THIRD PERSON P O V " Oh, bakit? Ang aga mo namang napatawag? " gulat na tanong ni Virgo habang humihigop ng mainit na kape " Nasaan ang inaanak namin? " usisa naman ni Xiomara habang nag hihikab at naka dapa pa sa ibabaw ng kama. Pagka pasok kasi sa loob ng bahay ay tinawagan ni Queeszha ang mga kaibigan through video call. " Hey! Ano problema mo!? " " Ayan na nga ba ang sinasabi ko! " Komento ng dalawang kausap niya ng bigla na lamang siyan mapa bulalas nang iyak. Malungkot namang naka tingin lamang sa kanya ang mga kaibigan at hinayaan na ilabas niya ang kanyang sama ng loob. Ilang minuto rin iyon na pina panood lamang siya ng dalawa sa screen ng kanilang mga cellphone. At sa pautal- utal na boses habang tinutuyo niya ng tissue ang mga luhang nanulay sa kanyang makinis na pi

