QUEESZHA's P O V " Anak, ano ang sabi mo!? " paulit kong utos kay Queensay ng may banggitin siya para maka sigurado ako. " Wala po, Mommy. " kaila pa niya subalit hindi ko na nagawa siyang kulitin dahil nag- ring na ang bell sa paaralan. Hudyat iyon para mag- umpisa na ang klase. Kaya naman wala akong nagawa kung hindi iwanan na siya sa kanyang silya sa loob ng classroom at lumabas ako. Medyo nagpa- late talaga kami nang tungo rito sa paaralan para hindi namin makasabay si Poli. Simula kasi nang ma sampal ko siya ay kung todo iwas na ako. Gayunpaman ay hindi rin naman siya nag- e- effort na bumati sa akin o kaya ay makipag- usap sa akin. Tila wala naman ako sa sarili na nag lakad na palabas ng paaralan para umuwi naman sa aming bahay. Narinig ko naman ang sinambit ni Queensay kani

