Contract Hindi na ako nagpahatid kay Thiago sa unit. Nagpalitan na lamang kami ng numero at nangakong pananatilihin ang kumonikasyon sa isa't-isa. Gulat na gulat naman si Suzy nang makita akong pumasok ng unit ni Brandon habang abala siyang nag-vavacuum ng sahig. "Miss Alanis!" sigaw niya bago binitawan ang hawak na vacuum at dinambahan ako ng yakap. "Bakit hindi ka po nagsabi na uuwi ka? Sana ay sinundo kita sa baba." Malawak ang kaniyang ngiti paghiwalay sa yakap. "Ayos lang. Hinatid naman ako ni Thiago." mabilis na namuo ang pagtataka sakaniyang mukha. "Yes. We got back together, Suzy." Napasapo na lamang sakaniyang bibig si Suzy bago nagtitili. "I'm so happy for you, Miss Alanis! Dahil diyan ay ipagluluto kita ng masarap." Natawa ako sakaniyang sinabi. Nagtungo muna ako sa aking

