SHEREE "Bakit hindi mo sinabi na may mga kapitbahay tayo dito?" sumbat ko kay Jarred. Nandiyan sa labasan ay maraming kabahayan na pala. Akala ko, kami lang ang tao rito. "Hindi na kailangan para ipaalam sa'yo," aniya sa akin na hindi man tumitingin sa akin. "Ang sama mo!" inis na saad ko rito. KASALUKUYAN na nandito kami sa bayan. Halos kilala si Jarred sa bayan. At lahat na nakakasalubong namin ay binabati siya. "Hindi ba natin bibilhan ng food ang mga alagang Peppa's natin?" "Hindi!" "Magugutom sila!" galit na saad ko rito. Masama naman itong nakatingin SA akin. "Mas alalahanin mo pa sila na magutom kaysa sa ating dalawa," gigil na saad niya. "May damdamin din sila! Nagugutom rin sila katulad natin," inis na sagot ko naman. Napapikit naman ito. Bahala siya! Basta hindi ak

