LIHI

1412 Words

THIRD PERSON P O V " Ayoko na pala niyan, babe. " tanggi ni Queeszha sa inilapag sa center table ng asawang naka- slice na papaya na nasa pinggan. Inilayo pa nga niya ng bahagya ang plato sa kanyang harapan. Nanonood kasi siya ng palabas sa telebisyon sa kanilang maliit na living area. " Ano ba gusto mo? " mahinahon pero napapa kamot sa kilay na tanong naman ni Shiloh sa asawa " Anong oras na ba? Ang tagal namang dumating nila Xiomara at Virgo! " nayayamot na sambit pa niya, naka kunot din ang kanyang noo " Mamaya pa ang out nila sa trabaho, wala pa namang alas singko. " malumanay pa ring saad ni Shiloh " Pakibili mo na lang ako ng chicharon baboy. " natatakam namang utos nito " Pero, Babe, bawal sa'yo 'yon. " kontra naman ni Shiloh " Pero iyon ang gusto ko! " tila maiiyak naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD