SALVE MATIAS
"Kuya Alfred, pakisabi na lang po kay Gabriel na gagabihin ako."
Umalis na naman kasi si Gab. Hindi ko alam kung ano ang pinag-abalahan niya.
"Sige, Miss Save."
Dahil sa kagustuhan ni Gab, may sariling driver/ bodyguard ako. Kahit saan ako pumunta, kasa-kasama ko ito. Sa ngayon, hindi ko pa alam kung anong relasyon na meron ba kami.
Mahal ko si Gabriel. Naramdaman ko naman ang pag-aalaga niya sa akin kapag magkasama kami. Napag-usapan na rin namin na huwag daw muna ako magbuntis. Hindi pa raw siya handa. Naintindihan ko naman. Kahit ako, gusto ko muna makatapos ng pag-aaral.
"Alis na po ako, Kuya Alfred," aniya ko naman.
"Ingat ka."
Ngumiti naman ako at sumakay na sa sasakyan.
Mayroon kasi kami group activities mamayang hapon, kaya gagabihin talaga ako.
Wala naman problema kay Gabriel. Ang ayaw lang niya ay lumapit or makipagkaibigan ako sa mga lalaki.
Medyo napapansin ko na rin ang paghihigpit niya. Kung sa mansion naman, ayaw rin niya na nakipagkuwentuhan ako sa kan'yang mga tauhan.
"Salve, mayaman ka pala. May driver na, s***h bodyguard pa," saad ng kaklase ko.
Parang bouncer kasi ang driver ko. Kaya naman iyon agad ang napansin nila.
Ngumiti naman ako sa kaklase. "Hindi ako mayaman," tanging sagot ko rito.
"Hmmp! ma-sekreto ka lagi!" aniya na inirapan naman ako.
Napailing na lang ako sa kan'yang reaction. Ayoko magkuwento tungkol sa amin ni Gab. Dahil kung tutuusin, ako lang umaasa na meron kami. Wala naman sinabi si Gabriel kung anong mayroon na relasyon kami.
Halos alas-otso na kami nakatapos sa paggawa ng proyekto namin. Agad naman ako nagpaalam sa mga kaklase ko at nagmamadaling umuwi na kami ng driver.
Tiningnan ko naman ang aking cellphone. Binilhan ako ni Gab para raw may communication kaming dalawa kapag malayo ito i-destino. Nanlumo naman ako ni-walang mensahe o tawag man lang galing rito.
"Good evening, Miss Salve," bati ng tauhan ni Gabriel.
"Good evening po. Dumating na po ba si Gabriel?" tanong ko naman.
"Yes po, Miss. Kasama ang mga kaibigan niya."
Nakakunot naman ang aking noo. Actually, hindi ko pa kilala ang mga kaibigan ni Gab.
"Ah, sige po," agad naman ako pumasok sa loob. Pero wala naman sila. Umakyat naman ako sa taas. Papunta na ako sa aking silid nang may narinig akong ingay. Sinundan ko naman ang ingay at nakarating ako sa library. Nakaawang ng konti ang pinto. Sumilip naman ako at nakita ko ang tatlong lalaki na kasama ni Gabriel. Sa itsura pa lang nila mga banyaga ang mga ito at mayayaman.
"Ikaw ang nakaraming putok, Lee," natatawang saad ng isang lalaki na agaw pansin ang napakaguwapong mukha.
Lahat naman sila ay sobrang guwapo. Of course, para sa akin si Gab pa rin.
"Come on, bro. Panandalian lang iyon, she's busy. I love her," nakangising sagot ni Gabriel.
Napahawak naman ako sa aking dibdib.
May ibang babae si Gabriel?
Bakit ang sakit?
"Gusto mo siya? or Mahal?" tanong ng isang lalaki na blonde ang buhok.
Kinagat ko naman ang aking ibabang-labi. Parang ayaw ko malaman ang magiging sagot niya. Natatakot ako.
Napansin ko ang pagngiti ni Gabriel.
"She's my everything."
Napapikit naman ako. Parang sinaksak ng paulit-ulit ang aking dibdib.
"f**k you, Lee. Of course, she's your f*****g wife!"
Nanlalaki ang mga mata ko sa aking narinig.
W-Wife?
"W-Wife?" paulit-ulit na usal ko naman.
HINDI ko namalayan ang pag-agos ng aking luha sa aking pisngi.
"Come on, Lee. You can win her back again," aniya ulit ng naka-blonde.
Hindi ko pinakinggan ang iba nilang sinabi. Dali-daling umalis na ako ta pumunta sa aking silid. Pagpasok ko, binuhos ko na lahat ang sama ng loob ko.
Nilihim niya sa akin ang tungkol sa asawa niya.
Naniniwala naman ako sa lahat na pinakita niya sa akin na kahit kaunti mahalaga rin ako sa kan'ya.
Umasa ako. Na ako lang talaga.Madalas kaming magkasama, at lalo na, lagi na may nangyari sa amin, akala ko pa naman, ako lang ang babae niya.
Huminga muna ako ng malalim at inayos ang aking sarili. Maya maya kasi tatawagin na ako ni Kuya Alfred na kakain ng hapunan.
"Miss Salve? Kakain na," boses ni Kuya Alfred.
"S-Sige po."
Naghilamos muna ako ng mukha at bumaba na.
Naabutan ko si Gabriel na nakaupo na ito. Napalinga pa ako dahil wala ang mga kaibigan niya.
"Umuwi na sila," aniya ni Gabriel at napansin na panay ang ikot ng aking mga mata.
Umupo naman ako at nagsandok ng kanin.
"B-Bakit ka nagsinungaling?" diin ba tanong ko rito.
Nakakunot naman ang kan'yang noo na nakatingin sa akin.
"N-Narinig ko ang lahat, Gab! May asawa ka!" galit na saad ko.
"Alam mo bang ayoko sa lahat ay nakikinig sa pribadong usapan naming magkakaibigan," aniya na nagbabaga ang mga mata na nakatingin sa akin.
Napaawang naman ang mga labi ko.
"G-Gab."
"Let's eat," maawtoridad na saad niya.
"B-Bakit inilihim mo-,"
"Dammit! I said, let's eat!"
Nagulat naman ako sa lakas ng pagsigaw ni Gabriel sa akin. Halos hindi ko na mailunok ang aking laway sa sobrang takot.
Nanginginig ang aking kamay habang nagsasandok ng ulam.
Pinilit ko na lang lunukin ang bawat subo ko. Halos hindi ko ba ito nginuya. Natapos kaming kumain na hindi nag-iimikan.
"E-Excuse me!" saad ko naman at dali-daling tumayo.
Sa hagdan pa lang, dumadagundong na ang boses ni Gabriel at tinatawag ako.
"Salve?!"
Napatigil naman ako at humarap.
"Hindi ka puwede umalis dito sa mansion!" aniya.
Matapang ko itong tiningnan.
"Hindi mo ako pag-aari!" matapang na galit na sagot ko naman.
"Pag-aari na kita. Buong pagkatao mo, akin ka na!" galit na saad niya.
Umiiyak na umiling-iling naman ako.
"Hindi, Gab! May asawa ka! Gagawin mo akong kabit? Ganoon ba? Parausan lang ako? Slave mo? Ano pa ang rules ko sa buhay mo, Gabriel Lee?!" Sigaw ko naman.
"Yes, you're my f*****g slave! Huwag ka magkamali na layasan ako, Salve," diin na saad niya.
"H-How dare you! Pinag-aral mo nga ako. Binihisan. Pinakain at buhay reyna dito sa mansion, pero lahat pala may kapalit! Mas gustuhin ko na isa akong mahirap, kaysa binaboy ang pagkatao ko!" sagot ko naman at tumakbo papasok sa silid.
Aalis ako ngayong gabi. Kinuha ko lang ang aking wallet at lumabas ulit.
"Saan ka pupunta?"
Sumalubong naman sa akin ang namumulang galit na mukha ni Gabriel.
"Please, Gab. Huwag ganito," umiiyak na pakiusap ko rito.
Umiling lang ito. "Stay!" aniya na hinawakan ng mahigpit ang aking braso.
Humagulhol naman ako. "Ayoko!" kinagat ko naman ang kan'yang kamay.
"Damn!" galit na sigaw niya at sinampal ako ng pagkalakas at natumba naman ako.
Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni Gabriel.
Pinagbuhatan niya ako ng kamay!
"Alfred?!" galit na sigaw niya.
Humahangos naman na lumapit si Kuya Alfred.
"Boss Lee!"
"Bantayan niyo ng maigi 'yan!" aniya at tumalikod na ito.
Humagulhol naman ako.
"Magpahinga ka ba sa iyong silid, Miss Salve," mahinang saad ni Kuya Alfred.
"A-Akala ko ba, m-mabait siya," umiiyak na saad ko naman.
Napabuntonghininga naman si Kuya Alfred.
"I'm so sorry, hija. Lahat ay kabaliktaran ang mga sinabi ko. Ayoko lang na makaramdam ka ng takot."
Hindi makapaniwala na napatitig ako kay Kuya Alfred.
"He's dangerous. Mas malupit at nakakatakot," aniya ni Kuya.
Napaawang naman ang bibig ko.
"Nahulog ka sa bitag niya, Salve. Hindi ka na puwede basta-basta lang umalis. You're already trapped!"