aminin nila sa pamilya na nagka- ayos na silang dalawa ng binatang dating kapitbahay. Masakit man ang mga katawan nila Queeszha at Poli sa ilang rounds na bembangan nila ay wala silang nagawa nang gisingin sila ni Queensay. Hindi talaga nag lubay ang bata kakakatok sa pinto hanggang hindi sila nagigising. " Hindi pa, anak, may kailangan pa tayong ayusin dito. Iyong mga school records mo pa, 'di ba? " mahinahong paliwanag ni Queeszha sa anak " Ay, oo nga po pala. " nalungkot man pero bakas sa mukha ng bata ang kasiyahan " Sandali na lang naman iyon, tapos sa beach na tayo titira! " masaya ring saad ni Poli sa ka

