GABRIEL LEE "M-Mommy." Nakatingin lang ako sa mag-ina ko habang nagyayakapan ang mga ito. "Baby, n-nandito si D-Daddy," aniya ni Salve sabay tingin sa akin. Nakatitig lang sa akin si Baby Gold. Tumikhim naman ako. "B-Baby," saad ko at hinaplos ang kan'yang buhok. Maya maya lang, sumilay ang ngiti sa kan'yang makipot labi. Priceless. Pinakamagandang tanawin nakita ko. Ang ngiti sa kan'yang mga labi. "H-Hi," piyok ang boses na saakd ko rito. Ayoko ko pigilan ang luha na lumabas sa mga mata ko. "Daddy." Napahikbi naman ako dahil isang salita na narinig ko sa kan'ya. Niyapos ko ito at panay ang halik sa kan'yang mukha. Tiningnan ko si Baby Gold na papikit na ulit ang mga mata. "D-Don't close your eyes, please. Keep them open for me," umiiyak na saad ko rito. Ngu

