JARRED "Chief, anong balita sa pagkamatay ng apat na lalaki?" tanong ko kay Hepe. "Wala pa, dok. Pero gumagawa na rin ng paraan si General." Napabuntonghininga naman ako. "Dok, hindi basta-basta ang killer. Iisang parte lang ng katawan ang tinamaan ng bala. Masasabi kong eksperto ito," aniya ni Hepe. Yeah. Nakita ko rin. Iisang marka lang ang iniwan niya. Nagdududa rin ako na nandito pa ang killer. Puwede na kalaban siya o kakampi. Kailangan namin ni Sheree mag-doble ingat. Baka nga may nagmamatyag na sa amin….-! Shit! Si Sheree! "Hepe,balitaan niyo na lang ako sa resulta ng imbestigasyon. Kailangan ko na umuwi!" Hindi pa nakasagot si Hepe, dali-daling tumalikod na ako. Buti na lang, may nakilala akong mahiraman ng motorsiklo. Kung lalakarin ko pa ito, baka dalawang oras pa ako Ma

