"S-Salve?" "Nay!" agad naman ako yumakap rito ng mahigpit. "Jusko! Ang tagal-tagal mong nawala. Anong nangyari sa'yo!" palahaw na iyak ni Nanay. Si baby Geo naman, naiipit na ito sa aking braso. "S-Salve, anak!" Napatingin naman ako sa lalaking may katandaan na ito. "Tatay!" Napahagulhol naman ito pagkakita sa akin. "S-Salve!" Hindi ko alam kung ilang minuto kami nagyayakapan. "Salamat sa panginoon, ligtas k! Akala namin, kung ano na ang nangyari sa'yo!" Mapait naman ako napangiti. Hindi nila alam kung ano ang pinagdadaanan ko sa kamay ng lalaking lubos na pinagkatiwalaan din nila. "A-Anak mo ba iyan?" tanong ni Nanay. Lumuluhang tumango naman ako. "Ang guwapong bata naman! Napakaputi niya," agad naman ni Nanay kinuha sa akin si Baby Geo. Napatingin naman ako kay Tatay na n

